Blake Tahimik lang ako rito sa aking kinauupuan. Pero tama lang naman na tahimik dahil nagsisimula na ang misa. Ngunit okupado ng ibang bagay ang isipan ko. Ang box. Nasaan ang laman niyon? Si Alexene ang nakita ko na nakakita sa box na iyon. Kaninang lumabas siya sa banyo, normal lang siya. I mean, kung siya ang nakakita sa laman ng box na iyon, nasisigurado kong hindi na siya mananatili pa sa bahay. Siguradong isusumpa niya ako. But she's acts normal. Which means, wala siyang alam sa box na iyon. Kaya? "Blake, are you with us?" kalabit sa akin bigla ni mommy. Maging si Alexene ay nakatingin din sa akin. Nandito ako sa dulo ng upuan at nasa right side ko si Alexene na katabi si mommy at si daddy naman sa kabilang side ni mommy. Tumango na lang ako at umayos ng upo upang makinig na sa

