Nang makita ni Fhail na palabas na si Dia ay kaagad nyang isinuot ang cap at face mask upang walang makakilala sa kanya. Natanaw siya ni Dia. Napangiti si Dia at kinilig. Habang naglalakad siya ay nakita nya ang hawak na bouquet ni Fhail. Walang makakatumbas sa saya na nararamdaman nya. Nang medyo malapit na siya kay Fhail ay bumwelo siya para tumakbo. Nang tuluyan na syang makalapit ay kumarga siya sa katawan nito. “Ang pogi naman ng sundo ko!” masayang bulong ni Dia. “Ikaw naman, ang ganda-ganda mo. Pero hon, bumaba ka muna sa katawan ko. Tingnan mo itong bouquet sa kanan kong kamay,” tumitig siya ng mariin kay Dia. Hinihintay niya ang reaksyon nito. “Wow, Fhail... Wow. Thank you! Thanks! Omg! Sobrang saya ko! Grabe! Hmm... Ang bango.” Dahan-dahan nyang hinimas ang pisnge ni F

