Elora’s Point of View ILANG Araw nalang at mag iisang buwan na kami dito sa Baguio. So far, wala pa akong nababalitaan na nalaman na ni Daddy ang tungkol sa amin ni Uncle Seb. Ilang araw na lang, at kailangan na naming umuwi dahil iyon ang bilin ni Daddy sa huling tawag niya kay Uncle Seb. Sa mga linggong't araw magkasama kami ni Uncle Seb, mas lalo ko lang siyang minamahal. Hulog na hulog na ako sa kanya at hindi ko alam kung kaya ko pa siyang mawala o iwasan kapag nakabalik na kami ng Maynila. Isa pa ang mga araw na lagi akong nasusuka. Minsan, ayaw kong kumain. At naghahanap ako ng mga kakaibang pagkain kahit na alam kong mahirap hanapin. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong malaman at tiyaking tama ang hinala ko. Baka mali lang ako. "Uncle Seb?" tawag ko sa kanya. Nakahiga si

