Fhaye's point of view
Bumalik na kami sa classroom. Umidlip muna si Verse ako naman nagbabasa ng libro.
Bigla na namang may ku-miss sa pisngi ko. Tiningnan ko kung sino. Ayan na naman yung nakangising si Blaze. Blaze is like a brother of mine. Classmate ko siya since grade 4, before maghiwalay ang parents ko at magkaroon ng sari-sariling pamilya. Blaze called me dati mommy at baby naman tawag ko sa kanya kasi nagbe-baby talk pa rin siya kahit grade 4 na.
Kumakandong pa siya sa akin minsan. Kinukurot ko pa ang pisngi niya at hinahalik-halikan kahit saan. Ganon din ako kay Verse kaya madalas silang mag-away dahil nag-uunahan sino ang kandungin o buhatin ko. Sabay sabay din nila akong kinikiss at niyayakap.
Madalas nga lang pinapaiyak ni Blaze si Verse kasi iyakin si Verse at bully naman si Blaze. Marami akong alam tungkol sa kanila pero wala silang alam tungkol sa buhay ko. Malihim ako kahit sino.
Dissmissal..
Sinundo na si Verse sa Mommy niya. Or let us say adopted Mom. Inampon kasi siya ng pamilyang Xhiu.
"Fhaye! Antay!"
Patakbong humabol sa akin si Blaze. Di niya alam magkapitbahay lang kami. Nasa kalsada na kami nang huminto ang army jeep. Bagong version ng army jeep.
"Uy sakay na kayo!" Tawag ni kuya Jake sa amin. Isa sa mga sundalo.
Madadaanan kasi nila ang village namin.
"Dito lang po ako. Sige salamat." Sabi ko at bumaba na. Sumunod naman si Blaze. May pera yan pero nakikisakay din sa army jeep o police car na napadaan sa village namin.
"Oy! Doon ang daan papunta sa inyo, ba't ka sumunod sa akin?"
"Ihahatid kita sa inyo."
"Di nga pwede. Umalis ka na nga."
Nagkamot siya ng ulo at dumaan sa ibang direksyon. Palingon-lingon pa siya. Nang mawala na siya saka ako naglakad papunta sa bahay namin.
"Mom! Dad! Andito na po ako!" Tawag ko pagpasok sa bahay.
Naratnan ko sila sa sala. I kissed them on cheeks.
"Siya, magbihis kana. Darating sina Kuya Andro mo." Sagot ni mommy.
"Si Luizen, di mo ba nakita sa school?" Dad asked.
"Nakita po, kasama po niya ang barkada niya." Sagot ko.
Si Luizen ang bunso nila. 16 years old. Inampon nga pala ako ng pamilyang ito, since wala na akong mapuntahan noon. Lalo pa't pawang may mga business at trabaho na yung mga anak nila.
Sina Andro 26 years old at ate Alexa 24 years old ang namamahala sa business nila sa America. Si ate Luiza 18 years old, isang model sa korea. Si Beverly 20 years old nasa France. Si kuya Willy 22 years old model at artista sa Japan. Don din siya nag aaral at gumraduate. Ang mga yon ang nagrecommend sa akin para ampunin ng pamilya para di na mangungulila sa kanila ang parents nila. Si ate Luiza, adopted daw yun at pangalawa ako. Pero siya, anak ng best friend ng mmag-asawang Micanovic. Lahat mabait sa akin maliban kay Luizen na cold at palaaway. Kay ate Luiza lang yan mabait.
Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis.
"Mom! Nasan si Luizen?" Boses yun ni kuya Andro ah.
Bababa na sana ako ng mahagip ng tingin ko ang picture namin nina mama at papa kasama sina Xhirren at Xhyrrel. Ang kambal kong mga kapatid.
Simula nong iwan nila akong mag isa sa bahay, hindi ko na alam kung pano umiyak. Nagiging cold na rin ako at tahimik. Ngingiti man pero kina mommy't daddy lang. Saka sa mga close ko.
"Bawal mag-emote."
"Ay kambing!"
Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat.
"Hanggang ngayon gulatin ka pa rin." Nakangiting sabi sa akin ni ate Alexa. Tinago ko na agad sa ddrwer yung picture.
"May binili ako sayo. Tingnan mo! Dali!"
Pinasukat niya sa akin yung mga sapatos at mga dress. Puno na naman ang closet ko nito,diko naman ginagamit. After non sabay na kaming bumaba. Nakita ko pa si Luizen na nakipagtawanan kay Luiza. Sa lahat ng nandito ang iiniwasan ko ay si Luizen. Puro masasakit na salita lang ang maririnig ko sa kanya. Cold treatment na rin.
"Xhirra! Dalaga ka na ah!" Sabay yakap sa akin ni kuya Willy.
"Bitiwan mo nga siya ako muna." Hinila ni ate Beverly si kuya Willy para siya na naman ang yumakap sa akin.
Naalala ko tuloy dati.
Flashback:
"Ma,pa!" Pumasok ako sa kwarto nila at sulat nalang ang nakita ko. Nakalagay don na nasa kay mama si Xhirren(girl yan) at Xhyrrel(boy yan) kay papa. Bahala na daw ako dahil malaki naman na daw ako eh.
Naglakad nalang ako sa kalsada kahitna malakas ang ulan. Umupo sa isang swing ng park. Nakatungo habang dahil di alam ang dapat gawin.
Until two person approached me.
"Hey kid! Are you okay?" Napaangat ako ng tingin. At nakita ang dalawang taong nakauniporme ng Micanovic High school uniform.
"Ba't ka nagbabasa sa ulan?" The girl asked. Hindi ako sumagot. Tutulo na naman kasi ang luha ko anumang oras kapag maysasalita pa ako.
"Nasan ang parents mo?" Tanong nong boy.
"Umalis po sila." Sagot kong walang emosyon.
"Ikaw nalang mag isa? Mga kapatid mo, tiya, tiyo?"Girl again.
"Ako nalang pong mag-isa." Sabi ko na napapaiyak na naman maalalang wala na sina mama at papa maging ang mga kapatid ko.
"Lika sama ka sa amin." Boy.
"Po?" Napaangat ako ng tingin.
"Wag kang mag-alala mababait kami. Im Beverly. Call me ate Bev."
"Im Kuya Willy."
Iyon ang simula ng pag-ampon nila sa akin.