Chapter 9: Aalis

2557 Words
Fhaye's p.o.v Nagi-guilty ako. Talaga namang sobrang guilty ako kay Throne. Kita ko kasing sobrang lungkot ng mga mata niya noong marinig niya ang sinabi ko. Di ko tuloy alam kung tama ba yung ginawa ko o mali? Dahil sa ginawa ko, naririnig ko na pinag-uusapan na naman kaming dalawa sa buong campus. Ang masaklap kasi pinagtatawanan nila si Throne at iniinsulto. After ng klase narinig ko ang usap-usapan na may kasuntukan daw si Throne kanina dahil tinukso siya ng kaklase niya sa pagkabasted niya. Napuruhan yung sinuntok niya kasi naman na hospital daw ito at posible pa na mai-expell si Throne. Naisipan kong puntahan si Throne. Pero bago yun lumabas ba muna ako at bumili ng isang pack ng band-aid. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng bintana ng kanilang classroom. May putok sa labi at maging sa kanang kilay. Nakatingin lamang siya sa sahig. "Im sorry." Napaangat siya ng tingin marinig ang boses ko. Nakita ko ang dumaang tuwa sa kanyang mga mata ngunit napalitan din ng lungkot. "Wala kang kasalanan." Sagot niya na nakaiwas tingin. "Hindi ko alam na ganito ang magiging epekto. Saka di ko rin alam kung ano ang dapat sanang gawin ko para hindi ka tutuksuin at ipahiya ng iba." Nabigla naman kasi ako sa pagtatapat niya. Kaya di ko na rin pinag-iisipan kung ano ang dapat kong isagot. Ngunit ayaw ko naman siyang umasa kaya naman diniretso ko na siya. Hindi ko alam na pagtatawanan pala siya ng iba at matutukso pa. Nasira ko na ang imahe niya dati at nadagdagan na naman ngayon. Hindi naman talaga siya ganoon kasama para umani ng pangungutya at pang-iinsulto mula sa iba nang dahil lang sa akin. "Kasalanan ko kasi mapusok ako at di marunong magtimpi. Wala kang kasalanan." Inabot ko ang dala-dala kong pakete ng band-aid na binili ko kanina bago siya puntahan. Hindi niya inabot kaya ako na lang ang naglagay ng mga band-aids sa mga bruises niya. "Wag mo itong bigyan ng malisya. Nagi-guilty lang ako kaya ginagawa ko ito." Sagot ko ngunit natigilan dahil sa mga flash ng camera at sa mga boses na naririnig ko. "Wow! Ang sweet." Biro ng isang lalake na di ko mawari kung nagbibiro ba o nangpipikon. Kakaiba kasi ang ngiti e. Yung ngiting parang nanghihingi ng isang sapak. "Pasuntok din ako." Biro din ng kasama niya sabay tawanan ng iba. Tiningnan ko sila. Yung tingin na hindi naman masama ngunit napaka-cold. Mabilis naman silang napatigil sa pagtawa at nagsialisan na. "Wag mo na silang pansinin. Hindi ka naman talunan. Saka inggit lang sila kasi gwapo ka." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng bahagya saka ako nagpaalam sa kanya at umalis na. "Bakit mo naman siya pinuntahan Fhaye? Di mo ba alam na trending ka na naman ngayon?" Sabi ni Blaze sa akin. "Hayaan mo na sila. Wala lang silang topic na mapag-uusapan kaya kung ano-ano na lamang ang ginagawan nila ng issue." Wala namang bigdeal sa ginawa ko bakit pa ba nila pinapalaki at pinag-uusapan? "Pero sa ginawa mo para ka na ring nagpaasa ng tao. Tapatin mo nga kami. May gusto ka ba kay Throne?" Tanong ni Verse. "Hindi no. Nagi-guilty lang yung tao kung ano-ano na iyang iniisip niyo." Sagot ko na direktang nakatingin sa kanyang mga mata. "Alam mo bang anak mayaman iyang si Throne?" Dagdag niya pa. "Wala namang hindi anak mayaman sa Micanovic high. Ang mahal kaya ng tuition dito." Wala pa naman akong narinig na anak mahirap na nakapasok dito maliban sa akin. "Hindi yun. Alam mo bang apo pala siya ni Don Art? Yung sikat na business tycoon?" Sabing muli ni Verse. "Mayaman lang yun pero di hamak na mas gwapo parin ako don. Kaya wag kang padadala sa yaman Fhaye. Paano nalang ako?" Sabi ni Blaze na kunwari nasaktan. Natawa na lamang ako habang si Verse tinukso si Blaze. "Patangkad ka nga muna." Tukso ni Verse na natatawa. "Wag kang atat. Malapit na." Sagot ni Blaze at napanguso. Ilang sandali pa'y natahimik silang dalawa. Napatingin ako sa kanila. Pansin ko ring parang hindi sila mapakali. "Alam kong may gusto kayong sabihin. ako din meron. Pero ikaw na muna Blaze." Sabi ko kay Blaze. Yumuko siya at alam kong nalulungkot siya. "Ano kasi." Pagsisimula niya. "Sa ibang bansa na ako mag-aaral." Hindi na ako nagugulat dahil inaasahan ko na yun. "Mamimiss ko kayo e." Mabilis niyang sambit at sumisinghot na. Napaiwas ako ng tingin at ibinaling na lamang ang tingin sa gawi ni Verse. "Kailangan kong magpaopera." Pagsisimula din ni Verse. "Wag kayong mag-alala di naman malala. Kaya lang, magmamigrate na rin kami sa ibang bansa." Hindi ko alam na pati pala si Verse sa ibang bansa na rin pupunta. "Ayaw kong malayo sa inyo." Parang piniga ang puso ko sa narinig kaso kailangan nila. Kailangan nilang umalis. "Ssh. Tahan na. Makakasama yan sayo." Pagpatahan ko kay Verse. Umiiyak na kasi. May sakit kaya siya sa puso. "Uminom ka na muna ng tubig." Kinuha ang baon kong tubig na nakalagay sa tumbler. "Ikaw, ano ang sasabihin mo?" Tanong naman ni Blaze pagkatapos pigilan ang luha. "Kung magkakahiwalay man tayo, magkikita parin naman tayo di ba? Hindi dapat iikot lamang natin ang ating mundo sa ating tatlo. Kailangan din nating isipin yung iba. Yung iba na nandiyan at nagmamahal din sa atin." Para naman ito sa mga ikakabuti nila kaya naman hindi na kami maaaring magkakasama. "Verse, magpasurgery ka na. Kung kailangan ng transplant gawin niyo na. May pera naman sila di ba? Ang mahalaga gumaling ka. Hindi yung magkakasama nga tayo ngunit bilang na lamang pala ang mga araw natin." Natigilan ako dahil bigla nila akong niyakap at nag-iyakan pa ang dalawa. Naiiyak ako pero ayaw kong mas lalo silang malulungkot kaya naman pinigilan ko rin ang pagpatak ng luha ko. "Paano tayo sasaya kung puro takot at pangamba na lamang ang nasa puso natin? Takot tayong may masasaktan at maiiwan sa atin. Pero kailangan natin iyong harapin. Umaasa akong babalik kayo at magkakasama din ulit tayo. At muli nating pagdugtungin ang mga oras na hindi tayo magkakasama. May aalis at maiiwan ngunit may darating at bumabalik naman di ba?." "Verse, lumaban ka. Hihintayin ka pa namin ni Blaze. Mamaya magiging matandang binata pa yung suitor mo, sayang, gwapo pa naman yun." "Balik ka Verse ah. Baka agawin pa yun ni Fhaye e. Aray." Binatukan ko nga. Sabihin ba naman na aagawin ko yung admirer ni Verse. Sinundo na si Verse ng suitor niya este ng anak ng doctor ng pamilya ng nag-ampon sa kanya. Si Blaze naman, sunod ng sunod sa akin. "Mauna ka na." Sabi ko sa kanya. "Nauna na nga ako o." Nauna na daw e di naman gumagalaw sa kinatatayuan. Kapag nauuna naman ako susunod naman siya. Sa unahan lang, mansion na nila. Ako naman, Liliko lang sa kabilang daan, bahay na nina Luijen. Sinundan ko ng tingin si Blaze. Nang mawala na siya sa paningin ko, saka na ako naglakad muli at lumiko. Tinahak ang landas papunta sa Micanovic mansion. Kinuha ang phone ko at nagpatugtog ng kanta na paborito kong kantahin kapag nalulungkot ako. Ang covenant journey entitled, let me walk with you. Sumasabay ako sa kanta ng musika. At dinama na lamang ang mensahe ng kanta. Let me walk with you, as I journey to this land Searching for a meaning as each moment passes by Let the hand of time be like footprints in the sand As I carry you from the dawn to the setting sun. Kaya lang napatigil ako sa pagkanta dahil sa may sumingit. "With just one hand we can travel far together One's life sharing in love I will hold you forever Yes, I love you with all my heart." Hindi ko maiwasang mapalingon at mapatingin sa kay Blaze. Nagulat ako dahil nakasunod pala siya. Ngunit mas nagulat ako dahil maganda pala ang boses niya. Ang cute pa niyang tingnan habang papalapit sa akin. Bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. "There'll be many crossroads as we walk along the way There'll be many questions as we live life day by day This will never matter if the Lord will always be there He will surely find the answers 'coz he cares" Kanta niyang muli. Ewan ko ba. Lalo lang bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin kay Blaze. Dahil ba sa nagandahan ako sa boses niya o sa mensahe ng kanyang kanya? Nginitian niya ako at tinanguan. Kaya naman kumanta nalang din ako at sabay naming kinanta ang huling stanza. "We just one hand, we can travel on together. One life sharing in love I will hold you forever Yes, I love you, all my life." Para na tuloy kaming lovers na nagdu-duet. "Fhaye. Hihintayin mo ako hindi ba?" "Ano ba yang pinagsasabi mo? Bakit mo ako sinundan ha?" Naiilang akong bigla. Bigla ring nauutal. "Aalis na ako next day. Kaya gusto kong maihatid naman kita sa kung sino mang nag-ampon din sayo. Kahit ngayon lang Fhaye." Seryoso niyang sabi. "Please." Pakiusap niya na may nagsusumamong mga tingin. "Sige na nga." Sabi ko at sabay kaming pumunta sa Micanovic mansion. "Dito ako nakatira." Sabi ko pagdating namin sa gate. Tumango lang siya at pumasok na kami. Pagpasok namin sa loob ng bahay, naratnan ko sina mommy at daddy sa sala. "Fhaye. Nandito ka na pala." Bungad sa akin ni Daddy. I kissed him on the cheek. Saka binigyan din si mommy ng kiss sa pisngi. "Mom. Dad. Si Blaze. Bestfriend ko. Blaze, sina mommy at daddy." "Ah, hello po." Naiilang niyang bati. "Wag kang matakot o mailang sa amin hijo. Dito ka nalang din mag-dinner para di na malungkot iyang si Xhirra." Dinner time. Katabi ko sa Blaze. Kaharap naming dalawa sina Luijen at ate Luiza. "Ikaw pala ang bestfriend ni Xhirra ang poge mo at ang cute pa. May girlfriend ka na ba?" Tanong ni ate Alexa na nakataas-baba pa ang kilay. "Opo." Sagot naman ni Blaze. "Ay sayang. Kala ko wala pa. Mag-aapply sana ako e." Nakangiti pa ring sabi ni ate Alexa. "Tanda mo na kaya. Mukha ka na ngang nanay niya e." Pang-aasar naman ni Kuya Andro. "Tse! Mukha pa kaya akong sixteen." "Bakit puro lamang kanin iyang kinakain mo?" Tanong sa akin ni Ate Luiza. Napatingin ako sa ulam. Lahat naman kasi may broccoli flower at chinese pechay. Malayo kasi sa akin ang paborito kong braised beef with mushrooms. Kumuha naman si Blaze ng braised beef na malapit kay ate Alexa. "Ito o. Kumain ka na." Kumuha na rin siya ng bacon na walang broccoli na nasa tapat nina mommy. "Pahingi ako nito ha?" Sabi niya pa. Matapos lagyan ng pagkain ang plato ko saka siya nagsimulang kumain. Palipat-lipat naman ang tingin nila sa akin at kay Blaze. "Ilalabas lang din niya iyang may mga broccoli at Chinese pechay. Baka mapano pa siya." Sabi niya bago ako balingan ng tingin. "Hindi mo ba sinabi sa kanila na may allergy ka sa mga yan? Palibhasa di ka nagsasalita kapag di ka tinatanong." Sabi niya. Di nalang ako umimik. Kung ano ang available sa mesa wala akong karapatan na magreklamo. Di ko kaya to bahay. Saka nakikikain lang ako. "Bakit di mo sinabi na may allergy ka pala?" Tanong ni mommy. "Hindi na po yon kailangan." Nangangati lang naman ako kapag nakakakain ako ng ganyan. Saka di naman ako mapapano. Pero bumabaliktad talaga ang sikmura ko kapag nalalasahan ko ang broccoli flower. Hindi yata sanay ang laway ko sa lasa niya. "Anong hindi? Pano kung napano ka?" Sabi naman ni kuya Andro. Paborito nina kuya Andro at ate Alexa ang mga putahe na may broccoli at mushrooms kaya naman nagpahanda ng broccoli feast ang buong pamilya. Halos lahat ng mga putahe may broccoli. Kukunti lang ang may mushrooms. "Bakit di mo ipinaalam sa kanila kung ano ang bawal sayo? Anong masakit sayo? At ano ang ayaw mo?" Tanong ni Blaze. Hindi ko masabi-sabi dahil iniisip kong nakitira na nga ako dito makikigulo pa. Nanghihiram lang ako ng pamilya kaya di na kailangan na ipaalam pa sa kanila kung ano ang ayaw at gusto ko. "Hindi na nga kailangan." "Kailangan yun dahil sila na lamang ang titingin sayo. Aalis na kami ni Verse, wala ng magpapaalala sayo sa mga bawal mong kainin. Takaw mo pa naman." Nahiya tuloy ako sa inasta ng isang to. Ngunit mas kumirot naman ang puso ko dahil wala na nga palang maninigaw sa akin kapag marami akong kinakain na junk food o ba kaya kapag wala akong ganang kumain. *** Nang makaalis na si Blaze nananatili akong nakatayo sa gate. "Xhirra, may problema ka ba? Mukhang nananamlay ka." Sabi sa akin ni mommy. "Mommy, naging pabigat na po ba ako sa inyo?" "Anong pabigat ka dyan? No, wag kang magsasabi ng ganyan." Mom said. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Hindi niyo ako itatakwil at iiwan di ba? Hindi kayo magagalit sa akin at iwan akong mag-isa?" "No, bakit naman kami magagalit sayo?" Sabi niya at niyakap ako. "Gusto kong masanay mag-isa pero takot pa rin akong maiwang mag-isa." Napayakap na rin ako sa kanya. Minsan naisip ko na paano kung si mama ang kayakap ko. Ano kayang pinagkaiba? "Hindi ka namin iiwan. Wag kang mag-alala. Hindi ka na mag-iisa okay?" Tumango nalang ako. "Iyang mga mata mo, naging cold ulit. Nasan na ang sigla niyan?" Tanong niya. Napayuko nalang ako. "Tinutulak mo palayo ang mga taong lumalapit sayo dahil takot kang masaktan kapag iniwan ka nila? Dapat sinusulit mo ang mga oras habang kasama mo pa sila hindi ba? Hindi yung inilalayo mo sila sayo." "Mom." "Xhirra Fhaye. May mga taong umaalis dahil iyon ang kailangan. Hindi lahat ng mga umaalis ay ginustong mang-iwan. Wala lamang talagang ibang paraan." Gusto kong kontrahin si mommy. Ano bang dahilan nina mama at papa upang iwan akong mag-isa? Isinama naman nila ang dalawa kong kapatid hindi ba? Pero bakit iniwan nila akong mag-isa? Dahil lang sa iniisip nilang malaki na ako kaya nila ako iniwan? Bata parin ako, hindi ba nila naisip yun? Wala silang pakialam sa akin kaya nila ako iniwan. Iyon ang dahilan nila. Ngunit iyon nga ba talaga? Naramdaman ko na lamang ang pag-init ng mga mata ko. Mabuti pa sila ni daddy. Kahit na hindi nila ako tunay na anak pero minahal parin nila ako at itinuring na tunay na anak. Nandiyan sila nang kailangan ko ng masasandalan. "Salamat mom. Salamat at nandiyan kayo palage para sa akin. Wag niyo po akong iwan. Ayoko ko pong maiwan." Ang naluluha kong sambit at napahagulhol na. Ito ang ikalawang pagkakataon na umiyak ako magmula noong iwan ako nina mama. "Hindi namin gagawin yan. Kaya wag mo ng isipin ang bagay na yan. Isipin mo na lang kung paano mo susulitin ang mga oras mo sa mga kaibigan mo habang kasama mo pa sila at hindi pa kayo nagkakalayo. Para sakaling magkahiwa-hiwalay man kayo, wala kang pagsisisihan." Tama si mommy. Bakit hindi ko na lamang susulitin ang mga oras na kasama ko pa sila? Bakit palage ko nalang iniisip na aalis din sila? Kaya lang, may oras pa ba? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD