Gumaan ang pakiramdam ko after ng comfrontation kay Kuya Rye. Naramdam ko na laging adjusted ang schedule niya lalo pag halos ako lang ang tao sa bahay. Guess, ayaw niya ako malungkot ng sobra. I'm really blessed to have him.
Dumaan ang ilang linggong halos walang nagbago sa paligid ko. Pasok sa school tapos uwi. Everyday ganoon. Well, except for Sundays, may free time ako na makipag bond sa family ko at sa mga kaibigan ko. Excited na ako matapos ang semester nato medyo chill eh hindi ako masyadong busy.
Today is the day na napagkasunduan namin ni Dane magusap in person. I want to clear things out.
Nagkita kami sa Old Spaghetti House at nag lunch. I understand why she is frustrated. I even talked to dad to ask kung talagang pinaalis sa stall sila Tita Diana ang momni Dane. It turned out na si Tita Adelle yun. She still has a hold on the family business kasi she is dad's sister pero 80% ay kay dad na.
Naayos namin ni Dane ang tampuhan and nag sorry rin siya sa pagaway sa akin. Naghiwalay na kami at pumunta ako sa university para magpa clearance.
"Hey pretty!" Narinig kong bati sa likod ko habang palabas ako ng university.
"Hey, ano ginagawa mo dito? Don't tell me coincidence nanaman ito kung hindi babatuhin ko sayo tong tumbler ko." Biro ko sa kanya
"Napa harsh mo Ellie! I am just visiting my friend?" Naka taas pa ang isang kilay nito
"Ewan ko sayo, tara libre mo na ako. Haha"
Yes, Chris became one of my friends. Naalala ko pa ang first meeting namin. After nung announcement ng engagement, siya yung nagbigay sakin ng panyo na sesame street. He was so nice and I felt comfortable when he is around. Nasa vacation si Tom sa Canada dahil namatay ang lola nito, kaya naiinip ako dito sa campus. Buti na nga lang at nabibisita ako ni Chris.
We do hangout pag may time ako. Nakakatuwa naman din kasi siyang kasama. He knows how to make me laugh. Somehow I feel lighter. Nalulungkot kasi ako mag isa, having a friend like him is awesome.
Natapos ang first semester ng ikatlong taon ko sa kolehiyo. Sem break na. Na excite ako sa naiisip kong get away. Gusto ko yung idea ni kuya Bob na pupunta daw kami ng Laguna para ipasyal sa Enchanted Kingdom si Omarion. He would enjoy it for sure. Kaya lang days before yung trip, nag cancel dahil may emergency business meeting sila sa business namin. There are problems about the investors so kailangan nilang asikasuhin iyon.
Today, magkikita kami ni Dane, Grey at Sheena. I really miss them so much. Nag aya lang si Sheena na mag lunch sa bahay nila Grey dahil hindi ito makalabas ng bahay nila. She is grounded. Hmm bakit kaya? For all I know, madalang lang mapagalitan si Grey dahil masunurin siya.
Nag doorbell ako sa gate nila at kitang kita ko ang excited na muhka ni Dane na bubuksan ang gate. Gosh, I miss her so much! Niyakap ko siya ng mahigpit. Siya rin sakin.
"I miss you Ellie. Sorry madalang ko kayo mabisita sobrang busy ko lang."
"Baliw kahit kakakita lang natin last week!" Sabi ko.
I understand na busy siya sa pag aaral. Alam ko na kailangan niya rin na samahan sila Vi at si Kaye. Sabay kami pumasok sa loob. Naabutan namin si Sheena na tulala sa sala at si Grey na may kausap sa cellphone. Binati ko sila at niyakap. Bakit parang iba ang timpla ng hangin dito? Last time I checked, ako yung ganito.
"Ahem, aalis ba kami o busy busyhan kayo?" Mataray na sabi ni Dane na naguguluhan din sa inaasal ng dalawa.
"Anong problema? Let's talk about it girls. Ako naman ang makikinig."
Alam ko nag aalangan pa sila magsabi. Walang umimik sa kanilang dalawa. I don't know how to make them open their hearts to us. Gusto ko lang malaman ang problema nila at alamin kung ano ang maitutulong ko. Nagsalita si Dane, malungkot ang boses niyang nagkwento samin.
"Alam niyo, kung may problema kayo wag niyo sarilinin. Andito kami para makinig. Si kaye malaki ang pinagdadaanan ngayon. Nagkakaproblema sila sa business ng lolo niya. Nagpapagamot pa si Kean. Alam niyo bang nag working student siya? Tinago niya rin samin yun pero, isang araw hindi niya na kinaya."
"What? Oh my." Nagulat ako sa sinabi niya. I wish I could hug Kaye.
"Oo, si Vien naman may problema sa health si Tita adelle at may problema sila ni Michael. Ewan ko magulo sila."
Ayun hindi ako nakaimik. Nabanggit ang pangalan niya at wala akong masabi. I don't want to show whatever sadness that I have in me.
"Sorry Ellie. Gusto ko lang sana mag open up sila." Naisip siguro ni Dane na nabigla ako sa pagbanggit ng pangalan niya. Nginitian ko lang siya at nagsalita bigla si Sheena.
"Tangina naman kasi. Alam niyo ba ha. Sa ganda kong ito. Na reject ako nung pangarap ko?" Maluha luhang sabi ni Sheena
"Gusto niyo ba makita yung picture sa f*******:? Nag viral siya after niya mag confess."
Natatawang sabi ni Grey. Nakita nga namin ang picture habang nagtatawanan ang mga lalaki at babae sa likod at si Sheena ay nakayuko.
"Tangina, ang kapal ng muhka niya. Makikita niya. Ngayon lang sa tanang ng buhay ko ako napahiya ng ganun. Mag transfer nako next sem."
Gigil na gigil si Sheena sa pagsabi noon.
"Ano ka ba? Papatalo ka ngayon? That's new. You were always that b***h who would s***h someone on their neck as revenge."
Natatawa ako dahil ginaya ko ang sinabi niya nung nakita niya ang ex boyfriend niyang may kasamang iba noong high school kami.
"Oo nga, at pasalamat ka nga ni reject ka nung lalaking yun. Hindi worth it yun sayo." Si Dane.
"Ang daming naghahabol sayo sa campus Shee, ewan ko bakit bulag ka doon sa captain ng basketball na yun. Sinapak na nga ni Jake diba?" Nang aasar na sabi ni Grey kay Sheena. Nang lilisik ang mata na tumingin siya kay Grey
"What? Anong sinuntok? Si Jake? "
halos malaglag ako sa upuan sa katatawa. Alam ko na mapipikon si Sheena sakin. Hindi ko mapaligilan tumawa eh.
"Pwede ba bes, ano nakakatawa doon? Tigilan mo nga ako kakaasar sa gorilla na yun. Malapit ko na ilibing nang buhay yun."
Galit na galit na sabi ni Sheena sakanya.
"Baka kaya ni-turn down ka nung crush mo kasi si Jake naman pala talaga. Haha"
si dane na nakikitawa narin
"Kayo, mga walang kwenta mag isip. Kadiri kayo. Ikaw tibo ka porke hindi kana gangster manamit kala mo kinaganda mo ha? Tomboy!!"
Akmang babatuhin niya ng baso si Dane. Agad siyang lumingon sa akin
"Isa kapa, kaya pinagpalit ka sa pinsan mo, ang dumi mo mag-isip"
inis na inis siya samin ramdam ko yun.
Then it hit me. It hit me hard. Yung bagay na matagal ko nang iniwasan pagusapan, bumabalik. Hindi ako nakapag salita. Parang gusto ko siyang sakmalin sa sinabi niya pero bakit ako magagalit? Totoo naman ang sinasabi niya. Is he really fed up? Sa mga maling akala at tamang hinala ko. Baka nagsawa nga siya kaya mas pinili si Vien. My cousin doesn't think the way I do.
"Alam mo, kingina ka. Okay na sana na ako nalang tinira mo e. Wala ka ring kwenta. Gago ka. Tara na Ellie."
Hila sakin ni Dane. Wala akong nagawa kung hindi magpahila. Ang lalim masyado ng iniisip ko at wala ako masyadong maiintindihan sa paligid ko.
"Uy, Teka lang Dane at Ellie"
boses ni Grey ang huling narinig ko
Namalayan ko nalang na nasa tricycle na kami palabas. Inaya ako ni Dane sa isang fast food chain. Matagal na panahon na akong hindi nakakain dito. Nung 1st birthday pa yata ni Omarion.
"Ellie, sorry."
"No, I'm sorry. I spaced out. Muhka akong tanga."
"Alam ko nasasaktan ka pa din. Alam kong ikaw ang pinaka nahihirapan dito. I can't believe Sheena said that."
"Ako rin, napikon lang siguro satin. I know, hindi niya sadya yun. Kaya umalis ako, I need fresh air."
"Alam mo, lahat kayo nasasaktan sa nangyari na yan. Kitang kita ko sa mata ni Vien at Mike na ayaw nila ng arrangement na yun pero wala silang magawa."
Wala na akong sinagot sa kanya. Ayoko nang dugtungan yung usapan na yun pero alam ko naghihintay siya nang sagot sakin. Kumain na kami ng chicken joy at tig isang large fries at sundae. Dati, kumpleto kaming kumakain dito. Sana bumalik yung panahon na maging okay lahat.
Mapait akong ngumiti sa kanya "kung ano man yung problema nila labas na ako dun. Let's not talk about it." Tumango nalang siya at inubos ang kinakain niya
Nag aabang na kami ng taxi ng may sumipol sa likod namin. Hindi ako lumingon dahil ayoko ng sisipulan. Kainis. Nagulat nalang ako ng kinalabit ako ni Dane. Nagulat ako ng nakita ang mga lokong kaibigan namin.
"Hi Dane, Oh hi crush. Saan ang punta niyo?"
Si Paulo. Nasanay nako sa pang aasar niya sakin ng ganyan. Natural nalang samin yun pero walang malisya.
"Hindi pa namin alam eh. Kumain lang kami. San naman punta niyo? Mambabae nanaman kayo noh?"
Natatawa pang tanong ni Dane
"Tara chill tayo, kila August. Nag aaya eh. Sama na kayo ngayon lang tayo nagkita eh." Si Ken
"Oo naman go ako. Alak na alak ako ngayon. Namiss ko ito." Excited si Dane sa session
"Oh ikaw crush? Sama ka na rin. Please. Ilang buwan tayo hindi nagkapag bonding."
Si paulo na alam kong kukulitin lang ako lalo pag hindi pa ako sumama. Napa tango nalang ako. Wala naman akong choice. At wala akong pasok bukas. Why not enjoy this day!
"O sige na Tara!"
Pagkasabi ko sumakay na ako ng sasakyan at hinila si Dane sa loob. Kailangan ko ito. I need to chill. Namiss ko na rin itong mga kaibigan ko.
Tumunog ang phone ko at nakitang kong tumatawag si Sheena. It's payback time.
Pinasagot ko kay Paulo ang phone naka loud speaker pa ito.
"Yes, paulo speaking. Ano kailangan mo?"
"Hoy gago, yung bestfriend ko nasaan kakausapin ko. At bakit ikaw ang sumagot ha? Tarantado ka ha? Kinidnap mo ba kaibigan ko?" Matawa tawa kami sa sagot ni Sheena.
"Lasing na Lasing eh kaya hiniga ko muna naparami yata ang inom. Ang bigat niya pala."
Biglang bumulong si dane kay paulo at parehas silang natawa
"Ano? Lumabas kana sa kwarto nayan iwan mo yan dyan."
"Ikaw kasi eh, inaway mo pala sabi ni Dane. Anong klase ka? Nako sinaktan mo crush ko. Matindi pa naman pagnanasa ko dito."
"Anong? Paulo sinasabi ko sayo iwan mo yan."
"Paano ko iiwan ang higpit ng yakap niya sakin ngayon. Muntik na nga maghubad pinigil ko lang."
"Si dane nasaan siya? Hinayaan niya kayo?"
"Ah. Kasama naman ni Kendrick sa kabilang kwarto baka gumagawa na nang milagro hahaha"
"Kingina niyo. Nasan kayo ha? Mapapatay ko kayo. Buwisit kayo."
"Sige na ibaba ko na ito. Busy ako eh. Bibihisan ko muna si Ellie baby."
"Hayop ka. Manyak ka!"
"Ano daw yun Shee, nasan yung dalawa?" Napalingon ang isang mokong narinig lang ang boses ni Grey. Hmmm
Binaba ko na ang tawag. Saka ako tumawa ng tumawa. Nakabawi rin ako sa kalokohan ng kaibigan ko. Ako ang nadali niya kanina ngayon lang ako gumanti haha.
Nagpaalam si Kendrick na daanan daw muna namin ang mga kaibigan na si Joms at Vj dahil tinatamad mag drive ang mga ito. Medyo natagalan kami dahil naligo pa si Vj.
Maya maya tumunog ang cellphone ni Paulo. Nagulat nalang ako at nilayo niya ang cellphone niya sa tenga niya.
"Aray ko pre. Bakit kailangan mo sumigaw?"
Halatang nairita siya sa tumawag at bandangnhuli napalitan ito ng tawa. Mala demonyong tawa.
"Ang bilis mo naman makasagap ng balita. Hahaha mamaya nalang kita tayo. Sige kung mabubugbog mo ako. Haha labyu pre"
"Sino yun pre? Galit ata ah. Jowa?" Si Joms na katabi ni Pau ngayon.
"Si August. Galit na galit. Sira ulong Sheena to nakapag sumbong agad."
Napa kamot ng ulo si Paulo.
"Live in action mamaya." Sabi ni Vj
Nagtawanan kami sa reaction niya. Alam kong magiging masaya itong araw na ito. I'll definitely enjoy this day.