EPISODE 1

2127 Words
“If you KISS someone, you touch them with your lips to show affection or s****l desire, or to greet them or say goodbye.” “Hay naku! Ang boring naman,” walang kagana-gana at naiinip na sambit ni Nicollo. Napabuntong-hininga siya ng malalim at inililibot ang tingin sa paligid. Walang magawa si Nicollo ngayong araw na ito. Nainip siya sa pag-stay sa mala-mansyon nilang bahay kaya naman napagpasyahan niya na magpunta na lamang sa malaking mall na ito sa pagbabakasakaling makakakita siya dito ng paglilibangan. Sawa na din kasi siya na maglaro ng computer games sa bahay kaya napagpasyahan na lamang niyang magpunta sa mall ng mag-isa. Siya si Nicollo Iris Tolentino, also known as Nico, twenty years old. Nag-aaral siya sa isa sa prestigious university dito sa bansa. Fourth year college na siya sa kursong civil engineering. Habang naglalakad si Nicollo ay hindi naman niya napapansin na napapatingin sa kanya ang lahat especially mga babae at feeling babae. Tila naging kiti-kiting hindi mapakali sa ilalim ng tubig ang mga ito na sobrang kinikilig na masilayan ang angkin niyang kagwapuhang hindi lang pang-tao kundi pati pang-butete din. Paano namang hindi kikiligin ang mga babae at feeling babae na nakakakita kay Nicollo, ubod naman kasi siya ng gwapo lalo na ngayon na nakasuot ito ng white v-neck shirt na pinatungan niya ng black leather jacket, semi-fit jeans at white sneakers. Nakabrush-up ang kulay brown na buhok niya na bumagay sa magandang hugis ng mukha niya. Nakapasak din sa magkabilang tenga niya ang headphone dahil nakikinig siya ng music. Si Nicollo ay nagtataglay ng isang mukha na ubod ng gwapo at nag-uumapaw sa karisma. Close to perfect na ang itsura niya. Siguro no’ng nagpasabog ang Diyos ng kagwapuhan sa mundo, sinalo ng mommy niya lahat habang siya’y ipinagbubuntis kaya nang isilang na siya sa mundo, cute na siya at hindi man lang nagbigay ang mommy niya miski kakaunting kagwapuhan sa kasabayan niyang nagbubuntis dito sa mundo. Chinito eyes, kissable lips, not so pointed nose, fair complexion, well-shaped jawline, well-built and fit body. Lahat na ng katangian para masabi na isang magandang lalaki ang isang lalaki ay na kay Nicollo na. Walang itatapon sa kanya. Kahit nga ang kulangot niya, halos perfect kaya hindi magagawang itapon ito basta-basta. ‘Yung mabangong laway niya, pwedeng ipunin sa isang baso tapos itabi bilang souvenir at amuy-amuyin kung kailan gustuhin. Pati ang balat sa mukha at katawan ni Nicollo ay sobrang kinis. Hindi man lang tinutubuan ng kung anumang impurities. Walang visible pores ang balat sa mukha ni Nicollo. Parang hindi apektado ng matinding init sa Pilipinas ang balat niya. Parang may built-in sunblock na may SPF one hundred ang kanyang balat kaya walang effect ang sunrays sa kanya. Mas lalo pang gumagwapo si Nicollo kapag nakangiti. ‘Yung tipong ang cute tingnan ng ngiti niya dahil lalong lumiliit ang mga mata niya at lumalabas pa ang dimples niya sa magkabilang pisngi. Ngunit bihira lamang ngumiti si Nicollo kaya hindi din nakikita ng iba ang ka-cute-an niya lalo na ang magkabilang dimples niya sa pisngi. Bukod talagang pinagpala si Nicollo pagdating sa taglay na kagwapuhan at kakisigan. Bukod sa pagiging gwapo ni Nicollo, mayaman din siya. Ang pamilya lang naman nila ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamatatag na bangko hindi lang dito sa Pilipinas kundi saan mang panig ng mundo. Gwapo na, mayaman pa. Perfect! Nag-iisang anak lang si Nicollo ng mag-asawang Irish at Napoleon Tolentino na parang mga bampira dahil hindi tumatanda. Nagtataglay pa rin ang mga ito ng angking kagandahan at kagwapuhan at magagandang pangangatawan. Kaya naman may pinagmanahan ang halos perpektong itsura ng hudas. Bakit nga ba hudas si Nicollo? Well, kung anong ikinagwapo ng panlabas na kaanyuan ni Nicollo, ‘yun naman ang ikinasama ng ugali niya. Actually, hindi naman masama si Nicollo, may ugali lang talaga siya na kahit sinong tao minsan ay hindi ito magugustuhan. Sobra ang pagkasuplado niya. Cold makitungo sa ibang tao. Parang nagkakaroon ng snow sa Pilipinas kapag katabi siya at kailangang magsuot ng winter jacket kapag nakitungo sa kanya. One liner din kung sumagot si Nicollo kapag tinatanong o kinakausap at kahit na gusto pang marinig ang paliwanag niya, wala ng ibang maririnig sa kanya kundi ‘okay’ o di kaya ‘yes or no’. Hindi din basta-basta namamansin si Nicollo. Wala siyang pakielam sa ibang tao. One time nga, may muntik nang masagaan ng bike sa tabi niya pero ang ginawa lang niya, nilagpasan niya ang kaawa-awang babaeng nasugatan ang siko dahil sa pagkakatumba nang umiwas ito. Hindi man lang siya nakaramdam nang pagkahabag man lang at ang mas malala, walang ekspresyon sa mukha niya kahit nakita niya ang nasaktang babae. Ungentleman siya sa hindi niya kilala. Anti-social din si Nicollo at introvert kaya nga sa eskwelahan na pinapasukan niya, wala siyang matatawag na kaibigan man lang. Kahit isang kaibigan wala. Kaaway? Well, ‘yung mga lalaking inggit sa kagwapuhan niya ay itinuturing siyang kaaway ngunit hindi naman makapalag sa kanya dahil titingnan pa lang niya ang mga ito, tumitiklop na sila. Ngunit kahit ganoon ang ugali ni Nicollo hindi rin naman maitatanggi na mapagmahal siya sa magulang. Hindi naman siya mama o papa’s boy. Mahal lang talaga niya ang magulang niya kahit na minsan ay nakakatikim din ang mga ito ng kasupladuhan niya. Hindi naman na siguro mawawala ang pagiging suplado ni Nicollo. Bakit nga ba kasi ganito ang ugali ni Nicollo? Ewan! Baka noong nagpasabog rin ang Diyos ng kasupladuhan sa sanlibutan ay sinalo din ng mommy niya lahat with matching yelo pa dahil napaka-cold nito. Okay na sana na kagwapuhan na lang ang sinalo ng mommy ni Nicollo no’ng ipinagbubuntis niya ito ngunit pati ba naman kasupladuhan at pagiging cold sinalo kaya ganyan ang kinalabasan niya. Hindi binibigyang pansin ni Nicollo ang mga babae at feeling babae na hanggang ngayon ay sinusundan siya nang tingin. Para ngang hihimatayin na ang mga taong iyon sa sobrang kilig. Hindi pinagaaksayahan ni Nicollo ng panahon ang mga ganoong tao para pansinin pa. Patuloy lang siya sa paglalakad at inililibot ang paningin sa kung saan-saan. Wala siyang makitang pwedeng pagkaabalahan ng oras niya sa loob ng mall. Napakamot siya sa kanyang batok at nakakaramdam nang pagka-inis dahil sa sobrang boring ng buhay niya. “Hay! Hindi lang pala ako dapat pumunta dito,” pabulong na wika ni Nicollo. Malalim siyang bumuntong-hininga. Mabuti na lang at may nakasaksak na headset sa tenga ni Nicollo at may musika na tumutunog doon, at least kahit papaano ay nalilibang siya sa pakikinig lamang ng musika. “Honeylove!” malakas na sigaw ng isang babaeng humihingal dahil sa mabilis na pagtakbo niya. Nakatingin siya sa likod ng isang matangkad na lalaking mabagal na naglalakad. Nakuha naman ng babae ang atensyon ng lahat. Halos lahat ng tao sa loob ng mall na nakakakita sa babae at nakarinig sa sigaw niya ay napatingin sa kanya. Paanong hindi mapapatingin ang mga ito sa babae, halos dumagundong ang lakas ng boses niya sa loob ng mall dahil sa pagsigaw niya ng malakas. Napahinto ang mga tao sa paglalakad at nakiusyoso, pati ang mga body guard na nakasunod sa babae ay napahinto din. Kumunot naman ang noo ni Nicollo. Pakiramdam niya kasi ay may sumigaw mula sa likod niya at humahabol sa kanya. Huminto siya sa paglalakad. Tinanggal niya ang suot na headphone sa tenga niya. Lumingon si Nicollo sa likod niya. Lalong kumunot ang kanyang noo nang makita ang tumatakbong babae. ‘Sino ‘yan? Siya ba ‘yung sumisigaw? Teka… hinahabol ba niya ako?’ sunod-sunod na pagtatanong ni Nicollo sa utak niya. Nagtataka siya. Nakumpirma ni Nicollo na hinahabol nga siya ng babae. Parang slow-motion ang lahat ng nangyayari para kay Nicollo. Nakatingin sa kanya ang babae na lalong ikinalukot ng noo niya at halos magtagpo na ang magkabilang dulo ng kilay niya. Nakangiti ang babae na lalong nagpaganda sa kaanyuan nito. Parang anghel na galling sa kalangitan na bumaba sa kalupaan at ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya. Bakit? Guardian angel ba siya ni Nicollo? Nagsalubong lalo ang makapal at itim na itim na kilay ni Nicollo dahil sa pagtataka dahil hindi naman niya ito kilala. Diretso at mataman siyang nakatingin sa babae. Maputi ang kulay at makinis na balat ng babae. May pagka-chinita ang mga mata nito pero hindi ganoon kasingkit. Makinis at mala-anghel ang maliit na mukha nito. Halata din na wala itong suot na make-up at lipstick. Ipinangangalandakan nito na natural ang ganda niya. Ang labi ng babae ay natural na kulay pula na parang cherry at sa tingin pa lang ay malambot na. Balingkinitan ang hubog ng katawan ng babae kaya bumagay ang suot nitong floral dress with matching doll shoes. Kulay itim ang wavy at mahaba nitong buhok na bumagay sa hugis mukha nito. Unti-unting lumalapit ang babae. Parang napako naman sa kinatatayuan si Nicollo. Magkasalubong pa rin ang kilay niya at nakatitig na sa babae. Naghihintay siya ng mga susunod na mangyayari. Nagtataka din siya kung bakit lumalapit sa kanya ang babae. Hindi naman niya ito kilala. Nagtataka rin ang isip ni Nicollo kung siya ba ang tinatawag ng babae na honeylove na kanina ay narinig niya kahit nakikinig siya ng music. Napasinghap ang lahat ng taong nakikiusyoso sa mga pangyayari. Nanlaki din ang mga mata ng mga ito dahil sa shock dahil sa eksena na ginawa ng babae. Pero ang pinakanagulat sa lahat ay si Nicollo. Nanlalaki ang singkit niyang mga mata nang lumapit na ng tuluyan sa kanya ang babae. Kitang-kita sa mukha niya ang matinding pagkagulat. Ang cold na expression niya ay biglang nalusaw at napalitan ng sobrang pagkagulat dahil sa nangyari. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at natulala siya. Ikinawit ng babae ang dalawa nitong kamay sa batok ni Nicollo. Hinila ng babae si Nicollo palapit sa kanya. Inilapit ng babae ang kanyang mukha sa mukha ni Nicollo at hindi nagtagal, hinalikan ng babae ang… labi ni Nicollo. Ramdam na ramdam nang tulalang si Nicollo ang malambot at mainit-init na labi ng babae na ngayon ay nakalapat sa malambot na labi niya. Hindi niya alam pero nagsimulang kumabog nang malakas ang puso niya sa loob ng dibdib niya. Hindi man siya gumagalaw dahil halos matulala siya sa ginawa ng babae sa kanya. Ramdam pa rin niya ang labi nito na kanina lang ay pinagmamasdan niya. Hindi makapaniwala si Nicollo sa mga nangyayari. Nagpunta lang naman siya sa mall para alisin ang pagka-bored niya pero hindi niya akalaing mangyayari ito. Parang imposibleng mangyari sa totoong buhay. At sa sobrang lapit din nila sa isa’t-isa, hindi rin maiiwasan na maramdaman ni Nicollo ang dibdib ng babae na nakalapat ngayon sa toned-chest niya. Matangkad si Nicollo ng kaunti sa babae. Nasa five-eight si Nicollo at five-seven naman ang height ng babae. Nanlulumo naman ang mga itsura ng mga babae at feeling babae na humahanga sa kagwapuhan ni Nicollo. Tila nawala sa isang iglap ang pangarap nila at ngayon ay hindi nila alam kung makakabangon pa ba sila mula sa pagkalugmok. “Sayang! Hindi na pala available si hot guy!” maarteng wika ni girl one. “Oo nga! Kainis! Bwisit na mujer!” pagsang-ayon naman ng isang feeling babae with matching pagpadyak-padyak pa ng paa. “Hay! Para akong inagawan ng pangarap!” wika pa ng isang nanghihinayang. “Ang sakeeeet!” nasasaktang sabat pa ng isa. Marami pang bulungan ng mga nabwibwisit na babae at feeling babae ang maririnig sa paligid. Inalis ng babae ang labi niya mula sa pagkakalapat sa labi ni Nicollo. Inilayo niya ng kaunti ang mukha sa mukha ni Nicollo pero ang mga katawan nila’y magkalapit pa din. Hindi din niya tinanggal ang kamay na nakakawit sa batok ni Nicollo. Matamis na nakangiti ang babae at tinitigan niya si Nicollo. “Kung saan-saan kita hinanap, nandito ka lang pala, my honeylove!” malakas ang boses na wika ng babae kay Nicollo na hanggang ngayon ay parang estatwa at nakatulala. Animo’y nawala ito sa sarili at nablangko ang utak. Sinasadya ng babae na lakasan ang boses niya para marinig ng mga body guard niya. Inalis na ng babae ang pagkaka-kawit ng kamay niya sa batok ni Nicollo. Hinawakan nito ang kanang kamay ni Nicollo. Ramdam ni Nicollo ang lambot ng kamay ng babaeng may hawak ngayon ng kanyang kanan at malaking kamay. Matalim na tumingin ang babae sa mga sumusunod na body guard sa kanya. Nagsenyas ito na huwag susunod sa kanila ni Nicollo. Napakamot naman ng ulo ang mga body guard na halata rin ang gulat sa ginawa ng kanilang amo. Biglang hinila ng babae si Nicollo at patakbong naglakad. Para namang tanga si Nicollo na nagpahila na lang sa babae at sumunod sa kung saan man siya dadalhin nito dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya at parang wala na sa earth ang kaisipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD