Third Person POV MARIING nakahawak si Arthur sa papel na may lamag sulat. Paulit-ulit niya itong binabasa. Walang araw na hindi niya ito binubuksan simula nang ma-discharge siya sa ospital. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan simula nang umalis ang anak niyang si Elora, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabalik. Marami siyang hinire na mga imbestigador upang mahanap ito, ngunit wala at ayaw magpakita ni Elora. “Dad, I’m sorry. Kung nababasa mo man itong sulat ko ngayon, ibig sabihin wala na ako dito. I might be somewhere else. I made a mistake, Dad. A really big mistake. Remember the time when I was with Uncle Seb? Noong nasa business trip kayo? Noong nasa Baguio kami? May nangyari po sa amin. Hindi lang po isang beses. Hanggang sa hindi ko po namalayan na nahulog na ako k

