CHAPTER 65

1688 Words

"Hi, Sandy?" masiglang bati ni Cathy kay Sandy nang magkita sila ng araw na 'yon sa isang beach resort kung saan nila napagkasunduang magkita. Napangiti siya nang makita niya ang dalawang naglalakad palapit sa kanyang kinaroroonan at nang tumayo na siya para salubungin ang mga ito ay muntikan na siyang mabuwal dahil sa biglaan niyang pagkahilo. Mabuti naman at naging maagap sa pagsalo sa kanya si Romnick kahit pa kasama nito ang fiancee. "Okay ka lang?" nag-aalala nitong tanong sa kanya habang bahagya itong nakayakap sa kanya. Agad naman siyang napatayo nang maayos at bahagya niyang inilayo ang kanyang sarili sa dating nobyo dahil sa takot na baka magkakaroon pa ng ibang kahulugan 'yon sa mga mata ng ibang taong nandu'n. "Okay lang ako," aniya. "Seryoso ka? Oka ka lang ba talaga?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD