"What do you mean?" Napatingin si Monica sa kanyang anak na kinakabahan na sa nagaganap habang nakatayo ito sa may bandang likuran niya. "Lahat ng mga pictures nilang dalawa ni Michael na kumalat sa social media, kagagawan ng anak mo and it has nothing to do either with Michael not Sandy." Napatingin si Jerome sa kanyang anak na nakaawang na rin ang mga labi dahil sa takot. "Ma?" awat ng dalaga sa ina pero talagang buo na ang desisyon ng ginang na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman. "Kinidnap si Sandy at muntikan nang magahasa nang dahil na rin sa anak mo. Utos iyon ng anak mo!" Lalong hindi makapaniwala si Jerome sa kanyang mga nalaman tungkol sa kanyang anak. "Ilang beses na ring muntikang nagkasiraan ang mag-asawa dahil lamang sa anak mo." "Ma, tama na please!" mangiyak-ngi

