BRiANNA pov
Sobrang tuwa ko ng makitang si spade ang taong nandito, kaso tinignan nya lang ako ng may pangungutyang tingin. Pero binaliwala ko yon, ako pa sanay na haha
Natapos ang usapan na maayos, ngunit naiwan ang parents namin na nag uusap. Siguro sa negosyo!
Nakita ko si spade na lumabas at nag lakad lakad, sinundan ko ito at nag salita ng nakangiti. Nagulat na lang ako ng itulak nya ako, base sa reaksyon nya galit na galit ito. hindi agad ako nakatayo. Dahil napakasakit ng balakang ko na tumama sa matulis na bato. Pinilit kong tumayo at isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya! Saka sya iniwan sa lugar na iyon. Alam kong dumudugo ang aking tagiliran dahil ramdam ko na my likidong umaagos sa aking katawan.
Dumiretso ako sa aking kotse at pinuntahan si sam, sh*t ang sakit parang hindi ko na yata kaya.
Ng makarating na ako sa condo nya ay agad ko syang tinawagan dahil hindi kona talaga kayang mag lakad. Puno na din ako ng blood
"Hello" agad na sabi nito
"Nandito ako sa baba ng condo mo" sabi ko narinig ko pang nag salita ito pero pinatay kona ang tawag! Dahil alam kong pupunta na ito
Ilang minuto lang ang hinintay ko ay nakita ko na itong nag lalakad papunta sa direksyon ko.
Pag bukas nya ng pinto ay naiinis syang nag salita
"Bakit mo pinatay ang tawag hindi pa ako tapos mag salita?" mejo galit na sermon nito
Ng makita nya ang sitwasyon ko ay napamura at mababakas mong nag aalala sya
"Holy sh*t bri what happen to you?" Boses nya habang binuhat ako at pinaupo sa back seat, ngumiti ako bago nag salita
"Nadulas lang ako" pag sisinungaling ko ngunit kilala nya ako kaya alam nya kong kailan ako nag sasabi ng totoo oh hindi.
"Wag mo akong lokohin bri" mababakas mo sa tono nitong galit na
"Nadulas nga" sabi kong muli pero alam kong hindi ito kumbinsido sa aking binanggit
Ng makarating kami sa hospital na pag aari ng parents nya ay agad nya akong pinaasikaso
"Ms mabuti na lang naidala ka agad dito kong hindi baka lumala pa ! Medyo malalim ang sugat na natamo mo ms paniguradong mag iiwan ng peklat yan" mahabang sabi nito
Kaya naman nag pasalamat ako sa kanya at kay sam na rin.
Pauwi na kami pinasuot nya sa akin yung jacket nya para daw maitago ang ng yare sa akin at ng hindi makita ng parents ko. Ako na ang nag maneho at hinatid ko sya sa kanyang condo
"Thank you" sabi ko sabay yakap sa kanya. Yumakap naman ito pabalik. Bumalik na ako sa kotse ko at muling nag maneho
Malapit na ako sa bahay ng mapansin kong nandito pa sila at hindi pa sila umaalis. Nakita ko si spade na nakatalikod. hindi kona lang sya pinansin at masama pa ang aking pakiramdam
Dumiretso ako sa aking kwarto kahit ang parents namin ay tinatanong kong napano ako. Hindi kona lang sila pinansin at pumasok na. Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa kama. At pumikit
'kailan mo kaya ako mamahalin spade? Pag patay na ako? ' tanong ko sa sariliH
***
SAMUEL pov
Nandito ako sa aking condo. Abala sa mga papeles na nag kalat at kailangan kong matapos ngayon araw.
Habang abala ako sa mga papeles na aking inaaral ay narinig kong tumunog ang aking cellphone. Kaya naman kinuha ko ito at tinignan kong sino ang tumatawag.
Ng makita ko kong sino ay sinagot ko ito, ng masabi nya na nasa baba sya ng condo ko ay binaba na nya ito kaya naman napakunot ang aking noo at naiinis na bumaba. Ang dami ko pang kailangan tapusin pero eto ako tsk
Ano nanaman kayang kailangan ng babaeng to hays mga babae talaga ang daming ganap haha
Ng makalapit na ako sa kanya ay naiinis na binuksan ko ang pinto ng kotse at padabog na umupo sa back seat.
Ng makita ko ang kalagayan nya napamura ako at nag alala para sa kanya! Agad ko syang binuhat papunta sa back seat at pinaharurot ang kanyang kotse papunta sa hospital ng parents ko. Agad din naman syang inasikaso. Takot na lang nila haha
Nakita kong malalim ang sugat nito kaya nag alala ako. Tinanong ko din kong napano ito, sinagot naman nya!
Alam ko kong ksulan to nag sasabi ng totoo, kaya alam kong nag sisinungaling ito ng mga oras na yon. Ang ipinag taka ko saan nya nakuha ang sugat nya. Tss
nag pasalamat ito at bigla akong niyakap. Niyakap ko din sya pabalik, sa yakap nyang yon parang bumalik ang dati kong nararamdaman sa kanya . Hindi nya alam na may gusto ako sa kanya. Tinatago ko yun! pero agad din naman nawala yon .
***
SPADE pov
-Naiinip na ako kakaantay sa parents ko, kaya naman nag desisyon na akong umuwi ! Saktong papunta na ako sa aking sasakyan ng bigla akong nakarinig ng ugong ng kotse, baka si brianna na ito kaya naman bago ako tuluyang lumabas ay tumalikod muna ako malapit sa dadaan nya,
Mahirap na mamaya mainis nanaman ako sa kanya ano pang magawa ko, ng yuluyan na syang makapasok hindi nya ako kinibo. Ni hindi nya ako tinapunan ng tingin
'Weird' sabi ko sa aking isip nakakapanibago na hindi nya ako kinibo
Ng malagpasan nya na ako ay nilingon ko sya, ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kong duguan ang kanyang damit
Fvck! Sh*t! Ganon ba kalakas ang pag kakatulak ko sa kanya . Nakonsensya ako sa isipang yon kaya naman balak ko sana syang habulin upang mag sorry kaya lang naunahan ako ng kaba! Kaya hinayaan ko nalang. Mabuti na din yon para layuan na nya ako.
***BRiANNA pov
Isang linggo na akong hindi pumapasok ! Masama ang loob ko kay spade. Pero sa kabila ng lahat hindi pa rin nawawala ang pag mamahal ko sa kanya
Nandito ako sa kwarto nag mumukmok, dumagdag pa ang nalalapit namin na pag iisang dibdib. Ewan ko ba kong bakit inaapura ng parents namin ang kasal hay. Dahil sa susunod na araw na iyon! Hindi ko alam kong matutuwa ako. Pero mas nangingibabaw ang saya sa aking dibdib
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniliwa non si Lyra na kaibigan ko. Nakita kong malawak ang pag kakangiti nito habang palapit sa kinaroroonan ko
"Hoy bess ano yung nabalitaan ko na ikakasal kana daw?" Mejo kinikilig na sabi nito kaya naman natawa ako
"Totoo ba yon ha?" Dagdag na tanong nyang muli. Hindi ko pa nga nasasagot ang una nyang tanong may pangalawa na agad
Napa tango lang ako. Kasabay ng pag tango ko ang pag yugyug nya ng katawan ko na parang excited kong sino ang taong pakakasalan ko
"Sabihin mo sino sya?" Sabi nito at mas lalong lumapit sakin kaya naman nairita ako
"Si spade" mahinang sabi ko na mababakas ang malungkot na boses
"Kyahhh talaga?" Sabi nya Habang kinikilig haha
"Ohh eeh bakit parang malungkot ka?" Sabi nito na sumeryoso ang itsura!
"Diba dapat masaya ka? Matagal mona kayang pantasya ang lalaking yon" natatawang saad nya habang nakataas ang kilay
"Ah basta" nasabi kona lang
"Kaylan ang kasal? " Tanong nya
"Next day" malungkot kong sabi
"Alam mo ang weird mo? May hindi ka sinasabi sa akin no?" Sabi nya
Kaya naman naiiyak kong sinalaysay sa kanya ang ng yare
"Aba tarantad* pala ang gagong yun eh, anong karapatan nyang gawin sayo yun?" Galit nyang sabi.
Hindi na lang ako nag salita. Para manahimik na sya ang ingay kasi ng isang to, pinahid ko ang aking luha, naku naman ilang balde paba ang dapat ilabas ang aking mata para lang mahalin mo ako spade ko? Ng makaalis na ito ay natawa na lang ako ng pagak.
'mahirap ba akong mahalin? Mahirap ba akong magustuhan?' tanong ko sa aking sarili habang naka dukdok ang mukha. Kalaunan ay napag pasyahan ko ng pumasok na lang ayaw kong mag kulong na lang.
Habang nag lalakad ako papuntang room ko may narinig akong tilian kaya na agaw ng atensyon ko ito. Lumapit ako sa mga ito at ng makita ko kong ano ang pinag kakaguluhan nila ay nainis ako
Si spade lang naman na may kasamang magandang babae.
Sa sobrang inis ko lumapit ako sa kanila at hinila yung buhok ng babeng kasama nya, nag pupumiglas ito pero hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa buhok nya
"What the hell ano bang problema mo?" Galit na sabi ng babae ng makawala ito sa pag kakasabunot ko sa kanyang buhok
"You!" sabi ko sabay turo sa kanya at nag salitang muli
"Layuan mo sya kong ayaw mong kalbuhin ko ang buhok mo!" Galit na sabi ko, lalapit sana akong muli upang sabunutan ng may humawak sa akin. Pag tingin ko si lyra pala ito, salubong ang kilay nyang nakatingin sa akin
"Ano bang ginagawa mo? Lahat na lang ba ng kasama nyang babae sasaktan mo?" Medyo galit nyang sabi
Ewan koba naiinis ako pag may iba syang kasama kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit at saktan ang babaeng kasama nya
Napaiyak na lang ako at napayakap sa kanya, naramdaman ko naman na hinahagod nito ang likod ko upang pakalmahin ako, unti unti nya akong hinila palayo sa kinaroroonan nila.
Ng medyo malayo na kami lumingon ako sa kanila at nakita kong malawak ang ngiti ni spade na akala mo natutuwa sa ng yare sa akin
>Tapos na ang kasal namin nung nakaraang araw pa. Nag pirmahan lang kaming dalawa sa harapan ng judge kasama ang aming parents.
Ayaw nyang ipaalam sa iba ang tungkol sa aming kasal. Sabi pa nya hindi daw ako ang babaeng gusto nyang makasama habang buhay
Ngayon sa iisang bahay na kami tutuloy, sana matutunan nya akong mahalin tulad ng pag mamahal ko sa kanya.