"Akira natatakot ka ba sa akin?'"tanong nito sa akin. "Bakit naman ako matatakot sa'yo,di ba nga sabi ni Craig ay harmless ka naman daw kaya hindi ko kailangan na matakot sa'yo!" Natatawang sagot ko dito at naupo na ako sa kama. "Pwede ba na h'wag mo muna banggitin ang pangalan n'ya kapag ganitong magkasama tayo!" Inis na sabi pa nito na ipinagtataka ko dahil bakit ayaw nito na banggitin ko ang pangalan ng kan'yang matalik na kaibigan. "Bakit naman hindi ko maaring banggitin ang pangalan n'ya?" Tanong ko pa dito pero imbes sumagot ito ay lumapit na lamang ito sa akin at halos maduling na ako sa sobrang lapit nito sa akin. "Basta ayaw ko na babanggitin mo ang pangalan n'ya kapag ganitong magkasama tayo!" Madiin na pagkakasabi nito. "Bakit nga kasi?" Tanong kong muli dito. Imbes na sag

