Narrator’s Point of View Sonja is glaring at Leo with pure hatred and anger. Hindi niya lubos akalaing magagalusan siya ng lalaki. She got too carefree and lowered her defences. Ramdam niya ang hapdi ng kanyang sugat at ang marahang pag-agos ng malapot at amoy kalawang na likido palabas dito. Mas lalo pa siyang nainis nang makita niya ang ngisi ng binata na tila ba inaasar at minamaliit siya. Nang mapalingon siya sa gawi ng kanyang mga kasamahan ay kita niya ang pagkabahala ng mga ito, lalo na si Rack na lubos na nakakakilala sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi. There’s this frustration again welling up inside her. Ayaw na ayaw niyang kaawaan siya. She’s done living in pity. Tapos na siyang tiisin ang pangmamaliit ng mga tao sa kanya. She got over it already. Pero dahil lang sa pagb

