Fhaye's p.o.v
Nakaupo ako sa gilid ng bintana ng aming classroom nang dumating si Blaze.
"Hi Fhaye, I missed you." Bati ni Blaze sa akin na nakataas ang mga braso. Akma akong yakapin ngunit napatigil nang magtanong ako sa kanya.
"Blaze, may gusto ka bang ipagtapat sa akin?" Bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko. Mali yata ang pagdeliver ng tanong ko.
"I mean, may fiance ka na pala, ba't di mo sinabi?" Paglilinaw ko sa kanya.
Hindi agad siya sumagot ngunit nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Arranged yon at hindi ko gusto. Parents namin ang may pakana." Nakatungo siya habang sinasabi ang mga bagay na yun. "I'm sorry kung di ko sinabi sa inyo."
"Ayos lang yun." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.
"Pero di ko siya gusto."
"Maganda naman siya ah. Try to give her some time, malay mo mahal mo rin pala siya pero di mo lang napansin."
Pero deep inside my bahagi ng puso ko ang nasaktan. Nasaktan nga ba o nag-aalala? Nag-alalang darating ang araw na ako na lamang muli ang maiiwang mag-isa.
"Alamin mo muna at siguraduhin kung ayaw mo ba talaga sa kanya." Sabi ko pa. Paano niya malalaman na ayaw niya sa fiance niya kung di pa naman niya gaanong nakilala? Baka kapag nakilala na niyang mabuti, magugustuhan din niya ito. Ang ganda-ganda kaya ni girl. Saka ang cute pa.
"Sige, susubukan ko." Ang malungkot niyang sagot.
At magmula noon, madalas ng di namin nakakasama si Blaze. Si Aesha na kasi ang lagi niyang kasama at nakita ko rin silang nagtatawanan minsan.
Si Verse naman hatid sundo ng kanyang manliligaw. Ang gwapo nga eh. Anak daw ito ng isang heart surgeon. At kung makapag-alala ito sa kanya baby'ng-baby siya.
Para siyang babasagin na iniingatang mabuti. That's give me the hint na crush siya nong guy at naisip ko rin na baka may tinatago rin si Verse sa amin. Paano kasi niya makilala ang isang anak ng isang heart surgeon diba?
Naisipan kong pumunta sa clinic ng heart surgeon na iyon. Na di ko alam na mabibigla ako sa matutuklasan.
"She has only one year left. Kaya sana matulungan mo siyang magpapaopera. Dahil ayaw kasi niya. Gusto daw kasi muna niya kayong makasama. Kayo lang ang tanging malapit sa kanya. Pinaampon siya ng parents niya dahil sa sakit niya. Para maoperahan siya pero ayaw niya."
One year.
One year lang kung hindi siya maooperahan.
Bakit di ko man lang napansin? Wala akong kwentang kaibigan. Hindi ko man lang alam na may sakit pala ang kaibigan ko?
"I will try to convince here." Iyon ang pangako ko sa surgeon na nagtatrabaho sa pamilyang nag-ampon kay Verse.
Dumiretso ako sa tahanan nina Blaze para ipaalam sa kanya ang sitwasyon ni Verse.
"Ano bang rason at ayaw mong iwan ang mga kaibigan mo ha! After ng sem-break sa America ka na!" Dad yon ni Blaze ah.
"No! Ayoko. After graduation nalang po." Rinig kong pakiusap ni Blaze.
"Ano bang meron sa mga scholar na yon at gustong gusto mo silang makasama? Hindi sila bagay sayo!" Sigaw ng mama ni Blaze.
"Wala kang future kung sila lang ang palage mong makakasama. Malay mo kinaibigan ka lang nila dahil mayaman ka."
"Hindi sila katulad sa iniisip mo mommy."
"Kita mo na. Sinasagot-sagot mo na ako dahil lamang sa kanila?"
"Tita, ayos ka lang?" Rinig kong nag-alalang sabi ni Aesha. Kasunod non ang mga boses na sinasabing tumawag ng ambulansya.
Umalis na lamang ako.
Nakatungo akong naglakad pauwi sa bahay. Si Verse may problema sa kalusugan. Si Blaze may problema sa pamilya. At posibleng darating na naman ang araw na maiiwan na naman akong mag-isa.
Naratnan ko si ate Luiza sa sala.
"Xhirra, are you okay?" Bigla ko nalang siyang niyakap. Malungkot ako ngunit ayaw kong umiyak. Dahil alam ko na walang maitutulong ang mga luha para sa baguhin ang lahat.
"Hey! What's wrong?" Gusto kong umiyak pero ayaw ko.
"Sorry nayakap kita." Sabay kalas ko at umakyat sa hagdan.
Dumiretso ako sa piano at inilabas ang lahat ng nararamdaman kong lungkot sa pamamagitan ng pagtugtog.
***
Luizen's P.O.V
Bumili ako ng ice cream para kay Luiza. Pagpasok ko sa bahay naratnan ko siyang kayakap si Fhaye. Pansin ko lang, si Verse lang ang nakita ko kanina sa school . Umakyat na ng hagdan si Fhaye.
Hindi ko alam kung bakit naisipan ko siyang sundan. Pagdating ko sa tapat ng kanyang kwarto, tunog na lamang ng piano ang naririnig ko. Alam ko kapag malungkot ang tono ng pagtugtog niya ganon din ang nararamdaman niya.
Hanggang sa narinig ko na siyang kumanta. Mahilig din siyang kumanta. At kumakanta siya base sa nararamdaman niya.
"Saturday night I'm on my way
Im all alone who goes away
It's really hurts me...
When I got home nobody's there
Looking for someone who really care
But it seems nobody's there"
Nang kantahin niya ang 9 pm sa lyrics ng kanta saka ako napatingin sa relo ko. Saktong 9pm na nga ng gabi. Umalis na lamang ako bago pa man makita ng iba.
***
Fhaye's p.o.v
After kong kumanta, napalingon ako sa may pinto. Para kasing may tao e. Binuksan ko ang pintuan ngunit wala naman akong nakitang tao. Kaya lang may isang gallon ng ice cream sa tapat ng pintuan ko. Bakit may box ng ice cream dito? Ice cream, reminded me about Verse and Blaze. Ice cream kasi ang pustahan namin kapag may napapalingon kaming mga dare victims namin. Binaba ko ang ice cream at nilagay sa reef sa ibaba.
Nagpalit ako ng damit at umalis ng bahay. Sinuot ko yung red violet dress na binigay ni ate Alexa sa akin. Coat na mula kay Blaze, shoes na galing kay Verse, pouch na bili ni kuya Andro. Kinuha ang backpack na dala ko palage kapag pumapasok sa school saka sumakay sa scoter na bigay ni ate Beverly.
Napahinto ako sa may park kung saan kami laging namamasyal na magkakaibigan. Maliwanag ang buwan kaya marami pa ring pagala gala rito. Umupo ako sa isang puno kaharap sa isang fountain. Kumuha ng papel at ballpen mula sa bulsa saka nagsimulang magsulat.
May umaalis, may dumarating
Ang dumadating umaalis narin
Sino pa ba ang darating
At sa huli ay lalayo lang din?
Sana wala ng dumating
Nang wala ng aalis at maiiwan?
Wala ng mangungulila at masaktan
Wala ng iisiping ala-ala ng nakaraan
Kailan ba ako magkaroon ng sariling akin? Nararapat at para talaga sa akin
Hindi ako para sa kanila
Hindi ako bagay sa kanila
At karadapat-dapat sa kanila.
Then para kanino ako at para kanino sila? Nabuhay ba talaga ako para mapag-isa? There not belong to me and I'm not belong to them. Where should i belong then?
"Then, you're belong to me!"
"AYGWAPOO!" Nasambit ko. Kaw ba namang seryosong nag-eemote na tapos may bigla nalang sumusulpot? Kapag kasi nalulungkot ako, ayaw kong umiyak. Kung hindi napapagaan ng pagtugtog at pagkanta ang nararamdaman ko, dinadaan ko na naman sa pagsusulat. Pero di ko namalayan na may tao pala sa likuran ko.
Malakas ang loob kong mamasyal sa park ng subdivision na ito dahil safe naman ang lugar na ito. At di ko lang inaasahan na may maliligaw din pala dito sa ganitong oras ng gabi.
"Hi! Gulat ka ah. Need someone to talk to?" Tanong nitong gwapong lalaking nasa 17 years old ang edad at tinaas pa ang isang kilay.
Matangkad siya sa akin ng 3 inches kaya napapatingala ako kunti sa kanya.
"No!" Sagot ko at aalis na sana pero hinarang niya ako.
"Don't worry hindi ako isa sa mga umaalis." Anong pinagsasabi nito?
"Tara!" Hinila niya ako papunta sa kung saan.
"Wag kang matakot. Saka takot kaya akong masapak mo." Nakangiti niyang sabi.
Napatingin ako sa nakangiti niyang mukha. Kitang-kita ko ang maputi niyang mga ngipin na nasisinagan sa liwanag ng buwan. Saka naibaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko.
"Oo na. Bibitaw na." Tinaas niya ang dalawang kamay. Ilang sandali pa'y sinabing "shall we?". Tiningnan ang pinakamalapit na restaurant na sakop rin ng subdivision na ito.
"Eat!" Sabi niya.
Kaharap na namin ngayon ang iba't-ibang uri ng mga putaheng ngayon ko lang nakita. Di ko nga kilala ang iba maliban sa beef stake na nasa tapat ko.
"Sige na. Pangako. Maiibsan kunti ang lungkot mo kapag nabubusog ka." Nilapit niya sa bibig ko ang tinidor na may nakatusok na pagkain ngunit di ko ibinuka ang bibig ko. Nagtatanong kasi ang isip ko kung bakit feeling close ang isang to? Di naman kami magkaibigan.
"Open your mouth." Iyon binuka ko nalang.
Nakita ko ang paglawak ng ngiti niya nang kagatin ko ang ipinasubo niyang karne sa akin. Mas lalo pala siyang gumagwapo kapag nakangiti. Maalala ko ang dare namin ni Verse at isa ang lalaking to sa papalingunin namin nagi-guilty ako. Lalo na nong nilapitan ako ng mga barkada niya at tinanong kung may gusto ba ako sa kanya. Titigan lang may gusto na? Di ba pwedeng dare lang naming magkakaibigan?
After sa restaurant pinasyal niya ako sa labas ng subdivision. Pumunta sa E.K. sumakay ng iba't-ibang rides na nakikita namin. Hanggang sa mapadpad kami sa may dart section.
Kumuha ako ng tatlong dart at pinatama sa target board.
"Yes! I hit the center!" Sa tuwa ko napayakap ako sa kanya na nagtatalon pa. Siya gulat pa rin. Gulat dahil center lahat ng tira ko at gulat dahil niyakap ko siya.
"Ah sorry."
"Ehem... it's okay." Nakaiwas tingin niyang sabi. Kita ko rin ang pamumula ng kanyang mga pisngi.