"Paano ba gamitin yan?" Tanong ko pa dito. "Gan'yan lang s'ya Ate lagay mo lang itong lahat sa loob ng juicer then later ay magiging juice na s'ya." Paliwanag nito sa akin habang inilalagay n'ya ang laman sa loob. Nakakaaliw dahil talagang naging juice nga ang prutas na inilagay nito. "Tadaaa!" Sabi pa nito na parang bata ng makuha nito ang nais na fresh juice. Nang matapos ito ay binigyan din ako nito ng isang baso. "Tikman mo Ate masarap s'ya promise!". Sabi pa nito. Kinuha ko ang ibinibigay n'ya at agad itong tinikman at dahil masarap ay inisang lagok ko na lamang ito. "Ate h'wag kang maooffend pero kailangan mo nga talaga na.matuto ng mga proper etiquette maging sa pag-inom ng sa baso ay sablay ka!" Diretsahan na sabi nito na wala naman akong naramdaman na insulto sa kan'yang si

