"Anong ginawa niyo ni Romnick sa bahay na 'yon?" tanong ni Michael sa kanyang asawa habang yakap-yakap niya itong nakahiga sila pareho sa sofa. Mabuti na lang at medyo may kalakihan ang sofa kaya nagkasya silang dalawa. Nakatagilid si Sandy patalikod sa kanya at nakaunan ito sa kanyang braso habang siya naman ay nakatagilid paharap sa may bandang likuran ng kanyang asawa at nakayapos ang dalawa niyang braso rito. "Ilang araw na kasi siyang hindi kinakausap ni Cathy kaya nakiusap siya sa akin na kung maaari, tutulungan ko siyang magpaliwanag na talagang wala nang ugnayan sa pagitan naming dalawa," paliwanag ni Sandy. "Kumusta na silang dalawa?" "Okay naman. Kinausap naman kami ni Cathy nang araw na 'yon." Napakunot ang noo ni Sandy nang may biglang may na-realize siya ng mga sandaling

