Dalawang araw ng nasa ospital si Glen kaya dalawang araw na din akong pabalik balik dito. Okay din pala na anak siya ng may ari ng university kaya na excuse ako sa mga klase ko. Nagtanong pa nga si nanay sa akin kung bakit may benda ang leeg at ang braso ko nung umuwi ako eh. Ayoko mang magsinungaling pero nagsinungaling pa din ako. Tapos sabi ko pa dahil sa trabaho kaya hindi ako makauwi. "Ang tagal mo naman, Julia!" Pagbukas ko ng pinto ng room ni Glen ay sumalubong agad sa akin ang simangot na mukha niya. Hindi ko maiwasan mapangiti. Okay na okay na talaga siya. Bumalik na ang pagka arrogante at dominante niya eh. "Natural na matagal ako noh! Eh ang layo kaya ng bahay ko dito!" Umirap ako at nilapag ang container ng pagkain dala ko. Ala pala sa bansa ang magulang at kapatid ni Glen ka

