Lunes ng Umaga... Maagang nagising si Abie, sinikap niyang bumangon ng alas-tres ng umaga para tapusin ang kanyang report sa science, Oxygen theory of combustion. Nasa salas sya at nakalatag sa sahig ang kanyang mga materyales para sa nasabing report. Palibhasa'y lider ng grupo kung kaya naman halos lahat ng responsibilidad para makakuha ng mataas na marka ay inako niya. Paggamit ng kartolina at mga colored paper para sa disenyo ng presentasyon pa rin ang ginagamit niyang materyales dahil sa kahirapan at hindi tulad ng kanyang mga kaklase na nakaprojector na lamang kapag nagprepresent ng mga reportings. Pero dahil sa ganitong pamamaraan ay mas naaapreciate parin ng mga guro ang kanyang effort para sa kumpletong detalye ng reports. Ito rin ang dahil

