Dali dali akong bumaba sa bangin para kunin si Joseph mula kay Itay.Ilang beses akong natisod,nadulas pero binalewala ko lang 'yun dahil ang importante sa ngayon ay ang kaligtasan ni Joseph.Nang makababa na ako sa may ilog dali dali kong hinablot mula kay Itay ang sako at saka ko inilabas doon si Joseph
"Joseph..okay ka lang ba?may masakit ba sayo?sabihin mo kay ate kung meron" umiling iling lang siya at saka siya ngumiti sa akin bilang paniniguro na ayos lang siya.Agad agad kong hinarap si Itay at saka ko siya tinignan nang masama kahit labag sa loob ko.
"Ano bang ginagawa mo 'tay?!Nahihibang ka na ba?!ano bang ginawa niya para maranasan niya 'to?!Hindi ikaw ang tatay ko!dahil ang tatay ko ay mapagmahal!!ayaw niyang nasasaktan ang mga anak niya!!pero ngayon??..ikaw mismo ang nananakit sa amin!!Tignan mo si Joseph 'Tay!!sinako mo siya at paulit-ulit mong inilubog ang sako kung saan mo siya sinilid!!paano kung mamatay siya 'Tay??ano bang nangyayari sayo??pinatay mo na si nanay!!at hinding Hindi ko hahayaang patayin mo pa ang isa sa mga kapatid ko!!bago mo sila patayin..ako muna ang harapin mo 'Tay" pagkatapos kong ilabas ang sama nang loob ko sa kanya napansin kong napatigil siya na tila ba natauhan siya sa sinabi ko
"Sinisigawan mo na ako ngayon?!Bakit hindi mo tanungin 'yang si Joseph?!alam mo ba ang dahilan kung bakit ko siya ginanito?!Hindi!!..wala kang alam sa nangyari kaya manahimik ka!!" napaatras ako nang bahagya dahil sa sigaw niya sa akin.Pilit ko ring itinatago sa likuran ko si Joseph para hindi na siya malapitan pa ni Itay
"Tsaka 'yung ginawa ko kanina??dinidisiplina ko lang siya!!tatamad tamad kasi siya!!inutusan ko lang siya mangutang nang tatlong bote nang alak pero ayaw niya!!dahil sayo 'yun!!tinuturuan mo sila maging batugan dahil itinatanim mo sa isipan nila na may magtatrabaho para sa kanila!!"
"Itay..dinidisiplina?ganyan ba ang pagdidisiplina sa isang bata?..Itay naman..wala pang laban si Joseph..mahina pa siya kumpara sa inyo na kayang kitilin ang buhay na sa anumang paraan na gustuhin niyo..okay lang kung ako ang saktan niyo pero 'yung idamay mo sila??hindi kita mapapatawad..isang beses niyo pa pong saktan ang sinuman sa mga kapatid ko..hindi ako magdadalawang-isip na talikuran kayo bilang ama ko"tinalikuran ko na agad si Itay pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yun.
Alam kong nakakabastos ang sinabi ko pero anong magagawa ko kung nasabi ko na??. Hindi naman pwedeng bumalik ako doon at sabihing 'Itay..yung sinabi ko kanina joke lang 'yun hahaha..funny right?'.Pero 'yung sinabi ko kanina??seryoso ako doon handa akong talikuran siya kahit na siya ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon.'Yung pinatay niya si nanay??pinalampas ko kahit labag sa loob ko..hindi ako makapagsumbong sa pulis dahil sa pananakot niya sa akin.'Yung pananakit niya sa akin??pinalampas ko din 'yun dahil lahat nang sugat at pasa ay madaling mawawala at gagaling.Pero 'yung saktan niya ang mga kapatid ko na walang laban sa isang tulad niya??'yun ang hindi ko kayang sikmurain
Pagkarating namin sa bahay agad akong dumiretso sa kusina para ipagluto sila nang pagkain dahil hindi pa daw sila nagaalmusal.Takot daw silang makialam sa kusina at baka masaktan lang daw sila ni Itay tulad nang ginawa niya sa akin kagabi.Pagkatapos kong magluto ay inihain ko na ang mga pagkain sa lamesa at tsaka kami nanalangin at nag-umpisa nang kumain.
KINABUKASAN
"Anak..pasensiya na sa ginawa ko kahapon..h-hindi ko sinasadya tsaka..nadala lang ako sa galit nang matalo ako sa sabong..pasensiya na talaga..hindi na mauulit" nakayukong sabi niya sa akin.Napangiti ako ng bahagya dahil sa inasal niya.Sa tingin ko ay natauhan siya sa sinabi ko kahapon sa kanya.
"Talagang hindi na mauulit 'yun Itay,dahil hindi ko hahayaang mangyari pa ang nangyari kahapon...huwag na po kayong yumuko habang kausap ako..naiilang po kasi ako..tsaka..hindi niyo na kailangan pang humingi nang tawad dahil nung una pa lang..pinatawad na kita" nakangiting sabi ko sa kanya.Inangat niya ang kanyang ulo tsaka siya tumingin sa akin at ngumiti nang malapad.
"Payakap nga Itay" natatawang sabi ko sa kanya tsaka ako lumapit sa kanya at yumakap nang mahigpit.Napakasarap sa pakiramdam ang yakap ng isang ama,madarama mo mula dito ang labis na pagmamahal nila sa kanilang mga anak.
"Salamat anak..salamat sa pagpapatawad sa akin..napakabuti mong tao..nagmana ka talaga sa nanay mo..parehong palaban at parehong busilak ang puso..napakaswerte ko dahil nagkaroon ako nang anak na tulad mo" bahagyang nabasag ang boses siya kaya napangiti ako ng palihim.
'Nagbago na siya'
***
"Itay..b-bakit po pala kayo nagkaganun noong mga nakaraang araw?" nahihiyang tanong ko sa kanya dahil bakit ko ba naman kasi inuungkat ang mga pangyayaring naging bahagi na ng nakaraan ko??
"Anak..huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko" hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw nang lamesa namin kaya itinigil ko muna ang ginagawa kong paggayat nang sibuyas "N-Nagdodroga ako anak..h-hindi lang 'yan..nagsusugal din ako,pagkatapos kong magsugal dumidiretso agad ako sa sabungan at kapag nanalo naman ang panabong ko..nag-iinuman naman kaming magkukumpare..iyon ang ginagawa ko sa mga nakalipas na araw..h-hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko..basta ang alam ko lang..masaya ako sa ginagawa ko"gumaragal ang boses niya,napatingala pa siya upang pigilan ang pagtulo nang mga luha niya
"Noong..n-napatay ko ang nanay niyo??h-hindi siya ang nakikita ko nang sandaling pinapaslang ko..i-isang halimaw na gusto akong atakihin..'yun ang nakikita ko nang sandaling pinatay ko ang nanay mo..n-napatay at napagkamalan ko siyang halimaw na handang umatake na naging dahilan kung bakit ko siya napatay..at iyon ay dahil sa droga" natahimik ako dahil sa sinabi niya..halimaw??ganun ba ang tingin ng lahat nang nagdodroga sa tao??halimaw??
'Wala talagang mabuting dulot ang pagdodroga..nakakasakit at makakasakit lang sila nang kanilang kapwa ..hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ni Itay na 'yun ang dahilan kung bakit niya napaslang ang nanay ko na walang kalaban laban sa kanya'
***
Kinahapunan umalis muna si Itay para daw mangisda.Humingi na din siya nang tawad sa mga kapatid ko na tuwang tuwa nang makitang nagbago na ito.Pagkapatapos kong lutuin ang mga isdang nabingwit ni Itay sama sama naming pinagsaluhan ang mga ito hanggang sa maubos ito.
***Makalipas ang ilang buwan***
Maaga akong nagising nang maramdaman kong wala sa tabi ko ang mga nakababata kong kapatid.Agad agad akong bumangon para hanapin sila.Pagkalabas ko nang bahay isang napakatahimik na bakuran ang sumalubong sa akin kung saan madalas maglaro ang mga kapatid ko.
"EYA!JOSEPH!MARICAR!ELISE!!NASAAN NA KAYO?!" paulit-ulit na sigaw ko habang iniikot ang kabuuan ng bahay namin.Walang sumagot kahit isa kaya nagtungo ako sa likod bahay namin dahil tila ba may nag-uudyok sa akin na magtungo doon.Pagkarating ko sa likuran umuusok na kahoy lang ang nadatnan ko.Tumalikod na agad ako at aalis na sana nang makarinig ako nang kaluskos mula sa mga puno namin.Pagkatingala ko agad tumambad sa akin ang apat na kapatid kong nakagapos sa puno na tila ba isang basura.
Sandali akong napako sa kinatatayuan ko hanggang sa natauhan ako at nagkaroon ng lakas na sumigaw para marinig nila ako
"Hintayin niyo si ate ah?!Hihingi ako ng tulong!!hintayin niyo ako!!" dali dali akong tumakbo paalis ng bahay at humingi ng tulong sa mga kapitbahay namin
***
Pagkatapos ibaba ng mga kapitbahay namin ang mga kapatid ko mula sa puno nang mangga umalis na din agad sila dahil may kailangan pa daw silang gawin.Alam kong umiiwas lang sila sa problema ng pamilya namin.Tikom ang kanilang mga bibig pagdating sa problema nang aming pamilya..ayaw nilang manghimasok sa problema na hindi naman nila ginawa at ikinagagalak ko iyon.Una sa lahat ay dahil ayaw kong may madamay pang iba sa problema na dapat ay kami lang ang humaharap.
Pagkaharap ko sa mga kapatid ko agad ko silang niyakap nang mahigpit.Yakap..iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon.Napakapabaya kong ate..wala man lang akong nagawa para protektahan sila mula sa pagmamalupit ng aming ama
"Joseph..sagutin mo tanong ni ate..sino ang nagsabit sa inyo sa puno nang mangga?" kalmadong tanong ko sa kanya.May ideya na ako kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanila pero mas makabubuti kung marinig ko mismo sa kanila.
"A-ate*sob*..s-si tatay..s-siya ang may gawa nito..*sob*" kumuyom ang mga palad ko nang marinig ko ang sinabi niya.Akala ko nagbago na siya..hindi pa pala..lahat lang pala nang pinakita niya ay isang napakalaking kasinungalingan
"Ate..alis na tayo bahay..tatay kasi away tayo" sabi sa akin ni Maricar..ang aming bunso..siya ay tatlong taong gulang
"Gusto mo nang umalis dito??" tumango tango siya habang nakangiti "Aalis tayo dito..pangako..ayusin niyo na mga gamit niyo..may gagawin muna si ate..babalik agad ako" dali dali akong tumakbo papunta sa bahay ni Aling Martha..isang malapit na kaibigan ni nanay.
Nangutang ako ng limang libong piso para sa pag-alis naming magkakapatid.Pinahiram niya naman ako at saka siya nagpaalala na mag-ingat daw kaming magkakapatid sa biyahe papuntang Manila dahil masyado daw delikado.Nagbigay din siya sa akin nang dalawang pakete nang biskwit na tigpi-piso bilang pabaon niya sa aming magkakapatid.
Para na rin siyang ikalawang nanay para sa akin at sa mga kapatid ko.
Madalas siyang mag-abot nang pagkain sa amin kahit noong nabubuhay pa si Inay
"Mag-iingat kayong lahat..lalo ka na paniguradong subsob ka sa trabaho pagdating doon..aalagaan mo ang sarili mo iha"