"What are you doing, Skylar?!" I exclaimed and asked to myself nang makauwi akong muli sa apartment ko. Ayaw ni Hunter na umuwi pa ako sa tinutuluyan ko kaya gaya no'ng nauna ay tinakasan ko lang ito. Nasapo ko ang noo ko nang maalala ko kung paanong tila bumibigay ako sa gusto nito. Even though he's using protection on me, feeling him inside me makes me thirsty for more. It's as if he's a palatable food I cannot stop eating—both figuratively and literally.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni Hudson doon. I immediately picked it up.
"What?" I asked.
"Hello to you too, mi lady," he said full of sarcasm. "By the way, I called to inform you that El Carter will be having a very unexpected visitor, Brielle," he added.
Agad na kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito. Para namang may kung anong nabuhay sa sistema ko dahil tila kilala ko na ang tinutukoy nito.
"The President will visit the organization three days from now," aniya.
I gasped kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. He's been coming into El Carter frequently. I don't know kung anong business ang mayroon ito sa organisasyon but there's a hunch inside me na gustong malaman ang buong katotohanan, maging ang rason kung bakit tila nakikipagcoordinate na sina Damira sa Presidenteng alam niyang kinamumuhian ko.
"I'll do everything that I can to update you about the things that are happening here, Brielle. I will go to a new mission with Priscilla but I'll make sure to hack Damira's computer or planner before I leave to check on why the President kept on coming here," he said.
"You're putting yourself in greater risk and danger, Hudson," saad ko. Kahit pa madalas kaming magtalo ng isang 'to, hindi pa rin okay sa akin na mapapahamak siya dahil lang sa kagustuhan nito na tulungan ako. "Don't mind it. I'll investigate about that matter once my suspension's lifted," I added.
"Come on, Brielle. I haven't felt this thrill for a while," he said as he chuckled from the other line. "You don't have to feel too guilty about it, nor worried, which I am surprised that you still know how to feel that emotion—"
"f**k off, Hudson," I said. Muli naman itong tumawa mula sa kabilang linya. Kung pwede lang na sakalin ito mula sa kinalalagyan ko, ginawa ko na.
Hindi rin nagtagal ay pinatay na ni Hudson ang tawag. Determinado pa rin itong tulungan ako dahil ayon daw ang pinakaleast thing na pwede niyang magawa para sa "kaibigan" niya. Hindi ko na rin sinabi pa na maliban sa posible siyang mapahamak ay may isang bagay pa akong inaalala—iyong fact na baka hindi ako ready kung papasukin o tatahakin ko ang daan papunta sa rason ni Damira kung bakit nakikipag-ugnayan ito sa Presidente. Na baka hindi ako handa sa kung anong malalaman ko once na pumutok na ang katotohanan. Iyon ang bagay na lubos kong inaalala.
I received another message from Hudson, but I am not so sure kung masusunod ko ang gusto nitong gawin ko.
From: Hudson the jerk
Don't make any careless movement yet. I'll update you.
Nang makatanggap ako ng tawag galing kay Hunter, I immediately picked it up. As much as I don't want to rush things up, I have to dahil hindi gaya ng nasa plano ko, mukhang hindi lang sina Hunter ang kailangan kong isipin. I have to consider the little time that I have to perfectly execute everything.
"Hunter," I called. He hummed from the other line. "Let's meet. I have something important to tell you."
"Me, too, babe. Me, too," he replied. Sa hindi malamang dahilan ay mas lumakas ang kabog ng dibdib ko.