BRiANNA pov
Sa ilang bwan naming pag sasama bilang mag asawa ni spade ay walang pinag bago ganon pa rin ang pakikitungo nya sa akin napaka cold na akala mo yelo. hay, madalas nya akong sinasabihan ng masasakit na salita, nasanay na lang ako sa mga salitang yon! Gabi gabi din syang may kasamang babae dito mismo sa bahay namin. Masakit na makitang pinapaligaya sya ng iba. Kong pwede naman ako kaso abot langit na yata ang pag kasuklam sakin ng taong yon, kaya nag desisyon na akong iwan sya pero sa isang kondisyon
Pumasok ako sa kwarto nya at kakausapin ko sya pag bukas ko ng pinto naagaw ko agad ang attention nito,
"Pwede ba tayong mag usap" lakas loob kong tanong
"Ano Naman yon? siguraduhin mo lang na mahalaga yan! Sinasayang mo ang oras ko!" Salit na sabi nito habang ako eto abot ang lunok ng aking sariling laway
"Payag na ako sa annulment paper na pinapipirmahan mo" nakayukong sabi ko, napatingin naman agad ako sa mukha nito
Nakita kong mawalak ang pag kakangisi nito at nag salita, inabot nya sa akin ang annulment paper pero umiling ako
"I have one condition" lakas loob kong sabi
"What's that for?" Kunot noong tanong nito
"Isang bwan! sa loob ng isang bwan pakisamahan mo ako ng maayos at itrato mo ako na parang mag asawa tayo. Pag natapos ang isang bwan pipirma ako at mag papakalayo" seryosong sabi ko
"What your crazy?" Sabi nito sa naiinis na boses
"If you not agree with my condition, i don't sign that annulment." Matigas kong sabi kahit na kinakabahan ako, aalis na sana ako ng mag salita sya kaya nag liwanag ang mukha ko
"Fine! One month" sabi nito na may kasamang pag dadabog napangiti ako ng malawak
"Simula bukas ha wag muna akong susungitan at sasaktan isang bwan lang naman madali lang lumipas ang araw pag katapos ng isang bwan lalayu na ako" sabi ko sa masayang boses
Umalis ako sa silid nya na malawak ang ngiti, kahit sa loob ng isang bwan maranasan kong mahal mo ako kahit hindi totoo! kong ito ang paraan na gusto mo mauunawaan ko. Ayaw mo talaga sa akin! Tatanggapin ko na ayaw mo sa akin na walang pag asang mahalin mo ako! Ang hirap ilaban ang isang taong sa una pa lang alam mong hindi na mapapasayo. Kaya kahit pag papanggap lang maranasan kong naging mabuti ka sa akin sa loob ng isang bwan! Babaunin ko iyon sa pag aking alis spade! Babaunin ko ang bubuuin nating magandang alala. At iiwan ko ang mga ala alang masasakit sa bahay na ito. Sisikapin kitang kalimutan,
Susulitin ko ang araw na kasama pa kita. Para sa oras na wala na ako sa tabi mo wala akong pag sisisihang desisyon! sana lang maging masaya.
***
BRiANNA pov
Eto ang unang araw ng deal namin ni spade, pero tinanghali ako gumising 6:30am na kasi ng umaga. Bumangon na ako at ipag luluto kopa sya ng almusal. Pag labas ko nag tungo agad ako sa dining para mag luto, ngunit nagulat ako ng makita ko si spade na nag luluto doon
Nag salubong ang aming mga mata at nakita kong malawak ang kanyang ngiti, nagulat naman ako sa kanyang reaksyon! Naguguluhan kong bakit ganon ang awra nya ngayon araw.
Pero ng maalala ko ang deal ay hindi na ako nag taka, sinusunod nya lang ang aming pinag usapan. Gusto na nya talaga akong hiwalayan.
"Good morning," nakangiting sabi nito at unti unting lumapit sa akin, then he kissed my forehead
Naestatwa ako parang may mga kabayong nag uunahan sa aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Kahit deal lang ito ang sarap sa pakiramdam . Nakakatuwa
"Good morning din," ganting sabi ko, yumakap ito sa aking bewang at nag salita
"Break fast is ready" masayang sabi nito kaya naman natuwa ako
"Ako dapat ang gumagawa nyan" sabi mo sa kanya habang nakayakap pa rin sya patalikod sa akin
"It's my duty to serve you baby" sabi nyang muli sabay halik sa batok ko, parang lahat ng balahibo ko sa katawan nag sitaasan sa ginawa nyang iyon.
Ewan ko kong kikiligin ako sa ginagawa nya ngayon. Alam ko naman na isang deal lang ito kaya nya nagagawa. Pero susulitin ko ang bawat oras na lilipas lalo pat isang bwan lang ang hiningi ko sa kanya.
"Baka masanay ako nyan! Pag umalis ako hahanap hanapin ko yan sigi ka baka hindi kita iwan nyan" biro kong sabi
Nakita ko naman na nag bago ang expression ng mukha nito, kaya naman niyaya ko ng kumain baka bumalik sya sa pagiging cold
"Halika na kain na tayo" pag yaya ko sa kanya
"Akala ko halikan na " sabi nito sabay tawa
Natulala ako sa kanya, ngayon ko lang ito nakitang tumawa ng ganon! May pag ka pilyo din pala ang isang to
"Aray" sabi ko sabay hawak sa noo kong pinitik ng loko,
"Nakatulala ka kasi eh" reklamo nya
"Ngayon ko lang kasi nakita ang mga ngiti mo, ang sarap sa mata! Marunong ka palang ngumiti eh" masayang sabi ko
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayon sobra ang tuwa ko. Sinunod nya ang gusto ko na maging mabuti sa akin ng isang bwan. Sa ngayon hindi ko muna iisipin ang bukas!
"Tara na lalamig ang pag kain" sabi nito
Ng maka pwesto na sa hapag ay sya na mismo ang nag lagay ng pag kain sa aking plato. Natutuwa ako sa pinapakita nya, ang layo nya sa spade na dati kong nakilala.
"Say ahh" sabi nito nagulat naman ako ng subuan nya ako kaya kusang bumuka ang bibig ko
"Kaya ko naman eh" reklamo ko ginagawa nya kasi akong bata, pero ang totoo kinikilig ako
Ng matapos na kaming kumain, nakita ko syang nakagayak, hindi na ako nag tanong baka ikagalit lang nya
"Punta lang ako sa office may kailangan lang akong pirmahan sabi ni dad! Gusto mong sumama?" anito kaya gulat na napatingin ako sa kanya, nag paalam sya sa akin. Lumapit ako at nag salita
"Hindi na dito na lang ako! Anong oras uwi mo para makapag luto ako" ngiting sabi ko yumakap muli ito sa aking bewang na pinag taka ko
"Before lunch nandito na ako" sabi nito sabay halik sa noo ko, pansin kong puro noo ko lang ang kinahalikan nito. Kaya naman tinawag ko ito at lumapit ako sa kanya
"Spade" tawag ko at lumingon naman ito, hinalikan ko sya sa labi ng mabilis,
'First kiss ko yon' sabi ko sa aking sarili
Nakita ko naman napahinto sya na parang hindi nakagalaw kaya nag salita akong muli
"Mag iingat ka ha" sabi ko sabay yakap sa kanya, ng makabawi ay tumango ito at ngumiti
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na ito! Sana ganito na lang tayo palagi,
'pero alam kong may hangganan ang lahat ng pinapakita mo' malungkot kong sabi sa sarili