"Tandaan ang isang babae ay dapat marunong magluto dahil kayo ang maghahain para sa pamilyang bubuoin ninyo." Malumanay na turo ni Hanan sa kanyang mga anak na babae.
"Ina tikman nyo kaya ito?" tinungo nya ang nakakatandang anak na si Sinaya na parang giliw na giliw sa pagluluto.
"Maganda ang iyong dila anak, maayos ang iyong pagkakaluto at tamang-tama ang lasa. Sige na ihain mo na iyan at tatawagin ko na ang iyong ama't mga kapatid."
"Sige po ina." Magalang na sagot ni Sinaya. Nadako naman ang tingin nya sa isa pang lutuan na nagbabaga ang apoy. Dapat ay narito ang anak nyang si Magwayan ngunit tila tumakas na naman ito.
"Nasaan ang iyong kapatid?" napataas ang boses nya dahil sa inis na naramdaman.
"Hindi ko po napansin ang kanyang pag-alis ina. Marahil ay kanina pa sya nakaalis." Napailing nalang si Hanan habang naka tingin sa gilid ng apoy kung saan nakapatong ang tatlong inihaw na isda.
Iyan lang yata ang kayang lutuin ng kanyang bunsong babae.
Dalawang taon lang ang agwat ng kanyang dalawang anak na babae, ngunit halos magkaiba sila ng tahanang tinitirhan sa layo ng agwat ng mga ugali nila.
Si Sinaya ay mas matalino at mahinhin samantalang malikot at maliksi naman si Magwayan.
"Lam!" pagtawag nya sa kabiyak.
"Nakahain na ang pananghalian!" sabay na tumayo ang kanyang pinakamatanda at bunsong anak na parehong mga lalaki.
"Nakita nyo bah si Magwayan?" sabay na na tumawa ang magkapatid.
"Ina hindi ka ba napapagod kakaturo kay Magwayan? Hayaan nyo na kasi sya sa gusto nya." hindi nya pinansin ang sinabi ng kanyang panganay na si Alon bagkos ay pinigilan nya si Simon sa tuluyang pagpasok sa kanilang tahanan.
"Putahan mo ang kapatid mo sa inyong apong at dalhinyo na din sya dito para makakain nah." Gusto mang magreklamo ay walang nagawa si Simon kundi sundin ang ina.
Nakarating sya sa lumang barko ng kanyang apong sa labas palang ay tinatawag na nya si Magwayan.
"Apong ilabas nyo po si Magwayan at kakain nah." Nadatnan ni Simon si apong na naka upo sa kanyang silya.
"Apong nagugutom na ako." pagrereklamo nya sa kanyang apong.
"Hindi ko alam kung nasaan ang kapatid mo paslit." at tinapik lang ang balikat nito.
"Hindi na po ako paslit." pagkontra nya sa matanda ngunit hindi na sya sumagot.
"Magwayan kapag hindi kapa lumabas sasabihin ko kay ina na gumagawa kayo Ng bangka ni apong para sa iyo." Napalingon nalang si Simon sa labas nang may narinig syang bumagsak.
"Ano ka ba Simon akala ko ba nagugutom ka na? Bakit ang tagal mo?" hindi na sumagot pa si Simon at hinila nalang ang matanda at sinubakang sumunod sa tumatakbong kapatid.
"Tumatakbo ka na naman Magwayan?" sigaw na salubong ng ina.
"Inakyat nya po ang lumang barko ina." pagsusumbong naman sa kadadating lang na si Simon.
"Ilang ulit ko bang sasa—" hindi na natapos ang sasabihin ni Hanan dahil ang anak nya na mismo ang tumapos.
"—bihin sa iyo na ang babae dapat mahinhin kung kumilos. Dapat wala kang mga galos dahil makakadagdag ito sa kagandahan mo bilang babae." napatingin sa kanya ang lahat habang umuupo sa tabi ni Sinaya.
"Magwayan, makinig ka sa iyong ina." yumuko lamang ang anak dahil sa pagsayaw ng amang si Lam.
"Nalalapit na ang kasal ni Alon kaya magsimula na tayong maghanda." paalala Ng ama.
"Ama ano po ba ang pag-ibig?" tanong ni Sinaya.
"Ang pag-ibig ay ang ipinagkaloob ni Bathala, mararamdaman nyo ito kapag nakilala nyo na ang mapapangasawa nyo."
"Paano po ba mahahanap ang pag-ibig?" napangiti si Hanan sa inaasal ng kanyang anak na babae labinwalong taong gulang na si Sinaya, habang dalawampo't apat naman si Alon, labing-anim si Magwayan at labing-isa naman si Simon.
"Malalaman mo kapag nakita mo na sya." natahimik ang lahat dahil sa naging sagot ng kanilang ama.
"Ibig sabihin po ba wala kayong pag-ibig sa isa't-isa?" nabigla ang lahat dahil sa tanong ni Magwayan. Kahit sya ay nabigla rin dahil hindi nya inaasahan ang magiging reaksyon ng lahat dahil sa sinabi nya.
"Kasi hindi naman si Bathala ang naglapit sa inyong dalawa, hindi po bah? Diba ang mga magulang nyo ang naglapit sa inyo?" Walang umimik.
"Hindi totoong wala kaming pag-ibig ng ama ninyo, naging instrumento lang talaga ang mga magulang namin upang kami ay magtagpo." turan ng ina at tumayo.
"Gusto ko din ng pag-ibig" sa isip ni Sinaya.
"Gusto ko ding maging katulad nina ama at ina, maging kagaya sa mga nangyayari sa mga nagbabasa kong aklat."
"Hindi kung totoo man ang pag-ibig dapat ikaw mismo ang magkakahanap nun. Pero hindi ito totoo." bulong ni Magwayan na syang naiwan sa hapag.