Napaawang ang kanyang mga labi nang ang sumunod na eksena ay ang biglaang pagyakap ni Monique sa kanyang asawa. Lalong kumabog ang kanyang dibdib hindi na dahil sa excitement kundi dahil sa sakit na bigla na lamang bumalot sa kanyang puso. Napahigpit ang pagkakawahak niya sa kinalalagyan ng dala-dala niyang pagkain at bago pa man siya makita ng mga ito ay dali-dali na niyang ipinihit ang kanyang mga paa palayo sa mga ito. Habang nasa loob siya ng taxi ay hindi na niya napigilan pa ang mga luha mula sa pagdaloy sa magkabila niyang pisngi. Nasasaktan siya dahil sa katotohanang bumalik na sa buhay ng kanyang asawa ang babaeng una nitong minahal, ang babaeng pinangakuan nito nang panghabang-buhay na pagmamahal. "What if one day, Monique will come back?" Naaalala niyang tanong noon ng ama

