Chapter 14

3261 Words
Juanczo's "I heard about your new girl, hijo. It's Stevielyne Alonzo right? The granddaughter of late Emily Panganiban?" "Yes, Dad." "And when are you planning to bring her here? Para ma-meet na rin namin siya ng personal. Sa TV at sa mga kwento lang nila Mrs.Panganiban lang namin siya kilala ng mommy mo." "Some other time, Dad. Stevie is a busy person as I am." "Buti naman napag-isip-isip mo na ring itigil ang pakikipag-date mo sa kung kani-kanino at finally nag-girlfriend kana rin. At napakahusay mong pumili, anak. Stevielyne came from a well respected family." "I think it's love at first sight, Dad." "Oh! Tinamaan ka na din ni Kupido The Great huh. Well, it's nice to see na magkakaroon ka na rin ng babaeng tatayo sa tabi mo. Ang kasikatan niya bilang celebrity. We can use it. We can also use your love story para mas mag-boom ang pangalan mo sa puliti--- "No, Dad! I'm not gonna use her for my political career. She deserves more than that." "Dos, anak.. as a politician, you know that kind of mentality, yan ang magpapatalo sa'yo. Hindi masamang manggamit tayo paminsan-minsan ng tao para-- "Dad, stop!!! Stevie is my girlfriend. Show her some respect! At uulitin ko, hindi ko siya gagamitin para lang mas gumanda pa ang buhay pulitika ko." "I'm just suggesting an option, anak. If you're planning to file for a senatorial candidacy, you have to be resourceful. Gamitin lahat ng pwedeng magamit. I'm sure ganoon din ang isa-suggest ng campaign manager mo." "Stevie is not part of an option, Dad! Yes! I would be happy to see her standing right beside me during campaigns but I will not use her name just to get more supporters." IPINILIG ni Juanczo ang ulo ng maalala ang naging pag-uusap nilang yoon ng kanyang ama ilang araw bago siya bumalik dito sa Zambales. Masuyo niyang hinahaplos ang mamula-mulang pisngi ng kasintahan na mahimbing pa ring natutulog sa kanyang tabi. Ipinangako niya sa sariling hindi siya tutulad sa kanyang pinsan na ngayon ay miserable dahil nagawa pa nitong gamitin ang asawa para sa pansarili lamang nitong interes. Hinding-hindi siya papayag na gamitin nila si Stevie para lang gumanda ang image niya bilang pulitiko. Naniniwala siya sa kanyang kakayahan at ipinaglalabang adhikain kaya naman hindi na kailangan pa na manggamit pa ng kung sino man. Kaya nga napagdesisyunan niyang dalhin na lamang ito dito sa isla sa halip na ilibot sa DKRC para na rin makaiwas sa mga matang mapagmatyag. Dito kasi sa DK Island ay tahimik at inirerespeto ng mga naninirahan dito ang privacy ng mga bisita. At gusto niya rin munang makasama ito kahit dalawang araw lang sapagkat alam niyang magiging busy na naman siya sa mga susunod na araw. Yun nga lang, dahil isa siyang lingkod bayan, kailangan niya pa rin magtrabaho kahit wala siya sa munisipyo. Kaya maya't-maya pa rin ang tawag niya kay Lucilla para sa mga ilang updates. "Hmmm". Mahinang ungol ni Stevie palantandaang magigising na ito. May nakahanda ng ngiti sa kanyang mga labi ng magmulat ito ng mga mata. Matagal-tagal din itong nakatulog kaya madilim na sa labas. Sakto lang din ang gising nito dahil ng bumaba siya kanina, malapit ng matapos ang inihandang hapunan para sa lahat nila Mang Lito. Tradisyon na nilang mga taga DKRC ang magpa-boodle fight sa tuwing bibisita sila sa DK Island. Paraan na din kasi nila ng pasasalamat iyon dahil hinayaan ng mga naninirahan dito na ipangalan sa kanila ang naturang isla. Ngunit kahit nakapangalan sa kanila ang isla ay hinayaan pa rin ng kanyang pinsan na si Samuel na magbalik sa dating buhay ang mga tao rito. Sadyang tinulungan lamang ng kanyang pinsan ang mga ito para mabawi ang isla mula sa mga umaaangkin dito. Nakabalik na rin ang mga dating pinalayas sa kanilang bahay at lupa at payapa ng mga nammumuhay ulit. "Good evening, my queen." He said and give Stevie a peck on her lips. "'evening too, handsome." Stevie said in her bedroom voice. And it's so sound sexy in his ears. Titig na titig siya sa mukha ng kasintahan. Napakaganda pa rin nito kahit bagong gising. Naramdaman na naman tuloy niyang unti-unting nabubuhay ang kanyang alaga. Kaya para pawiin ang kanyang pag-iinit na nararamdaman ay bumangon na siya at marahan itong hinila patayo mula sa kama. Nakuha niya ang nais nitong iparating sa kanya kanina wala pa itong karanasan sa kama. Kaya naman mas lalo niya itong nirespeto at natutuwa siyang malaman na isa talaga itong malinis na babae. Proud na proud siya para dito. "C'mon, baby. You have to freshen up now. The dinner is almost ready." Yakag niya kay Stevie. Naghikab pa muna ito bago sumagot. "Sorry. I overslept." Inaantok pa ring sabi nito. He kissed her temple and urge her again to get up. "Move now, my queen. Madami ng naghihintay sa'yo sa ibaba. Excited na silang makita ka ng personal." Excited niya pang sabi. "Hanggang dito pala may nakakakilala din sa'kin noh." Halata ang kasiyahan sa mata ng kanyang kasintahan ng sinabi nito iyon. Napakasimple at mapagkumbaba talaga nito. "And we're about to eat with them." He said and winked at her. "Alright." Stevie said in her wide smile. Saglit naman siyang hindi nakahuma ng makita ang ngiti nito. Natutuwa siyang kahit sa mga simpleng bagay na katulad nito ay napapangiti niya ang dalaga. At gagawin niya lahat para hindi maalis ang mga ngiti na yon. "Huy, Mayor." Stevie snapped. "Natulala kana diyan. Don't tell me pinagnanasaan mo naman ako." Natawa naman siya sa biro nito na may bahid din naman ng katotohanan. "Go take a shower now and I'll go ahead down stairs. Titignan ko kung nakahanda na ang red carpet welcome para sa reyna ko." He said then give her a quick kiss on the lips before leaving the room. ------- ------- ------ Stevie's KINILIG si Stevie sa sinabi ng kanyang nobyo. She didn't expect that Juanczo could be this caring and sweet. Ibang-iba kasi ang una niyang pagkakakilala dito na suplado at masungit na Mayor. Sa ginagawa nito ay mas lalo siyang nahuhulog dito. Hindi niya akalaing sa ikli ng panahon nilang pagkakakilala ni Juanczo ay mamahalin niya ito ng ganoon kabilis. Iba nga talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig. Muntik na tuloy niyang isuko ang Bataan kanina. Pero alam naman niyang kahit hilingin ito ng kasintahan ay alam niya sa sariling willing siya ibigay iyon dito. Ramdam niya ang sinserong pagrespeto ni Juanczo sa kanya na labis niyang ikinatutuwa. Mabilis na siyang bumaba sa kama para maligo at magbihis. Nararamdaman na rin kasi niya ang pagkalam ng kanyang sikmura kaya minadali niya ang paglilinis sa sarili. Nagsuot lang siya ng gray loose pants at white long sleeve shirt. May kalamigan kasi ang klima sa isla. Ilang minuto lang ang lumipas at sumunod na siya kay Juanczo sa ibaba. Nasa hagdanan pa lamang siya ay naririnig na niyang nagkakaingay ang mga tao sa labas at nalalanghap na niya ang mabangong amoy ng mga inihandang pagkain ng mga ito. Isa pa sa nagustuhan niya kay Juanczo ay ang pagiging mapagkumbaba nito at pagiging malapit sa mga simpleng mamamayan. Alam niyang hindi lang nito ginagawa iyon dahil isa itong pulitiko. Likas itong matulungin sa kapwa at may puso talaga para sa mga mahihirap. Nakangiti siyang sinalubong ni Manong Lito na may dalang pinalagyan ng ulam. Natapos na siguro itong ilagay sa hapag. "Ma'am Stevie, nariyan na ho pala kayo. Tumuloy na ho kayo sa labas at magsisimula na ho tayong kumain." Nakangiting sabi ni Lito sa kanya. "Opo, Manong Lito." Magalang niyang sagot at dumeretso na sa labas kung nasaan ang mga nagkakagulong mga tao. Natanawan naman niya ang nobyong abala sa pakikipagbiruan sa mga kausap nito habang tumutulong na isalansan ang mga pagkain sa mahahabang lamesa. Mababa lamang yoon at hindi katulad ng mga normal na lamesa. Ibig sabihin ay sa buhanginan sila uupo habang kumakain. May mga throw pillows naman para sa mga gustong may malambot na upuan. Kung tama ang kanyang bilang ay anim ang mga mesa na may lamang iba't-ibang pagkain. Natanawan niyang may iba't-ibang seafoods ang nakahain, fresh fruits at iba't-ibang klase pa ng pinoy dishes ang nakasalansan sa bawat lamesa. Lalo tuloy siyang nagutom ng maamoy at makita ang mga ito. Kaagad siyang napansin ng mga tao ng tuluyan na siyang makalabas. Natutuwang nagsilapitan sa kanya ang ilang kababaihan at binati siya. "Maligayang pagdating ho dito sa isla, Ma'am Stevie." Halos sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya. "Salamat po sa inyong lahat." Magiliw niyang sagot. "Mas lalo ho pala kayong maganda sa personal, Ma'am Stevie." Kinikilig na wika ng isang dalagita sa kanya. "oo nga po mam. Kuh! Yung anak ko hong binatilyo aba'y kras na kras ka eh." Ani namang isang babae na may suot pang apron. "Salamat po ulit sa inyo." Natutuwa niya muling sagot. She feels so overwhelmed by their welcome. "Naku! Alam niyo ha ba mam yung anak yon, palagi kayong pinapanuod sa internet. Mabuti na nga lang ho at libre kami sa internet. Salamat sa kabutihan nila Sir Juanczo." Saad muli ng babaeng naka-apron. Natutuwa siyang malaman na hindi lang pala basta bumibisita dito ang kanyang nobyo. Binigyan pa nito ng libreng internet connection ang buong isla. "Nandito ho ba ang anak ninyo?" Tanong niya. "Ay oo! Ayun si Carlito ko o. Nag-iihaw ng pusit at isda." Sabay turo nito sa direksiyon ng mga kabinataang nag-iihaw. "Pati ho ang anak kong ito mam. Idol na idol ka mam stebi. Marunong din hong sumayaw ang anak kong ito. Sa katunayan nga ho ay may binuo na silang grupo ng mga kaibigan niyang marurunong din sumayaw. Ginagaya ho nila ang sayaw niyo." Singit naman ng isang ginang na may katabing dalagita na nahihiyang nakatingin sa kanya. "Wow! Nice to hear that!" Bulalas niyang saad. "What's your name, pretty?" Baling siya sa dalagita. "M-mildred po mam." Nahihiya naman nitong tugon at kiming nakangiti. "Gusto mo ba pagkatapos ng dinner natin, samahan ko kayong sumayaw? Gusto mo ba yon?" Nagning-ning ang mga ni Mildred sa kanyang sinabi at parang hindi pa makapaniwala. Halatang natuwa ito sa narinig. Pati ang ilang kababaihan na naroon ay natuwa. Dahil naaliw siya sa mga ito ay napagdesisyonan niyang handugan ang mga ito ng isang dance number mamaya. Lalo pa at nalaman nga niyang may mga kabataan din pala ditong may talento sa pagsasayaw. "O-oo naman po mam. Matutuwa po tiyak ang mga kagrupo ko. Sandali lang ho at sasabihan ko sila." Tuwang-tuwa na sagot ni Mildred at masayang umalis sa harapan nila. "Mukhang hindi ko yata masosolo ang girlfriend ko ngayon ah." Biglang wika ni Juanczo na nakalapit na pala sa kanila. Simpleng cotton t-shirt at cargo shorts lamang ang suot nito pero angat na angat pa rin ang kagwapuhan nito sa karamihan. Kahit sa pananamit ay marunong itong maki-angkop sa mga nakapaligid sa kanya. "Pasensiya na ho kayo, ser Juanczo. Ang ganda-ganda ho kasi ni mam stebi kaya di namin mapigilan na lapitan siya. At napakabait din ho niya katulad mo ser." Sabi ng isa pang may katandaan na ring babae. Nakangiti lang silang nagkatinginan ni Juanczo sa narinig. Sa totoo lang ay nahihiya na siya sa ibinibigay na atensyon sa kanya ng mga taga isla. Pero mas nangingibaw pa rin ang kasiyahan sa kanyang puso sa naging mainit na pagtanggap sa kanya ng mga ito. "Tara na kayo at magsikain ba!" Napalingon silang lahat kay Manong Lito ng malakas itong sumigaw. Nagkatawanan tuloy ang lahat. Hinila na siya ni Juanczo papunta sa unahang bahagi ng lamesa bago tinawag ang atensiyon ng lahat. "Everyone! Can I have your attention please? Maaari ko ba po munang ipakilala ang magandang binibini sa aking tabi?" Simula ni Juanczo at masuyo siyang nginitian. Agad namang nagsilapitan sa kanila ang mga taga isla. Mga humahangang tingin sa kanila ang maaaninag sa mata ng mga ito. Nakangiti lamang siya habang pinapakinggan ang kasintahan sa pagsasalita. "Bago po pala ang lahat ay nais ko po munang magpasalamat at muli na naman ninyong pinaunlakan ang salo-salo na ito." "Naku! Kami nga ho dapat ang magpasalamat sa inyo ser. Simula ho ng tinulungan kami ni ser samuel na mabawi itong isla, eh lahat na ho kayong taga DKRC ay tumutulong na rin sa amin." Wika ng bangkero na naghatid sa kanila kanina. "Siyanga ho naman ser. Umunlad ang isla ng dahil sa inyo. Higit pa sa lahat umunlad din ang aming kabuhayan ng hindi nasisira ang natural na ganda ating isla." Singit naman ni Manong Lito. Sumang-ayon ang iba pa sa sinabi ng mga ito. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan sa pagdating nila Juanczo sa lugar. "Masaya ho kaming nakakatulong sa kapwa." Tugon naman ni Juanczo. Kapagkuwan ay hinawakan ang kanyang kamay at buong pagmamahal siyang tinitigan bago muling nagsalita. "Sa tingin ko ho karamihan dito ay kilala na ang napakagandang dilag na ito sa aking tabi." Tumingin muna muli ito sa kanya at kumindat. Her cheeks automatically blushed when he did that. Wala talaga itong pinipiling lugar ng pagiging sweet. "Pero hayaan niyong ipakilala ko siyang muli sa inyo. Her real name is Stevielyne Alonzo. Everyone! I'd like you to meet, the queen of my heart. My girlfriend." Saad ni Juanczo sabay baling sa kanya. Lalo tuloy namula ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Sumabay pa ang kantiyawan ng mga taga isla. May ilan pa kasing sumisigaw ng "kasalan na ba ser?" "Kelan ang kasal niyo mam,ser?". Sinagot naman ito ni Juanczo ng hindi niya sigurado kung totoo ba o nagbibiro lamang. "Huwag ho kayong mag-alala. Kapag ikinasal na kami. Imbitado kayong lahat." Lalong lang tuloy lumakas ang kantiyaw ng mga ito sa kanila. Tahimik lamang siya sa buonh durasyon ng pagsasalita ni Juanczo. Pagkatapos nitong magsalita ay pinaunlakan niya ang mga ito na siya ang manguna sa panalangin bago sila magsimulang kumain. Agad namang nag-sipag indian sit na ang mga tao sa harapan ng mga mesa at nagsimula ng kumain. Si Juanczo naman ay hindi siya hinayaang maupo lang sa buhanginan at binigyan siya nito ng throw pillow. Maganang-magana nilang pinagsaluhan ang boodle fight. Kinalimutan muna niya ang kanyang diet sapagkat minsan lang naman mangyayari ang ganito. Ang makasalo ang mga simpleng tao mula sa isla. Wala silang arteng kumakain ni Juanczo na gamit lamang ang kanilang mga kamay. "You have to try this, babe." Wika ni Juanczo sabay umang sa kanyang bibig ng hipon na binalatan na nito. Agad naman niya iyong sinubo. She stilled for a moment when her lips touch his fingers. Naalala niya kasi ang tagpo kanina sa kanilang kwarto na malapit na niyang ibigay ang sarili dito. At mukhang si Juanczo ay ganoon din ang iniisip sapagkat may pilyong ngiti ito sa mga labi habang nakatingin sa kanya. Sinadya pa kasi nitong pagtagalin ng ilang segundo ang mga daliri sa kanyang labi. Kahit dulo lamang kasi niyon ang nakadaiti sa kanya ay kakaibang kiliti na ang kanyang nararamdaman. Muntik pa tuloy siyang mabulunan dahil hindi niya manguya ng maayos isinubo nito sa kanyang bibig. Naging maagap naman si Juanczo at mabilis siyang kinuhanan ng tubig. Pasimple niya pa itong kinurot sa tagiliran para makaganti sa kapilyuhan nito. ------ ------ ------ Pagkatapos ng kanilang masaganang hapunan ay pinagsilbihan muna sila ng tsaa ni Manong Lito. Habang ang ba pa ay tulong-tulong na sa pagliligpit ng kanilang pinag-kainan. Hindi niya kinaligtaang magpakuha ng bluetooth speaker kay Mildred para sa gagawin nilang dance number mamaya. Naramdaman niyang ginagap ni Juanczo na nasa kanyang tabi ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. Lumingon siya dito at nginitian ito. She can see contentment and happiness in his eyes. "Thank you for coming here with me, babe." He said softly. "And thank you for allowing me to be part of you life." She cupped his face using her free hand and kiss his pointed nose. Hinawakan din naman ni Juanczo ang kamay niyang nasa mukha nito at ginawaran iyon ng masuyong halik at buong pagmamahal na nakatitig sa kanya. Para namang malulusaw siya sa mga titig nito. Damn! Lalo siyang gumagwapo habang tinititigan. "It's my pleasure being with you, Juanch. At kahit saan mo naman yata ako dalhin, sasama pa rin ako sayo eh." "Really? So, if I ask you to go with me in Aurora, sasama ka ba? I'd be very busy this coming week kaya gusto ko sanang isama na lang kita don. Para ma-meet mo na rin ang mga magulang ko. They really wanted to meet you, alam mo ba yon?" Bahagya naman siyang natigilan sa tanong nito. Hindi kasi siya maaaring basta-basta na lang umalis lalo na ngayon. Marami-rami na siyang natambak na trabaho sa business niya. Nahihiya na rin kasi siyang inaasa sa iba ang pamamahala ng kanyang negosyo. Kahit naman kasi binigyan siya ng isang linggong pahinga ni Mama Luisa ay hindi naman niya balak gugulin lamang ang kanyang araw para sa ibang bagay. Kailangan niya pa ring tutukan ang kanyang negosyo lalo na at halos kakatayo lamang noon. Malalim siyang napabuntung-hininga bago sumagot. "Okay lang kung next time na lang ako sasama sa'yo sa Aurora? I need to be hands on sa The Club BGC. Ilang araw ko na rin kasing napabayaan 'yon. I hope you understand, Juanch." Malambing niyang sabi. Kahit halatang dismayado ito sa kanyang naging sagot ay nagpahayag pa rin naman ito ng suporta sa kanya na may halong pag-aalala. "Why don't you hire someone to look up for you business? Its obvious na nahihirapan kang pagsabayin ang showbiz career mo at ang club. Baka magkasakit ka na sa ginagawa mo, Stevielyne. And I don't want that to happen." Concern na saad ni Juanczo sa kanya. Totoo naman ang sinabi nito. Kaya nga nakiusap na rin siya kay Margaux dati pa dahil talagang nahihirapan na siyang pagsabayin ang negosyo niya at pagiging celebrity niya. Bukod kasi sa pagsasayaw ay tumatanggap din siya ng ilang roles sa mga TV series. Bukod pa roon ay may mga TV commercials din siyang nilalabasan. Nangalumbaba siya habang nag-iisip ng maaari pa niyang gawin para mapagaan ang kanyang tungkulin. Mukang nahulaan naman ni Juanczo ang kanyang iniisip kaya may isinuggest ito sa kanya. "I have a former secretary na sa Manila na naka-base. She's very efficient kaya lang nag-resign siya noong nakapag-asawa siya ng taga Maynila. I still have contact with her. At sa pagkakaalam ko wala naman siyang trabaho ngayon." Nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. Alam na alam talaga ni Juanczo kung paano pagaanin ang problema niya. Napayakap tuloy siya rito at umusal ng pasasalamat. Maya-maya pa ay natanawan na niyang parating sila Mildred at ilan pang mga dalagita na sa hula niya ay ang mga kagrupo nito at may bit-bit ang mga ito na hindi kalakihang speaker katulad ng kanyang hiling. Napalingon din sa Juanczo sa kanyang tinitignan bago bumaling muli sa kanya. "I knew it. You're going to do a number right?" Nakangiting tanong ni Juanczo sa kanya. "Yeah. I used to dance in front of the locals sa mga charity missions namin before. Natutuwa kasi akong makita na kahit paano nakakapagbigay ako ng kasiyahan sa kanila sa pamamagitan ng pagsasayaw ko." "Alam mo bang mas lalo mo akong pinapahanga everytime magkukwento ka about your life? And I'm so proud of you, babe." "Awww. Thank you, my love." She said and give him again a kiss on his cheek. "Ang ayoko lang ay pinapagod mo masiyado ang sarili mo. Huwag mo naman sanang abusuhin ang katawan mo, babe." "Of course! Takot ko lang maparusahan mo." Ganti na lang niyang biro dito dahil nag-uumpisa na naman itong magsungit. Napaka-moody talaga ng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD