Magdamag na iniyakan ni Sandy ang isang bagay na kanyang nalaman tungkol sa kanyang nobyo na hindi naman niya inakalang magagawa nito sa kanya. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Marah kinabukasan nang makita siya nitong wala sa maayos na porma. Namamaga ang mga mata at halatang walang tulog. "Okay lang ako," sagot naman niya habang pilit na iniiwas na magkatagpo ang kanilang mga tingin dahil ramdam na niyang nahahalata na nito ang kanyang pag-iyak kagabi. Inabala niya ang kanyang sarili sa pag-aasikaso ng mga kailangan nila sa isang kasal na papalapit na kaya pati ang pananghalian niya ang nakalimutan na rin niya. "Baka kailangan mo." Napatigin siya sa lunch box na inilapag ni Marah sa ibabaw ng kanyang mesa. "Kumain ka muna. Past 01:00 na ng hapon, oh pero hindi ka pa

