"Pasensiya ka na sa pamilya ko," hinging paumanhin ni Michael kay Sandy habang nagbabiyahe na sila pauwi. "Pasensiya ka na rin sa mga sinabi ko. Si Papa kasi ayaw tumigil kaya nasabi ko 'yon pero-----"Okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman," agad na singit ni Sandy sa iba pa sana niyanh sasabihin. "Alam ko namang palabas lang ang lahat nang nu'n," dagdag pa nito, "Pasensiya ka na rin sa mga sinabi ko. Nasabi ko rin ang mga iyon para sakyan ang palabas mo," pagsisinungaling nito saka ito napatingin sa labas ng bintana ng kanyang kotse. Natahimik si Michael habang nagmamaneho siya at hindi na rin niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Sa totoo lang, gusto sana niyang sasabihin na ang lahat ng kanyang mga sinabi kanina sa harapan ng kanyang mga magulang ay puro katotohanan lamang na wa

