Alas-dos ng hapon sa construction site... "Pareng Damian pinapatawag ka sa opisina ni Architect Guttierez, urgent daw eh." pagbibigay impormasyon ng katrabaho nito. "Eh teka lamang pare, hindi pa ako tapos sa pagbubuhos dito eh, sayang naman ang oras." "Ay sige na pumunta kana at baka mahalaga ang ipagagawa sa iyo,hayaan mo't ako na ang magtutuloy diyan,tapos na ako sa pagaasinta sa ikatlong palapag. "Okay sige pare, ipadasik mo na lamang ng kaunti kina Berto kada buhos ha, para garantisadong pulido ang ating trabaho." "Oo naman pare, balitaan mo ako ha, andun din pala si Foreman Bruno sa opisina niya." dagdag pa nito. Sa narinig ay lalong naguguluhan si Damian, hindi niya alam kung maganda o masamang balita ba ang masasalubong sa opisina ng architect. Batid n

