Elora’s Point of View MALAKAS akong tumawa dahil sa kakengkoyan ni Uncle Seb. Nasa sala kami ng bahay, nagkukwentuhan at naghaharutan. Patuloy akong tumatawa sa mga nakakatawang biro niya. Hindi ko akalain na bukod sa pagiging maharot nito, mayroon din pala siyang funny bone sa katawan. “Stop it,” sapo-sapo ko ang tiyan na masakit na dahil sa sobrang katatawa. “Tama na. Hindi ko na kaya, Uncle Seb.” “Come on, baby, hindi pa tapos ang joke ko.” Inirapan ko siya, saka nahiga sa mahabang sofa na kinauupuan naming dalawa at ginawang unan ang mga hita niya. Malapit na kaminng magtatlong linggo na magkasama, at nagpapasalamat ako dahil wala pang ibang nakakaalam. At sa halos tatlong linggong iyon, wala kaming ibang ginawa kundi mamasyal, manuod ng sine, magharutan. Sa tingin ko’y dalawang

