MABILIS ang kilos ni Jhona na nagtago sa gilid ng pader, pagkakita niya sa gr@n@dang gumugulong sa sahig. Agad din niyang sinenyasan si Aziah na tumigil sa pagtakbo, para hindi ito mahagip sa pagsab0g. Mabilis ding nagtago si Aziah, dahil alam niyang may panganib mula sa loob. Agad silang napatakip ng tainga, dahil sa malakas na tunog ng pagsab0g mula sa loob ng bahay. Pero nagtataka silang napatingin sa paligid, dahil wala naman silang naramdaman na malakas na impact ng pagsab0g, pero may makapal na usok na lumabas mula sa pinto. "Bridge, are you okay?" tanong ni Honey, kay Bridge, pagkakita niyang bumagsak ito sa mga halaman sa gilid. Mabilis din itong bumangon at muling nagtago at napunta sa kinaroroonan ni Honey. "Okay lang ako!" mahina ang boses na tugon niya. Nag thumbs up din

