(CEN) Sobrang saya namin ni Paul dahil sa blessing na natanggap namin. Maagang pamasko sa amin ang batang dinadala ko. Hindi na nawala ang ngiti sa aming mga labi ganoon na din ang mga luhang dahil sa tuwa, hindi na matigil sa pagbagsak. Nakaupo kami ngayon dito sa kama habang nakaharap sa laptop nito. Nanunuod kami ng movie. Dahil sa nalaman namin ngayong umaga hindi na tumuloy si Paul sa lakad nito. Maaari naman daw bukas o sa ibang araw. May isang linggo pa naman daw siya para humanap ng mga ebidensya na makakapagpatunay na inosente ang kaibigan nitong si Arjay. Sa ngayon ako muna, ako ang priority niya. “Tinawagan ko na pala si Gerald, pupunta iyon dito bukas kasama ang magiging OB mo.” Nang mabanggit nito ang pangalan Gerald ay agad na nabinat ang aking mga labi at nagpaki

