ANGLEIC DISGUISE PART 38

1019 Words

                       Habang kumakain ng hapunan at kaharap ang mag-ina ay parang idinuduyan sa langit si Mang Igme sa kaligayahang nadarama. Parang tumama sa sweepstakes ang kanyang pakiramdam habang pinagmamasdan ang mag-inang ganadong kumakain habang nakikipagkuwentuhan sa kanya. Mga mukhang napakaamo ang kanyang nasa harapan na parang walang anumang bahid ng kasalanan na ginawa sa buong buhay nila dahil sa pagbalangkas ng mga inosenteng ekspresyon na sumasalamin sa kanilang mga kalooban. Napagtanto niya na sadyang pinagpala rin ang kanyang kumpare sa pagkakaroon ng ganitong klaseng pamilya. Batid rin naman niya na ang kaibigang si Damian ay walang ibang inaatupag kundi ang pagtratrabaho para sa pamilya. Kung maaari lamang nga ay hindi na niya pagtrabahuhin ang kanyang asawa na animo'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD