Napaupo si Sandy sa sofa na para bang nadidismaya dahil sa mabilis na paglabas ni Michael mula sa kanyang unit na para bang sinasabi nitong hindi na nito kaya pang manatili sa loob nu'n. Naalala niya ang halikang namagitan sa kanila kagabi at hanggang ngayon, pakiramdam ni Sandy ay nararamdaman pa rin niya ang mga labi ni Michael sa kanyang bibig. "I missed you." Naaalala niyang sabi sa kanya ni Michael ng mga oras na 'yon na siyang nagbigay sa kanya ng pagtataka. Bakit naman nasabi sa kanya ni Michael ang mga katagang 'yon? Totoo kaya 'yon pero bakit pagkatapos nu'n ay mukhang wala namang pakialam sa kanya ang kanyang asawa? "Sandy, tama na. Huwag mo nang isipin ang mga imposibleng bagay dahil kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago pa ang kung ano man ang nakatakda," mapait na pa

