Umaga na naman. Next week na ang retreat namin sa Zambales. Medyo na excite naman ako dahil sumama si Dom at Athena. Kung paano nila ginawa iyon? Hindi ko din alam. Kahapon nga nung magbabayad ako sa retreat hindi tinanggap ng school dahil bayad na daw ako. Sino paba ang nagbayad? Walanghiya talagang Mr. Demons na yun. Sabi ko naman sa kanya ayoko ng ginagastusan niya ako. Kaya ko naman magbayad para sa sarili ko. Ayoko kasing isipin niya na kaya ko siya sinagot ay dahil sa pera niya. Independent ako. Sanay ako sa hirap at kaya kong pagtrabahuhan ang gusto ko. Bonus nalang nang nagkaboyfriend akong mayaman. Pagpasok ko sa university ay dumiretso ako sa gym. Nandun kasi si Glen para sa praktis ng basketball. After kasi ng sembreak, simula na nang foundation. At maglalaban ang mga school d

