Leo’s Point of View “Hintayin na lang natin na magising ang kasama mong babae at magsisimula na tayo sa ating paglalakbay,” sambit sa akin ni Faunn ng may malaking ngisi sa kanyang mga labi. “Hahabulin natin ang hangal na babaeng nagnakaw ng isa sa mga faunal orb ko,” dagdag niya. “Hindi pwede, dapat mauna ako dahil mas kailangang mapigilan ang tiyuhin ko!” sabat naman ni Yukino. “Hindi. Ako dapat ang mauna!” giit naman ni Faunn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang dalawa sa pagtatalo kung kaninong problema ang dapat kong unahing tulungan. Kanina pa sila, at unti-unti na akong nabibingi sa halos pagsisigawan nila. Kulang na lang ay magpisikalan sila para lang makapagdesisyon kung sino ang mauuna. “Manahimik na nga lang muna kayo,” awat ko sa kanila dahil hindi ko na kayan

