I can't open my eyes and just buried my face in the pillow though the alarm clock
was kept on ticking therefore, I have no choice but to drag it out over the side table
and threw it upon the corner.
"Badrtrip! Ugh."
Tumihaya ako paharap sa kisame saka mabilis na nilingon ang nasirang alarm clock. Tiyak
magagalit ang ina kapag nalaman na naman ang nagawang kaburaraan sa gamit. I have this weird thing
with something "new". Palaging bumibili si yaya o 'di kaya si mommy ng mga bagay ngunit dahil
sa pagiging clumsy, madalas hindi pa inaabot nang isang araw na buo o walang basag ang mga ito.
"Louella, are you ready with the early mass today, huh?" biro sa sarili.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka nagmamadaling humarap sa salamin, tinignan ang jogging pants at active bra na
suot, kinapa ang impis na tiyan maging ang pagiging kuwela at pagpapapangit sa mukha'y hindi pinalampas. I even dragged the towel at the side and just
kicked those shoes I left before I went over my comfty bed last night. Sobrang napagod sa maagang aktibidades na sinalihan kasama ang matalik na kaibigan.
Hanggang sa napansin ang nakasabit na bestida sa gilid ng tukador. Hindi pa rin nagbabago si mommy sa pagiging maka-moda, tipong
mapagkakamalan pa yata akong nanay o bodyguard sa'ming dalawa dahil ang aking madalas na suot ay maluluwang na damit ngunit ganunpaman, hindi halos
maialis ang mga mata sa magandang kasuotan, tila mayroong nag-uudyok na kunin at isukat iyon subalit hindi magawang sundin ang nais ng utak sapagkat natatakot akong
makita ng ibang tao sa ganoong sitwasyon. I hate being teased, I hate the shameful words that I might hear from them if I break the norms.
Norms. Yes, the normal Louella for them is the tomboyish gal who's always belonged to
those thorns. One of the boys, the male version of my loving mother.
Kilala ang aking angkan sa larangan nang agrikultura, rancho at iba't ibang anggulo ng pagsasaka, lumaki sa probinsiya kasama ng mga kabayo at ilang mga alagang
hayop ng abuelo, subalit nang lumaki at nagkaisip ay inilayo ni mommy at daddy sa mga gawaing nakasanayan. Pinag-aral sa isang prestihiyosong eskwelahan
(Xavier International Academy) at doon rin muling natagpuan ang pinakamakulit at pinakamaligalig na batang nakasama sa isang pagsasalo noong musmos pa lamang, na
hindi na halos nahiwalay sa lahat ng kaganapan sa'king buhay. Si Richmond Alcantara.
Sinipat ang nakaawang na pinto nang kuwarto saka mabilis hinatak sa sabitan ang naturang bestida. I went inside the comfort room and gradually worn it in front of the
mirror. I even felt the sense of euphoric emotions while seeing those pretty ruffles around my shoulders. Kinapa nang maigi ang perpektong hubog ng katawan na sadyang
nakatago lamang sa mga over-sized shirt na suot araw-araw. Kapagkadaka'y umikot sa harap nang salamin, animo parang nakalaya sa isang bagay na hindi maintindihan.
Ilang minuto ring ninamnam ang kaaya-ayang anyo hanggang sa nanatiling suot ang magarang damit maging nang makalabas ng palikuran. I couldn't erase the smile in the corner of my lips but when I glanced at the egress of the door, my ticker literally jumped out of my ribcage. It was Richmond, with his teasing expression and a form of disbelief.
"Buddy, bakla ka na? Hindi mo sinabing titiwalag ka na sa mga bros code natin?"
"H-Huh? N-nagsukat lamang ako. Actually I was being forced by mommy. Nakakairita 'tong mga ruffles, sobrang kati sa katawan." pagkakaila sa lalaki.
Natawa lamang ang kaibigan, saka inakbayan na parang barako kapagkadaka'y ginulo ni Richmond ang aking buhok na halos ginagawa rin nito sa alagang aso ng nakababatang kapatid na si Suzy.
"What the hell are you doing in my room? Huwag mong sabihing mag-aaya ka na naman sa court?" I uttered.
"Nope, I'm just visiting my best buddy. Walang magawa sa bahay, wala rin akong mapag-tripan kasi umalis si Suzy kasama ng classmate niya."
"I have no time with you. I need to study that freakin' calculus." pagtanggi sa binata.
Walang kaabog-abog na humiga lamang si Richmond sa kama habang nakatitig sa'king kabuuan, halos mailang dahil sa kulay kahoy at matiim na mata nito. Hindi mapigilang ayusin ang tumakas na hibla ng buhok sa likod ng tenga habang iniiwas ang paningin sa binata, ayokong isipin ng lalaki na tulad din ako ng mga babaeng nagpapalipad hangin dito.'What am I thinking? Really, Louella? He's your freakin' bestfriend! Anong pinagsasabi mong ayaw matulad, ha? In the first place, you supposed not to think of that way!'
"You look weird!" kunot-noong anas ni Richmond.
"H-huh? Anong pinagsasabi mo diyan?" mas tinigasan ang tono ng boses.
"If I don't know you too well, I could wrong your actions as if you're trying to be cute in front of me." he winked.
"Ang kapal talaga ng mukha mo kahit kailan!" anas ko saka kinuha ang unan sa gilid kapagkadaka'y binato ang binata.
I heard him chuckle.
Maya-maya'y tumayo ang kaibigan ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod nitong kilos, sapagkat binuhat ni Richmond at walang pakundangang ibinalibag sa kama saka idinagan ang kaniyang buong bigat. Tanging ang dalawang kamao lamang ang nakatukod sa magkabilang gilid, hanggang sa natigilan ang lalaki nang magtama ang aming mga mata. Hindi halos maipaliwanag ang kakaibang kaba habang nasa ganoon kaming ayos.
"O-ouch b-buddy, kapag ako nakatayo rito l-lagot ka..." kulang sa awtoridad na saad sa binata.
Doon natauhan ang kaibigan animo nabalik sa isang matagal na panaginip sapagkat gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Richmond. Ginulo lalo ang aking buhok bago tumayo mula sa pagkakadagan.
"I'll wait you downstairs, bud. Pucha! Puwedeng magpalit kana? Hindi bagay sa'yo dahil parang mas bagay 'yan kay Yaya Belen." gumikgik ang binata na ang tinutukoy ay ang suot ko kapagkadaka'y nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
"Bilisan mo, ha? Mayroon akong favor sa'yo!" habol nito.
"O-oo."
Hindi pa rin ako makahuma sa nangyari habang nanatiling nakatingala sa kisame. Parang mayroong kakaibang nararamdaman sa binata na hindi mapangalanan at lalong hindi malaman kung kailan nagsimula.
"You're dead, Lou. Don't you ever think about being on the same boat likely with those hoes." paalala sa sarili saka mariing napapikit.
--
Favor.
Nadaan na naman ako sa pabor.
MAAGA akong nagpaalam kina mommy at daddy nang maabutan silang nag-uumagahan sa mahabang mesa sa kumedor habang masayang nagkukwentuhan ukol sa isang partikular na bagay.
"Hi mommy, daddy." I greeted and kissed them both before I was about to hurriedly leave.
"Wait up, hija." Dad thwarted me.
"What's up dad?" anas ko.
Ibinaba ni Daddy ang kaniyang antipara upang rikisahin ang suot nang araw na iyon. Madalas akong masita ng ama dahil sa malaking pagkakaiba namin ng pinakamamahal na ina. Dating beauty titlist si mommy bago niya nakilala si Daddy kaya't hindi maiwasang mabahala ang ginoo sa mga ikinikilos ngunit palaging binibigyan ng kasiguruhan ang matanda na hindi ako gaya ng mga iniisip nila. Sherwin Gonzales and Marinel Quen Del Valle Gonzales were the power couple in Xavier International Academy before. They're both alumni's in the prestigious school where I am studying right now. And they were the teeny bopper sweethearts eversince the world began, well up until now.
"Why don't you wear the dress I bought you yesterday?" putol ng ginang.
"Mom, you know how much I'm allergic to ruffles and cute kinds of stuff." I just rolled my eyes.
"Wala ka 'bang ibang gustong suutin bukod sa jeans at over-sized shirt, anak? Do you want me to buy you some jimmy choo heels? Your dad can afford to buy those stuff with his card."
"Nah'. Bye mom, bye dad!" walang ganang saad sa mga ito. Samantala, napapailing na lamang ang mga magulang sapagkat hindi nila mabali ang kung ano mang desisyong mayroon ako.
Malalim na bumuntong-hininga bago sumakay sa naghihintay na sasakyan na siyang magdadala sa'kin sa eskwelahang pinapasukan. Tiyak na kanina pa naghihintay ang binata sa tambayan. Biglang sumagi sa isip ang usapan ukol sa pabor na hinihingi ni Richmond kahapon, habang nakaupo kami sa gilid ng lanai.
"C'mon, Lou. I can't able to live without Tanya. Alam mo namang ang hirap
mapasagot no'n. I don't mean to hurt her, it's just that Donna went there at the court and flirt with me."
Napapailing na lamang ako sa mga tinuturan ng lalaki. Ayokong magkomento sa mga gawi ng binata lalo pagdating sa pagiging matinik sa babae. Ako lamang yata ang hindi natatablan sa kamandag nito. 'Are you hearing yourself, Lou?'
Mabilis kinontra ang isip sapagkat inililipad na naman ang utak habang nasa gitna kami ng masinsinang usapan.
"C'mon buddy, a marvelous gesture from you means a lot to me," he said with some flickering gesture of his almond-shaped eyes.
"Fine."
Kapagkadaka'y sinalubong nang mahigpit na yakap ng lalaki, rason upang masalat ko ang kaniyang maskuladong katawan. Di rin maiwasang makaramdam ng mga mumunting paru-paro sa tiyan, tila kinikiliti dahil sa libu-libong kuryenteng dumadaloy sa'king kabuuan.
"O-Okay na, puwedeng 'wag mo 'kong yakapin? Naaalibadbaran ako!"
"Sungit naman ng buddy ko. The best ka talaga!" anito sabay kurot sa pisngi.
Naputol ang pagbabalik-tanaw hanggang sa makuha ang aking atensiyon ng dalawang batang naglalaro sa playground habang nakahinto ang kinalululanang sasakyan. It's a metaphoric reminder for me that all of these emotions could build a huge tower between us because of this unknown 'thing' I have for him.
Napabuntong hininga sa mga kabi-kabilang alalahanin dahil sa kakaibang nararamdaman para sa binata. Hindi ko mapangalanan kung ano mang damdamin mayroon para rito. Ilang sandali ang nakalipas ng huminto ang sasakyan sa mismong harap nang malaking gate ng XIA. Patamad akong lumabas sa awto saka binagtas ang mahabang corridor.
Iisang lugar lamang naman ang tungo ko, walang iba kundi sa hideout ng HOMIGEN. Ang mga itinuturing na kaibigan ng binata na halos parang kapatid narin ang turing sa'kin.
Malayo pa lamang ay tanaw na'ng binata habang makikita ang kaniyang naiinip na ekspresyon. Pilit kong inayos ang nagusot na buhok maging ang suot na loose shirt. 'Why do you have to fix your hair or clothe? Will he notice it?' kontra sa sarili.
Pabalewalang lumapit sa binata kapagkadaka'y awtomatikong rumehistro ang apologetic na ngiti sa'king labi.
"Hey, bud, why does it take you so long? I'm about to call you. Baka hindi mo maabutan si Tanya."
"Ang demanding ha? You should understand that I wasn't the one who's asking for a favor."
"O siya, siya. Here's the flower I bought. Ikaw nang bahala ha?"
Inakbayan lamang ako ni Richmond saka ginusot-gusot ang buhok kaya't nagkunwaring naiinis dito ngunit ang totoo'y gusto ko ang pakiramdam na malapit sa lalaki subalit napahinto sa naiisip ukol sa matalik na kabigan.
'Hindi 'to maari! Kaibigan ko siya!'
Marahan kong inalis ang braso ng binata mula sa pagkakaakbay kaya't makikitang kumunot-noo ang lalaki marahil nanibago sa ikinilos ko.
"Are you okay? Did I do wrong?"
"Wala."
"May dalaw ka ba?" anito sabay tawa.
"Ewan ko sa'yo! Tigilan mo 'ko Alcantara!" pasuplang saad sa lalaki.
"May gano'ng transition ka pala, bud?" mas lalong lumakas ang tawa nito kapagkadaka.
"Hindi ako nagbibiro!" angil ko kalauna'y inagaw ang hawak na bouquet sa binata hanggang sa nagdesisyong mag-walk out. 'Why I feel so hurt right now? Palagi naman niya 'kong inaasar dati tungkol sa gender ko?'
"Hey, are you mad?---Lou!" tawag nito ngunit imbis lumingon ay nagmamadaling umalis sa tambayan.
Hindi maikakailang ikinagulat ng lalaki ang aking mga ikinilos subalit 'di masisi ang sarili sapagkat miski ako'y nalilito sa mga nangyayari.
Tahimik akong tumungo sa lugar kung saan madalas makita ang babaeng tinatangi ng matalik na kaibigan. Kahit labag sa loob ang gagawin dahil sa panibughong nararamdaman ay kailangan kong pagtakpan ang tunay na emosyon sa pamamagitan ng pagpapanggap. Hawak ang pumpon ng mga rosas ay lakas-loob akong lumapit kay Tanya. Samantala kasama nito ang mga kaklase at kasalukuyang nagkukwentuhan ang mga ito.
"Hi, Tanya."
"What?" pasuplang saad ng babae tila hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha.
"Richmond wants to give this to you." anas ko subalit imbis na tanggapin ay umirap lamang ang dalaga.
"Wala bang balls 'yang kaibigan mo, para ikaw ang magdala ng mga 'yan?"
Hindi ko malaman ang gagawin o sasabihin sa mga oras na iyon subalit tulad nang ibang mga babae, basta HOMIGEN ang mayroong kursunada ilang segundo lamang ang galit ng mga tipo ni Tanya.
"What did he tells you?" anas nito kapagkadaka.
"Meet him later after your class."
"Fine."
Muntik na umikot ang aking paningin sa harap nito dahil sa pagiging easy ng babae. Hindi ako maniwalang mahirap ligawan ang kaharap na dalaga sapagkat damang-dama ang pagiging marupok nito. Nagulat na lamang ako nang agawin ni Tanya ang mga rosas saka inamuy-amoy.
"What shall I tell Richmond?" I lazily asked.
"Tell him that I'll be at the coffee shop that we used to go to." malambing na saad ng babae.
Hindi na 'ko sumagot pabalik at basta na lamang iniwan ang kumpulan ng babae. Kinakailangan ko rin kasing tumungo sa unang klase na dapat papasukan nang maaga kung hindi lamang naabala ng pakiusap ni Richmond. Sa kasamaang palad ay makikitang muli ang binata dahil halos magkakaklase kami sampu ng miyembro ng HOMIGEN.
Humahangos na tumatakbo sa hallway upang hindi maabutan o maunahan ng professor. "This is all your freakin' fault Alcantara!" bulalas sa sarili at walang pakundangang dinadaanan lamang ang ilang mga taong bumabati sa'kin dahil sa lantarang pagmamadali. Maya-maya'y hinihingal na huminto sa harap ng nakapinid na pinto.
's**t!'
I immediately fixed myself before knocking on the door. The teacher opened it and I saw how serious the old professor was, therefore i automatically uttered an apology for being late. Namumula ang buong mukha ko sa kahihiyan habang papasok sa loob ng classroom sapagkat hindi kaila na istrikto ang ilang mga guro sa eskwelahang pinapasukan dahil karamihan sa kanila'y mga matatanda na.
Kaagad dumako ang mga paningin kay Richmond. He was laughing with a bit of apologetic smile because of what had happened. Naroroon din ang ilang HOMIGEN. Samantala, katabi nito sina Xavier at Lyndon sa gilid habang nasa kaliwang bahagi naman ng klase si Troy at Michael na hindi rin mapigil ang nakakalokong ngisi, maliban kay Alex na bahagyang inayos lamang ang makapal na salamin sa mata at umiling-iling sa hindi malamang dahilan.
Inirapan ko lamang partikular ang binata saka padarag na naupo. 'Lagot ka sa'kin kapag natapos ang klase'
Ilang minuto rin kaming nakikinig sa mga lecture ng propesor ngunit sunud-sunod ang pag-vibrate ng cellphone ko sa gilid. I saw the registered name of Richmond but instead of secretly read it I just ignored his messages.
Lumingon ako nang bahagya sa kaniya ngunit matalim ang aking tigtig. He seemed not affected about it and pointed over the phone as if telling me to look at it but instead of following his whims I abruptly glared at him.
Hindi na yata titigilan ni Richmond kaya't sa inis ay kinuha ang cellphone ngunit nakalikha ako nang kumosyon rason upang biglaang tumikhim ang propesor.
"Do you have any problem there, Ms. Gonzales?
"None, Ma'am."
Nagpatuloy ulit ang guro sa kaniyang mga itinuturo subalit maririnig ang mga pagpipigil na tawa o hagikgikan mula sa likuran. Maingat kong inilagay sa ilalim nang desk ang phone saka binasa ang ipinadalang mensahe ng binata.
Tulok:Kumusta? Anong balita sa inutos ko sa'yo?
Tulok: Hoy!
Nakailang mensahe rin ang lalaki bago nagpasyang sagutin nang maayos ang kaibigan ngunit sinigurong maikli lamang iyon.
Reply: Okay na.
Tulok: YES!!! Thank you buddy! i-hug kita mamaya.
Mariin akong pumikit bago maingat na inilapag ang phone sa ilalim ng desk, nakakuyom ang aking kamao sapagkat doon na lamang ibinubuhos ang emosyong nakapaloob sa'kin. Nang matapos ang klase'y tahimik kong inayos ang bag nang mayroong bumundol mula sa likuran saka sinakal ng braso nito ang aking leeg.
"Thank you, buddy!" ani Richmond.
"Nauto mo na naman si Lou, pare." saad ni Lyndon.
"I'm not making her foolish. Lou just loves me too much as a most handsome best friend. Right, buddy?"
Napapailing na lamang si Xavier habang idinadantay ang braso kay Alex na siya namang panay ang tanggal nito tila napipikon sa mga kilos ng kaibigan. Samantala, magkapanabay na lumabas si Michael at Troy at tiyak tutungo sa tambayan malapit sa gymnasium. Hindi ako umimik at basta na lamang diretsong lumakad palabas habang nakasunod si Richmond.
"Hey, you didn't answer my questions earlier. How was it?"
Tuluy-tuloy lamang sa paglalakad habang nauuna ang mga HOMIGEN. Sinasabayan ako ni Richmond sa paglalakad ngunit walang tigil sa katatanong ukol sa nobya nito.
"What?" I shortly replied.
"I'm asking you how was Tanya? Did she accept the flowers?"
"Yes."
"What's the freakin' problem, Lou? Kaninang umaga ka pa malamig sa'kin." mababanaag ang inis sa kaniyang tono.
"Wala."
"Then, what?"
"Wala nga. I'm going home, Alcantara."
"Did she fight with you?"
"No. I told you that she's okay with what you've instructed me."
Bumuntong-hininga ang binata tila hindi kumbinsido sa mga inaakto ko laban sa kaniya.
"Fine. Thank you, just call me when you're done with your unknown tantrums. Hindi ko alam kung anong problema natin." anito sa malamig na tono habang kinakagat-kagat ang ibabang labi. Kabisado ko ang lalaki kapag naiinis si Richmond sa mga nangyayari. He profuriously biting his lips or just scratching his ears same with Lyndon Santiago.
Iniwan na lamang ako ni Richmond sa hallway saka nakisabay kina Xavier na parang walang nangyari. Nakigulo rin sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan nito habang nakatulala lamang akong nakatingin sa kanilang mga likuran. I held both the strap of my backpack and I just walked gradually in the midst of the hallway, my jaw clenched and kept on scolding myself for being too harsh on him.
'Louella, why don't you act normal in front of him. C'mon, you're making yourself idiot. Nagagalit ka nang walang dahilan? Hindi kailanman maiintindihan ni Richmond ang lahat ng mga pinagdadaanan mo.'
Halos kumabog ang dibdib nang sumulyap ang huli sa kinaroroonan ko tila mayroong sinabi si Troy ukol sa'kin subalit imbis na pansinin ay hindi na lamang nakisama sa HOMIGEN. Nagpasiya akong umuwi nang maaga dahil ayokong maabutan ang eksena kung saan magpapaalam ang binata upang tunguhin si Tanya sa coffeeshop mamaya. It will absolutely make my heart shatter into pieces for sure, though' I have no rights to feel this way, oh well, beside from the main reason that I am secretly in love with my bestfriend.