PANGATLONG ARAW na ngayon dito sa bahay si Ate Evette, pero hindi pa rin ito lumalabas ng kuwarto. Pati si Daddy ay nagtatanong na kung bakit ayaw nitong lumabas ng kuwarto nila ni Kuya. Naka alis na rin si Kuya, para pumasok sa kanyang opisina, pero si Ate ay hindi pa rin lumalabas. Si Mamang din ang naghahatid ng pagkain ni Ate sa loob, dahil iyon ang bilin ni Kuya Alfie. Sinasamahan ko rin si Mamang, para makita't makilala ang aking bagong Ate. Abala ako sa aking trabaho sa pamamagitan ng Laptop ko, nang biglang bumaba si Ate Evette. Tuwang-tuwa kami ni Mamang na salubungin siya, dahil nakita namin na parang nahihiya siyang magkita namin. "Ate Evette, mabuti naman at bumaba kana. Kahapon ka pa namin hinihintay para makilala ka ni Daddy." saad ko. Sinalubong ko siya at niyaya siy

