Leo’s Point of View “Amara?” tawag ko sa dungeon guide na bigla na lang tumakbo palayo sa lugar kung saan sana kami magpapahinga. Papatulog na kami dahil maaaga pa kaming aalis bukas para suyurin ang buong Hidra. Pero nabigla na lang kami nang patakbo siyang umalis papunta sa masukal na parte ng gubat. Nakapagtataka rin na hindi masyadong nag-react si Clastine nang mangyari ‘yon. Nakatalikod lang siya sa akin kahit na ilang beses ko na siyang tinatawag. “May probema ba? Bakit bigla ka na lang tumakbo?” tanong ko sa kanya. Muli, ay hindi siya sumagot. She’s not even moving a muscle, as if she did not hear me say anything. I tried reaching her pero nabigla na lang ako nang tumagos ang kamay ko sa katawan niya. I called her once more and attempted to touch her again, pero ganoon pa rin

