Lunes ng umaga... Naghahanda ng mga dokumentong gagamitin at ilang maliliit na pamplet si Danica sapagkat ito ang unang araw ng kanyang OJT sa Office of the Governor. Napapirmahan na niya ang waiver sa mga magulang para sa requirements ng nasabing aktibidad. Bagaman kinakabahan sapagkat bago sa kanya ang gawaing ito ay may halo ring excitement ang kanyang nadarama sa panibagong pakikisalamuha na maari nyang harapin sa opisina ng gobernador. Matapos maigayak ang lahat ng kailangan ay bumaba na si Danica sa hapagkainan upang saluhan ang mga magulang at mga kapatid sa dining area ng kanilang malaking bahay. Maang na napadako ang tingin ni Ronnie sa kinarorooanan ng anak habang papalapit ito sa kaniyang silya. Sa isip ng Mayor ay manang ma

