Napasabunot ako sa buhok ko nang pagtakbo ko sa labas ng mansyon ay wala na akong naabutan. Ni anino ng lalaking nanloob sa mansyon nina Hunter ay hindi ko na nakita. Sa kilos nito, masasabi kong hindi ito basta-bastang hired killer lang. His moves were clean. In fact, tila kabisado nito ang bagay na ginagalawan niya. It's either he studied it thoroughly or someone from inside is working to help him. "Miss, the master is looking for you," saad no'ng isang security sa mansyon. Agad kong itinulak sa katawan nito ang baril na hawak ko at saka tumakbo papasok sa loob para makita ang kondisyon ni Hunter. He can't die! Hindi pwede na hindi kamay ko ang tatapos sa buhay niya! Naalerto na rin ang lahat dahil sa nangyari na hindi namin inaasahang lahat. Nagkalat din ang mga security na tinutulun

