Blake Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Alexene was lookin at him and Dylan was all smiles. Ano ba kasing ginagawa niya rito? "Hi, Alexene..." rinig kong sambit ni Dylan. Alam niya kayang nandito ako at nakatingin sa kaniya habang binabanggit niya ang pangalan ng asawa ko? Napalingon naman si Alexene sa akin. Natural siya lang makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon. Nababastusan kasi ako rito sa Dylan na ito. Ni wala man lang pasintabi sa akin. Kitang-kita naman ako. "Ah, Dylan... Si Blake nga pala," tumabi pa si Alexene sa akin at humawak sa braso. Proud na proud naman akong sumagot ng, "Hi." "A-Alexene, puwede ba kitang makausap ng tayong dalawa lang?" imbes pansinin ang pagpapakilala ni Alexene sa akin ay ito ang isinagot niya. This man's trying my patience. Na

