ISA-ISA kaming tumalon mula sa helicopter na naghatid sa amin sa Palawan. Mula sa ere ay kitang-kita namin ang mga makakapal na usok, mula sa isang lugar. Pati ang malaking bahay na nakatayo sa mataas na bahagi ng gubat ay umaapoy. Kahit hindi ko nakita ang mga pangyayari sa lugar na ito ay masasabi kong dinaan sa bilis ng mga kasamahan naming sa ORBIT Special Task Force Team, ang pagpasok sa lugar. Naituro na rin sa amin ni Lt. Coleman, ang mga gagawin kapag nasa mission. Bawal sa amin ang magtagal sa isang lugar. Kailangan ay matapos ang mission in between ten to twenty minutes. Pag-landing namin sa lupa ay mabilis din namin itinago ang mga parachute na ginamit namin. Hinugot ko ang dalawang sp@da sa likod ko at mabilis akong naglakad patungo sa loob ng bakuran. Malayo pa ako ay na

