Sinubukan ni Sandy na muling tawagan si Monique pero kagaya ng dati, hindi pa rin niya ito makuntak. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit wala na siyang natanggap na balita mula rito gayong malinaw naman sa kanya ang pangako nitong babalik ito kaagad para ayusin ang iniwan nitong gusot. Pati sa mg magulang nito ay wala ring natanggap na balita si Sandy na siyang nagbigay sa kanya ng masamang agam-agam. "Here's your parcel," sabi ni Marah sabay abot sa kanya ng isang nakabalot sa plastic na hawak nito. "Thank you," aniya saka niya agad na binuksan ang parcel na sinasabi nito at ganu'n na lamang ang panandalian niyang pananahimik habang nakatingin siya sa kanyang hawak na isang kapirasong papel. "Are you really sure about it?" tanong ni Marah sa kanya nang basahin nito kung ano ang nila

