(CEN) Nagmadali akong maghain ng marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Paul. Maya-maya lang ay nakita ko na itong papalapit sa akin. “Hi!” bati nito. “Hello, kamusta?” tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso. Umiling lag ito. “Pinatay si Mr. Cole at nawawala na din ang blackbox” nanghihinayang na turan nito. “P-paano na?” tanong ko. “Huwag kang mag-alala malinaw na, na hindi ikaw ang pumatay sa pamilya mo, mayroon na kaming ebidensya. Ang mahirap lang ngayon ay hindi ka pa din pwedeng magpakita, hinahanap ka ng demonyong pumatay sa pamilya mo!” sabi nito habang umiigting ang kayang panga. Tumango-tango na lang ako kahit sobrang bilis ng kabog ng puso ko. May gustong pumatay sa akin, hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya sa pamilya ko, balak pa akong isama. “P-pero ang

