Nang makakain ay nagtungo na ang lahat sa salas upang magpahulaw muna sa dami ng nakaing hapunan. Nauna nang nagpaalam magpahinga si Congresswoman Amida dahil sa may session pa raw ito sa palasyo kinabukasan. Hindi rin nagtagal ay nagyaya na sa basement si Gov.Merlo at inakbayan pa nito ang kumpare habang pababa sa basement. Sumunod naman ang magkapatid na walang imikan habang naglalakad sa direksyon ng dalawa. Nasasamyo pa rin ni Kenzo ang amoy ng dalagang kapatid at di niya maiwasang magisip ng kung anuanong imahinasyon ukol dito. Nang makarating na sa lugar ay umupo na ang tatlo samantalang si Governor ay pumunta saglit sa minibar niya upang kunin ang pinagmamalaking alak. Sumunod naman si Chianti para narin ilabas ang kanyang inuutay utay na r

