"You are doing great, Ms. Trinidad. " sabi nang choreo sa akin pag katapos kung umikot. Huling araw na nang praktis ngaun at sa susunod na araw na ang contest kaya makahinga ako nang maluwag. Maluwag nga ba? Sa huling dalawang linggo naman kase ay nakasanayan ko na ang pagsusuot nang heels kaya ok na ko. " Ikaw naman, Mr.Silverio okay ka naman eh. PERO ARAW ARAW KO NALANG NAPAPANSIN ANG PANINITIG MO KAY MS. TRINIDAD!FOCUS! JUSMIO, ANG GWAPO MO PERO SI MS. TRINIDAD ANG INAATUPAG MO!" Napasinghap kaming lahat dahil sa sigaw nang choreo. Agad akong napayuko. Hindi ko alam kung napihaya ako or ano pero damang dama ko ang kaba sa dibdib ko. Pag baling ko kay Glen nahuli ko na nakatitig siya sa akin. Agad nag igting ang kanyang panga. Marahas siyang tumayo kaya lahat kami ay natahimik. Lumapi

