EPISODE 25

3959 Words

Tinatahak ni Nicollo ang daan pauwi ng bahay. Kagagaling lamang niya ng school at uwian na. Dina-drive niya ang white Volvo na personal car niya. Ito rin ang gamit niyang kotse ng pumasok siya kanina ng eskwelahan at pati ngayong pag-uwi ay ito rin. Hindi sila sabay pumasok at umuwi ni Eufritz. Simula nang mag-usap sila at sabihin noong nakaraang araw ang mga katagang hindi niya akalain na masasabi niya kay Eufritz, nagbago na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kapag magkasama ang dalawa at nasa eskwelahan sila o public place, parang normal lang ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Nag-uusap, nag-aasaran. Nagpapanggap sa harap ng ibang tao na okay lang ang lahat sa kanilang dalawa ngunit ang totoo, pakitang tao na lamang ang kung ano ang ginagawa nila kapag nasa harapan sila ng ibang tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD