PAGLABAS ni Attorney Alfie sa kuwarto ng kanyang ina ay nasalubong naman niya si Primo na gumagapang din palabas mula sa kuwarto nito. Pareho silang may hawak na bar*l, para salubungin ang mga taong nangahas na pasukin ang kanilang bakuran.
"Dito ako sa harap, Kuya. Doon ka sa likod." sambit ni Alfie, saka mabilis na bumaba sa kanilang hagdan.
"Mag-iingat ka, Bro! Hindi ito isang laro. Totoong laban 'to." bilin ni Primo sa kapatid.
"I know, Kuya. Ikaw ang mag-ingat, dahil may anak ka at buntis pa ang asawa mo sa pangalawa niyong anak. Kailangan ka nila." bilin din niya sa kapatid.
Mabilis na tumakbo si Primo, patungo sa kanilang kusina at doon ito dumaan, para salubungin ang mga kal@ban na nagmumula sa likuran ng kanilang bahay. Harap at likod ang kinaroroonan ng mga arm@dong lalaki na nagpaulan ng b@la sa kanilang bahay. Galit ang namayani kay Primo, dahil sa pagkakalagay sa panganib ang buhay ng kanyang buong pamilya.
Si Alfie naman ay maingat na sumilip sa maliit na bintana sa harapan ng kanilang bahay, para makita ang mga kalaban. Nakita niyang umaakyat ang mga ito sa kanilang bakod, kaya mabilis niyang inumang ang kanyang bar*l. Sunod-sunod niyang pinaputukan ang mga kalaban na nakasampa na sa kanilang bakod. Sunod-sunod naman silang natumba, dahil sa tama nila sa ulo.
Matapos niyang mapabagsak ang mga nasa bakod ay mabilis naman siyang lumabas sa terrace nila, upang makita ang ibang nakapasok na sa loob.
Narinig niyang may nakasagi ng bote sa tabi ng tindahan, kaya hinanap niya ito. Nang makita niya kung nasaan ang mga kalab@n ay agad niyang inumang ang hawak niyang bar*l, at isa-isang binar*l ang tatlong lalaki sa gilid ng pader ng tindahan ng mag-asawang Primo at Steph. Bawat kalabit niya sa kanyang bar*l ay may bumubulagtang kalaban sa harapan ng kanilang bahay. Hindi nasasayang ang kanyang b@la. Bawat kalabit niya ng gatilyo ay may bumabagsak.
Nang masiguro niyang napatumba na niya ang mga nasa harapan ay dahan-dahan siyang nagtungo sa garahe, para doon magtago.
Patuloy din niyang naririnig ang putukan sa likod bahay. Kaya alam niyang maraming kalaban doon ang kuya niya. Binar*l din niya ang ilaw sa kanilang terrace, para magdilim ang harapan ng bahay at hindi agad siya makita doon. Maingat siyang sumilip para alamin kung nasaan ang mga natitira pa niyang kalaban.
Muli niyang inumang ang hawak niyang bar*l sa may malagong halaman sa dulo ng pader. Nakita niyang gumalaw ang dahon ng halaman na tanim ng kanyang Mamang, kaya alam niyang doon nagtatago ang kalaban. Ngunit bago niya bar*lin ang tao sa likod ng halaman ay may naisip naman siyang paraan para mapalabas ito. Pinulot niya ang nakita niyang bato sa gilid at mabilis na ibinato sa halaman. Natamaan naman ang kalaban, kaya dumaing ito ng sakit.
"Uuugh!" narinig niyang mahinang daing ng lalaki. Nagulat din ito kaya mabilis na tumayo.
Kasabay ng pagtayo ng lalaki ay kinalabit ni Alfie ang gat*lyo ng hawak niyang bar*l. Kitang-kita niya ang paglabas ng maraming d*go sa ulo ng lalaki, bago ito unti-unting napaluhod at bumagsak sa damuhan.
Bigla naman nagpaulan ng b@la ang isa pang lalaki, dahil sa takot nito na baka siya rin ang isunod ng kalaban nila na nasa likod ng sasakyan. Pinaulanan niya ng b@la ang harapan ng kotse. Agad na nabasag ang wind shield nito at na-flat ang mga gulong. Ngunit bigla itong naubusan ng b@la, kaya mabilis niyang pinalitan ang mag@z!ne ng hawak nitong @rmal!te. Pero hindi pa niya naipapasok ang bagong mag@z!ne ay bigla na lang siyang napaluhod, dahil sa naramdaman nitong pagtama ng b@la sa kanyang sintido.
Lumabas si Alfie at walang takot siyang naglakad sa harapan ng kanilang bakuran, habang isa-isang pinatatamaan ang mga lalaking papaakyat sa kanilang bakod. Sunod-sunod na bumagsak ang mga ito, dahil sa bilis ng kanyang daliri sa pagkalabit ng gat*lyo sa hawak niyang bar*l. Samahan pa ng matalas niyang pakiramdam at pandinig. Bagsak lahat ang mga lalaki, at may dalawa pang naka sampay sa itaas ng kanilang pader.
May isang sasakyan din na biglang umalis sa harapan ng kanilang bahay. Patakbo siyang lumabas ng Gate, para makita kung anong sasakyan ang umalis. May naririnig na rin siyang serena ng Police Mobile, kaya muli siyang pumasok, para tingnan kung may buhay pa sa mga kalaban.
Nakita niyang parating na ang kanyang kuya Primo, galing sa likod bahay. Bitbit pa rin nito ang @rmal!te na ginamit nito sa mga kalaban.
"Kuya, wala ka bang nahuling buhay?" tanong niya sa kapatid.
"Wala eh. May dalawang nakatakas. Hindi ko na hinabol, dahil ayaw kong lumayo dito. Baka kailangan ako ng mga-ina ko." sagot ni Primo. "Pero 'yong ibang natamaan ay buhay pa. P'wede pa natin silang matanong kung sino ang nagpadala sa kanila." dagdag nito. Agad din itong pumasok sa loob ng bahay, para tingnan ang kanyang mag-ina.
Pagdating ng mga police ay agad silang pumasok sa loob ng bakuran, at agad na nilapitan ang mga nagkalat na katawan ng mga tao. Agad namang sinalubong ni Alfie ang isang Police.
"Attorney Magtibay, bahay pala niyo itong itinawag sa amin na nilusob ng mga @rmad0ng lalaki?" bungad ng police.
"Oo, Chief. Hindi ko nga alam kung anong motibo nila at basta na lang pinagbabar*l ang bahay namin." sagot ni Alfie.
Muling lumabas si Primo, para makausap ang mga police. Hawak pa rin nito ang kanyang @rmal!t3 na lumabas ng bahay.
"Magandang gabi, Chief. Mabuti naman at narito na kayo. Ako nga pala si Colonel Primo Magtibay, at siya naman ang kapatid kong si-" agad na pakilala ni Primo sa Police, ngunit pinutol siya sa pagsasalita ng lalaki.
"Attorney Alfonso Magtibay Junior! Magkaibigan kami ng kapatid mo, Colonel, kaya kilalang-kilala ko na siya mula ulo hanggang paa." nakangiting sambit ni Police Chief Inspector Jonas Cajalne. Kinamayan din niya si Primo at hinawakan sa balikat. "Ikinagagalak kitang makilala, Colonel Magtibay." pahabol niya sa lalaki.
Hindi makapaniwala si Primo, dahil sa nalaman. Hindi niya akalain na magkaibigan sina Alfie at Chief Cajalne. Hindi kasi nababanggit ng kanyang kapatid ang tungkol dito.
"Kuya, sina Mamang pala! Kayo na ang bahala dito. Pupuntahan ko lang sila sa kuwarto." paalam ni Alfie sa dalawa. Mabilis siyang tumakbo, papasok sa kanilang bahay at agad na umakyat sa hagdan nilang limang baytang lang ang taas.
"Mamang! Mamang!..." malakas na sigaw ni Alfie, saka niya binuksan ang pintuan ng kuwarto. "Kumusta ka Mamang? May masakit ba sayo?" nag-aalala niyang tanong sa ina. Nakita kasi niyang nakangiwi ito, habang nakahawak sa baywang.
"Sumakit lang ang balakang ko, dahil sa pagkakasalampak ko dito sa sahig, Anak. Ang Papang mo pala, nasaan siya?" may pag-aalalang tanong ng ina.
Tinulungan niyang makatayo ang ina, at hinila din ang kamay ni Bridgette, para makatayo ito. "Tayo na sa kuwarto ko. Doon ko siya iniwan kanina." sagot ni Alfie. Inakbayan niya ang dalawa, para ilabas sa kuwarto at samahan sila sa kanyang silid.
Kinakabahan na naglakad si Bridgette, patungo sa kuwarto ng kanyang Kuya Alfie. Nasa dulong bahagi ito, kaya naglakad pa sila ng ilang metro. Pagbukas ni Alfie sa pinto ay mabilis na pumasok si Bridgette, upang makita ang ama. Ngunit bigla na lang itong sumigaw, dahil sa takot niya sa nakitang ayos ng kanilang ama.
"Daddy!.... Daddy ko!...." malakas na pagtawag ni Bridgette sa ama, saka siya mabilis na lumuhod sa sahig at hinawakan ang kamay ng ama. "Kuya, si Daddy, hindi makahinga!..." umiiyak na sambit ni Bridgette.
Nadatnan nilang nahihirapang huminga si General Magtibay, dahil sa paninikip ng dibdib at nangingitim na ang labi. Naninigas din ang katawan nito, dahil sa kawalan ng oxygen.
"F*ck!" pagmumura ni Alfie, dahil sa nakita niyang ayos ng ama. "Mukhang inaataki sa puso si Papang. Kailangang madala kaagad siya sa hospital." sambit niya, saka niya kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan.
"Alfonso! Alfonso, gumising ka! Alfonso!..." umiiyak naman na pagtawag ni Cion sa dating asawa. Kahit malaki ang nagawa nitong kasalanan sa kanya noon ay natatakot pa rin siyang may mangyaring masama sa lalaki. "Alfie, tumawag ka ng ambulansya!..." pasigaw na wika niya kay Alfie, dahil may kausap ito sa kanyang cellphone.
"Don't worry, Mamang, papunta na dito ang kaibigan ko para tulungan tayong madala sa hospital si Papang." sagot ni Alfie.
"Kuya, nahanap na nila kami ni Daddy. Sigurado akong idadamay nila kayong lahat, dahil kinalaban niyo sila. Kuya, ayaw ko pang mamat@y! Ayaw kong matulad kina Lolo at Mommy na pinat@y nilang walang kalaban-laban. Tulungan mo kami, Kuya, parang awa mo na. Itago mo kami ni Daddy, para hindi nila kami makita." pagmamakaawa ni Bridgette sa kapatid.
Awang-awa naman si Alfie, kay Bridgette. Naka luhod na ito sa harapan niya at halos halikan pa siya sa paa, para lang tulungan niya ito.
"Sino ba ang mga taong ito, at bakit gusto nila kayong pat@yin?" tanong ni Alfie. Gusto niyang malaman ang dahilan ng mga taong nakasunod sa ama at kapatid, para alam niya ang kanyang gagawin.
"Si Uncle Art, ang may kasalanan ng lahat, Kuya. Siya ang nag-plano sa pagkamat@y nila Lolo at Mommy. Lihim niyang pinasok ang Fencing School, kung saan naglalagi si Lolo at doon niya isinagawa ang pagpat@y sa Lolo ko. Tapos isinunod din niya si Mommy. Tinanggal nila ang break ng kotse ni Mommy, kaya siya na-aksidente, habang patungo siya sa University. Nagmamadali siya noon, dahil iyon ang araw ng Graduation ko. Adopted brother ni Mommy si Uncle Arthuro Vibar, pero matagal na siyang itinakwik ng Lolo ko, dahil sa pagkalugi at pagkarimata ng Company na ipinagkatiwala sa kanya. Nalululong siya sa sugal at ginamit ang pondo ng Company, hanggang sa pati ang Company ay isinangla niya sa banko at naremata. Pinalayas siya at tinanggalan ng karapatan sa lahat, kaya noong mamat@y si Lolo ay hindi na siya binigyan nga mana. Sa akin binigay ni Lolo ang lahat ng mga negosyo ng pamilya, kasama ang Fencing School at malawak na Coffe Plantation, kasama ang malaking halaga na nasa trust fund ko. Hindi 'yon matanggap ni Uncle, kaya gusto niya kaming ubusin lahat, para mapasakanya ang mga maiiwan namin. Pinagtangkahan din niya akong kidn@pin, para papermahin sa mga papeles na magsasalin sa pangalan niya ng mga minana ko. Muntik din niya akong, i-r@p3 sa mismong Resort namin, noong nilusob nila ako doon. Buti na lang at malapit ang Campo nila Daddy, kaya nasaklolohan niya ako. Tapos pag-uwi namin sa Villa, may nadatnan kaming kahon sa labas ng gate. May laman na b0mb@, kaya muntik na naman kaming dalawa. Kaya nag desisyon si Daddy na umuwi na kami dito sa bahay niyo, pero ngayon, nasundan na naman nila kami." mahabang kuwento ni Bridgette kay Alfie, habang umiiyak.
Niyakap siya ni Alfie, para pakalmahin. "Tama na, huwag kanang umiyak. Nandito kana sa amin, hindi kita pababayaan. Kapatid kita. Iisang dugo ang dumadaloy sa mga ugat natin, kaya h'wag kang matakot. Isa kang Magtibay! May dugong matapang at palaban, kaya h'wag kang matakot sa mga taong naghahangad ng iyong buhay. Tutulongan kita sa problema mo. Ako ang haharap sa mga taong gustong manakit sayo. Pangako ko yan sa'yo." tugon ni Alfie, saka niya niyakap ng mahigpit ang kapatid. Ngunit sa loob-loob ni Alfie ay parang gusto niyang sumabog, dahil sa mga nalaman niyang nangyari sa kanyang ama at kapatid. Mariin niyang ikinagat ang mga ngipin at pinagkiskis ito, dahil sa galit na biglang nabuo sa kanyang puso. Makikita rin ang kanyang panga na umiigting.
Ilang minuto pa ang lumipas, nang marinig nila ang malakas na ugong ng helicopter na parating sa kanilang lugar. Agad na kumilos si Alfie at kinuha ang mga gamit.
"Mamang, Bridgette, makinig kayo sa akin! Kailangan na natin umalis sa bahay na ito. Hindi na tayo safe na manatili pa dito. Dadalhin ko kayo sa bahay ko at doon na kayo titira, para hindi na kayo malagay sa panganib. Kumuha lang kayo ng ilang mahahalagang gamit ninyo, at kunin ang lahat ng mahahalang bagay o documento. Bibili na lang tayo ng ibang kakailanganin ninyo sa susunod na mga araw." wika ni Alfie sa kanyang ina at kapatid.
"Kuya, paano si Daddy?." umiiyak na tanong ni Bridgette. Ayaw din niyang bitawan ang kamay ng ama, dahil natatakot siyang baka kung anong mangyari rito.
"H'wag kanang mag-alala. Parating na ang helicopter na sasakyan natin papunta sa Hospital. Dito muna kayo at tatawagin ko lang si kuya Primo." paalam niya sa ina at kapatid.
Mabilis na lumabas ng kuwarto si Alfie, at patakbo siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kapatid na lalaki. "Kuya, iwan mo na ang mga 'yan. Sina Chief na ang bahala dito. Mag empaki na kayo ng pamilya mo at aalis na tayong lahat dito. Hindi na kayo safe dito, Kuya. Dadalhin ko na kayo sa bahay ko. Doon na kayo titira, habang hindi pa nahuhuli ang mga taong may kagagawan ng lahat ng ito." sabi ni Alfie sa kapatid.
Nagtatakang tiningnan ni Primo si Alfie, ngunit hindi na lang siya nagtanong. Iba ang kutob nito sa kapatid, dahil sa ginawa nito sa mga taong pumasok sa kanilang bakuran. Lahat sila ay may tama sa ulo o kaya sa tapat ng puso, kaya agad silang binawian ng buhay. Alam ni Primo na hindi isang ordinaryong tao ang may kakayahan na bumar*l at masesentro ang ulo ng target nito. Alam niyang may inililihim ang kapatid, pero sa susunod na araw na lang niya ito tatanungin.
Kinausap din ni Alfie si Chief Cajalne, at binilin niya ito para sa paglilinis sa loob ng kanilang bakuran. Dumating na rin ang Helicopter na kanilang sasakyan, at umiikot-ikot ito sa taas upang maghanap ng lugar na lalapagan nito.
Agad na tinawag ni Alfie ang kanyang pamilya upang lumabas ng bahay nila. Naunang lumabas sina Primo at Apple, kasunod si Steph na tila nahihirapan sa paglalakad. Nakahawak pa ito sa kanyang puson, kaya kinarga ni Alfie ang pamangkin na umiiyak, para maalalayan ni Primo ang asawa.
Sa mismong bakuran nila lumapag ang Helicopter, kaya biglang lumakas ang hangin sa harapan nila. Payukong lumapit si Alfie sa Helicopter at ibinigay ang pamangkin sa Nurse na nasa loob. Agad din bumalik si Alfie sa loob ng bahay, para tulungan ang ina at kapatid sa paglabas. Magkayakap sina Bridgette at Cion na lumabas, kaya agad na inalalayan ni Alfie ang ina. Kinuha niya ang dalang bag ng ina, saka niya hinatid sa loob ng Helicopter. Tumulong din ang ibang pulis, para maisakay ang kanilang mga gamit.
Pagbalik ni Alfie sa harap ng bahay ay nakita niyang kausap ni Chief Jonas Cajalne si Bridgette. Biglang kumunot ang noo ni Alfie, dahil sa kaibigan.
"Chief! Ang mga nagkalat na katawan sa paligid ang asikasuhin mo, hindi ang utol ko!" asik ni Alfie sa kaibigan. Pinalo niya ang kamay ni Jonas at agad niyang hinawakan ang kamay ni Bridgette at hinila ang kapatid patungo sa helicopter.
"Attorney naman, nakikipagkilala lang naman ako kay Bridgette." habol ni Jonas sa kaibigan. Parang gusto niyang magwala, dahil inilayo sa kanya ng lalaki ang babaeng una pa lang niyang nakita ay nabighani na siya sa angkin nitong ganda. "Attorney!... Sandali!..." pagtawag ni Jonas kay Alfie, dahil mabilis nitong hinila si Bridgette, at pinaakyat sa loob ng helicopter.