Chapter 8: Pubic Hair

1448 Words
Alexene Andito lang ako sa kuwarto namin ni Blake ngayon. Tinatamad akong gumalaw o kumilos. I left Blake in the kitchen after serving his food. Ewan ko. Galit ako sa kaniya. Sa ginawa niya. Pubic hair ko iyon. Tagal na niyon na nakatanim sa mga pisngi ng p********e ko tapos aanihin niya lang ng walang pasabi! Naalala ko tuloy bigla si Dylan. Ibang-iba siya kay Blake. Never nag desisyon si Dylan ng hindi ko alam. He respects me too. Kaya nga ba hindi niya nakuha ang dapat sana ay matagal niya ng nakuha. Mas lalo ko siyang minahal dahil doon. Kaya hindi rin ako makapaniwalang lolokohin niya lang ako in the end. Unti-unting bumalik sa aking ala-ala kung paano kami nagkakilala ni Dylan... ang mga araw kung saan ay masaya pa kami bilang magkasintahan... "Hi, Alexene." Patawid na sana ako sa kalsada para pumunta sa paradahan ng jeep nang marinig ko ang boses na iyon. "Dylan?" "Can I invite you for an early dinner?" nakangiti siya sa akin at apaw na apaw ang ka-guwapuhan niya ng mga sandaling iyon. Hindi na rin naman ako tumanggi. Pang-ilang beses na rin niya akong inaaya at bihirang-bihira ko lang siya mapagbigyan. Friday naman ngayon at wala akong pasok bukas kaya naman pinaunlakan ko na siya. Isa akong ahente ng mga tiles o sales representative sa kumpanyang pinapasukan ko. "Tell me your secret," sabi ni Dylan sa akin habang hinihintay ang order namin. Nandito na kasi kami sa isang sikat na restaurant. Dito ako lagi dinadala ni Dylan tuwing pinapaunlakan ko siya. "What secret?" umangat pa ang isang kilay ko habang nangingiti. "Why are you always beautiful kahit pa anong ginagawa mo? Kagagaling mo lang sa work pero hindi man lang kita matiyempuhang haggard," seryoso niyang sabi na ikinatawa ko naman. Dylan is always like this when we're together. Masarap at masaya siyang kausap. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya sinasagot. May halos isang taon na rin ang panliligaw niya sa akin. Yes, I'm attracted to him. Siguro may konting takot lang ako. He'll be my first boyfriend if ever. "Hey, 'wag mo ako masiyadong titigan. Baka matunaw ako mawalan ka ng future," sabi niya sa akin na ikinatawa kong muli. I must admit it. Kinikilig ako sa mga ganiyang banat niya. And before the night ended, tinanggap ko na ang pag-ibig na iniaalok niya. Tama na siguro ang mag-iisang taon niyang panliligaw sa akin. Isa pa, nakikita ko namang mabuti siyang tao. Dylan is a call center agent. Nakuwento niya na sa akin dati na hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil hindi umano kinaya ang gastusin. Ang mama niya naman ay nasa probinsiya raw nila. Naging magkasintahan nga kami ni Dylan at naging maayos naman ang relasyon namin. "I love you," masuyo niya akong hinagkan sa noo. Nasa tabi kami ng fountain ng mga sandaling iyon. We celebrated our first year anniversary. Ang bilis lang ng panahon kasi umabot na kami ng isang taon. May mga araw dati na inuungutan niya ako tungkol sa s*x. Pero mariin lang lagi ang pagtanggi ko. Gusto ko kasi sana ay makasal muna kami at iyon ang magiging regalo ko sa kanya sa unang gabi namin kung sakali. "I love you too, Dylan," sagot ko naman sa kaniya at saka ko siya niyakap. Another year passed. The next day will be our second year anniversary as boyfriend and girlfriend. I decided to surprise him. Nagpunta ako sa inuupahan niyang apartment pero hindi ko na siya inabutan. Pababa na ako sa tricycle noon nang makita ko siyang sumakay naman sa isang tricycle. Pinasunod ko na lang ang tricycle na sinakyan ko. Nagulat na lamang ako nang pumasok ang sinakyan ni Dylan sa isang subdivision. Wala naman kasing nakukuwento o wala naman siyang naipakilala sa akin na kaibigan niyang nakatira sa isang subdivision. Out of curiosity, palihim ko na lang siyang sinundan. Hindi ako nagpakita. Hanggang sa masaksihan ko na nga ang hindi ko inaasahan. May isang babaeng sumalubong sa kaniya. Naka pink na jogging pants at pink na tube naman sa pang itaas nito. Pink din ang rubber shoes na suot ng babae. Wala sa sariling naglakad ako palapit sa kanila. Habang palapit ako nang palapit, nakita ko kung gaano kaganda ang babae. Maputi siya at singkit ang mga mata. Nakatali paitaas ang blonde niyang buhok at maganda ang hubog ng kaniyang katawan. Tila ba bagay na bagay silang dalawa ni Dylan. Ilang hakbang na lang at nandoon na ako nang biglang halikan ni Dylan ang babae. Tumulo na nang tuluyan ang luha sa mga mata ko na kanina pa nagbabadyang pumatak. Hindi man lang talaga nila ako namalayan? Maya-maya ay kusang kumalas ang babae kay Dylan. Doon na nila napansin ang presensiya ko. Kitang-kita ko kung paano mamutla si Dylan. I just smiled at him. Kahit na patuloy ang pag-agos ng luha ko nagawa ko siyang nginitian habang nakatitig sa mukha niya na sa palagay ko'y hindi ko na gugustuhing makita pa. Walang kahit anong salitang lumabas sa aking bibig. Ilang sandali pa ay namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanila. Dylan's shouting my name pero hindi ako lumingon. Mabilis akong sumakay sa tricycle na naghihintay sa akin at sinabi kong umalis na kaagad kami. Sa pagliko ng tricycle palabas sa subdivision na iyon ay minsan ko pang natanaw si Dylan. He's running towards me pero alam kong hindi niya na ako aabutan pa... iyon na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay pag-ibig ko. Ang Dylan na akala ko'y magiging kasama ko sa habambuhay ay isa pa lang manloloko... Hindi ko namalayan na umiiyak na pala talaga ako matapos maalala ang nakaraan namin ni Dylan. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Why am I still crying because of him? Hindi nga ba't hindi ko siya tinanggap nang makipag balikan siya sa akin kahit pa alam niyang buntis na ako sa iba? "Let's go." Isang tinig ang nagpalingon sa akin sa pinto. Of course it's Blake. But what did he say? "Come on. Let's go," inulit ni Blake ang sinabi nang hindi pa rin ako umiimik o tumitinag man lang. "Where?" I asked habang nakakunot-noo. Is he always like this? Hindi man lang ako sinasabihan at basta-basta na lang akong uutusan. "Basta sumama ka na lang," sabi niya at saka sumandal sa pinto. Umirap ako at tumingin sa ibang direksiyon. This time, wala akong balak sumunod sa kaniya. Naiinis pa rin ako. "Hindi ka tatayo?" dinig kong sabi niya. "No," matigas ko namang sagot na hindi pa rin tumitingin sa kaniya. "Is it because of your thick curly hairs down there?" Doon na ako napatingin sa kaniya. Talagang sinusubukan din ng lalaking ito ang pasensiya ko. Pero siguro mas okay na lang na malaman niya ang panig ko. "Kinalbo mo. Nakakatuwa iyon?" pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi ka naman tumutol, 'di ba?" sagot niya ba naman sa akin. "I didn't know!" I shouted at him. Nakakagigil na talaga siya! But Blake is smiling. Hindi niya man lang alintana kung galit ba ako. Sabagay, sino ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na babaeng nagpakama sa kaniya at kinausap siyang panagutan ang pagbubuntis na ito. Bakit nga ba naman siya maaapektuhan kung galit ba ako o hindi? "You didn't know? Pero noong matanggal ko na lahat iyong makakapal at kulot mong —" "It's pubic hair, in case you don't know," I said cutting him there. "Yea —" pero hindi ko siya hinayaang makapagsalita muli. "Do you know that removing pubic hair may make a person more susceptible to common infections?" I said in a high voice. "Woah!" he exclaimed. Sa sinabi ko, iyon lang ang reaction niya? "Isa kang impeksiyon!" inis kong sabi sa kaniya. "Really?" bigla akong kinabahan nang sumeryoso ang kaniyang mukha. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. Dahil nakaupo ako sa kama, nang makalapit siya sa akin ay bahagya siyang yumuko upang magpantay ang mga mukha namin. Pero nainis nanaman ako nang bigla siyang humalakhak. He's just teasing me again. "Impeksiyon, huh? Kaya pala halos isubsob mo na ako kagabi riyan sa 'ano' mo kasi wala ng pubic hair na proprotekta riyan laban sa impeksiyon na kagaya ko," sabi niya na ikinapula ng aking mga pisngi. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi bago ako magising. Parang naaalala ko ngang may itinulak o isinubsob akong mukha dito sa 'ano' ko. But it's all in a dream, right? "I-I'm just dreaming..." napapalunok kong sabi. "Talaga? Then let's make your dream come true," aniya at walang sabi-sabing inihiga ako sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD