Pero nang makita niya na si Marah pala ang dumating ay nadismaya siya dahil sa totoo lang, ibang tao ang kanyang hinihintay na dumating para dalawin at kumustahin siya. "Nag-aalala raw siya sa akin pero ni hindi man lang nag-abalang silipin ako rito," paghihimutok ng kanyang utak habang si Marah naman ay mahimbing nang natutulog sa isang higaan na malapit lang sa kanya. Kanina pa siyang umaga umaasa na sana ay darating si Michael para dalawin siya pero gumabi na lang ay hindi talaga ito sumipot sa hospital. Habang si Michael naman sa kabilang banda ay pilit na tinitikis ang sarili na huwag puntahan si Sandy sa hospital dahil baka babalik lang sila sa dati, sa dati kung saan galit ito sa kanya at galit din siya rito. Nasa loob siya ng condo unit niya ngayon at kasalukuang nakatingin sa

