SASHA
NAPAPAHIYA AKO sa sarili ko ngayon. Kalalabas lang ni Vin ng kwarto pagkatapos sabihing ayusin ko ang aking sarili. Mag-uusap daw kami. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin at nauwi kami sa tagpong 'yon kanina. Or maybe I just missed his kisses and touch, na gabi-gabing nagpapaalala sa akin ng kapusukan namin— ng kapusukan ko. Dahil katulad ng gabing ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kahit wala kaming relasyon, muntik na namang mangyari kanina ang bagay na 'yon.
Worse, may anak na kami na ayaw niyang paniwalaang kanya. Gusto ko na ngang pumayag sa DNA test na hinihingi niya para matapos na ang lahat ng kanyang pagdududa niya. Pero sa isang banda ay ayaw ko ring gawin ‘yon dahil mangangahulugan 'yon na hindi siya naniniwala sa akin. It was a one nightone-night stand — yes. Ang masaklap ay hindi pa niya naalala. Damn!
Basa ang bra ko kaya pinalitan ko ito. Pinalitan ko na rin pati t-shirt ko dahil kumapit ang amoy niya sa akin. Naghilamos rin ako at kung pwede lang maligo ulit ay gagawin ko na rin, ang kaso ay baka naghihintay na siya sa akin. Nang matapos ako ay sinundan ko siya sa labas ng pinto. Ang pasilyo ng bahay niya rito sa taas ay may maliit na mesa at dalawang upuan. Para bang sinadya ang disenyo niyon para sa gabi, bago kayo matulog, ay makapaghuntahan muna ang mga nasa bahay habang umiinom ng tsaa o kape.
Iniwan kong nakaawang ang pinto ng kwartong tinutuluyan namin ni JR para marinig ko siya at mapuntahan kaagad kapag umiyak ito.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya at saka naupo sa silya.
He looked serious. "Are you married?"
His first question was direct to the point. Siguro kung sa ibang araw lang at pagkakataon niya natanong iyon ay malakas ang magiging pagtawa ko. But the last I want is to make him mad, at hindi maipinta ang mukha niya ngayong mga oras na ito. Siguro dahil nabitin siya kanina. Pero ako rin naman— we are on the same boat.
"Do you see a ring on my finger?" balik-tanong ko sa kanya.
"Malay ko kung tinanggal mo lang," sagot niya sa akin.
Napaamang ako. "Are you trying to insinuate that I'm lying?"
"Wala akong sinabing ganyan. Tinatanong lang kita kung kasal ka. Oo o hindi lang naman ang sagot." Napahilamos siya sa kanyang mukha at mukhang naiinis na.
"Iyan lang ba ang tanong mo?"
"Palagi bang tanong ang sagot mo sa tinatanong sa 'yo?" Kumunot ang noo niya.
Hindi naman talaga ako ganito eh. But for some reasons, Irvine Havard brings out the worst in me. Madali niya akong galitin, inisin. . . at pag-initin. Damn it. Palagi na lang bang isisingit 'yon ng isip ko?
Bumuntong-hininga ako. Kalma, Prudence. "I'm not married."
"Boyfriend?"
"Irvine, hindi ako nag-aapply ng trabaho pero kahit siguro sa interview ng pagiging kasambahay ay hindiid itinatanong kung may boyfriend na ang aplikante o wala. Unless. . ." Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko sa kanya.
"Unless ano? Ituloy mo." Sumandal ito sa silya at pinag-krus ang mga braso.
"Unless interesado ang nagtatanong sa tinatanong." There, isang bagsakan na. Magalit siya o hindi ay wala na akong pake. Kung bakit naman kasi sa dami ng itatanong ay ito pa. Pwede namang — kailan tayo nagkakilala? Anong birthday ni JR? Mga ganoong bagay. Pero hindi ang personal ko. It's not like we're tying the knot or anything.
Vin looked amused. "And if that person is interested. . . and the feeling is mutual?"
"Pwede ba? I don't have time for this. Six months lang kami ni JR dito. Hindi natin kailangang magustuhan ang isa’t isa."
Dinukwang niya ako sa mesa kaya bahagya akong napaurong. Mistula siyang giraffe na nanghahaba ang leeg. Ang haba pa naman ng kalis niya.
"Are you denying what's happening between us?" tanong niya sa akin.
"Ang alin naman?" Nakuha ko pa talagang magtanong. Gusto ko ng kutusan ang sarili ko.
Tumawa ito. "Gusto mo bang i-recite ko isa-isa ang ginawa ko sa 'yo kanina?" tanong niya sa akin at nagkagat-labi pa—na para bang nalalasahan pa niya ako. Ang landi ng lalakeng ito. Kaya nga mahal mo eh, sabi ng isip ko.
"Don't be absurd, Irvine," sikmat ko sa kanya.
"You know, mas lalo lang akong naaakit sa 'yo kapag nagtataray ka," tukso niya sa akin. He wet his lips sensually at naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas sa pagitan ng hita ko. s**t.
"Stop it. So kailangan, maging mabait ako sa iyo palagi para hindi ka naaakit sa akin? Is that what you want?"
"You could try that. . . but it doesn't guarantee anything."
Napasimangot ako sa tinuran niya. "Seriously?"
"Uh-huh."
Ngayon ay nakaluhod na siya sa sahig sa may gilid ko at naipalibot na ang mga braso sa baywang ko. Sunod-sunod ang kalabog ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Is it the anticipation of the things he's about to do to me?
"Lean over," utos niya sa akin.
"B-bakit?" Heto na naman ako at nauutal sa harapan niya.
"Just do it," bulong nito.
"I can hear you just fine in this distance, Irvine."
The thing with the Havards is that they are very confident people. Wala yatang insecurity na nananalaytay sa dugo nila kahit sa isang hibla ng buhok. And what they want, they always get.
"Lean over."
"No,” tanggi ko.."
"The third time I tell you to lean over. . . you will be bending over near that baluster and God knows what I'm going to do next. Take your pick," banta nito sa akin.
"Are you threatening me?" Bagamat ninenerb'yos ako ay nakuha ko pang magtanong sa kanya.
Humahaplos ang mga daliri niya sa likod ko at nagbibigay 'yon ng kakaibang init sa akin.
"Le—"
"All right!" inis akong tumungo palapit sa kanya. "Start talking."
"Who said I was going to say anything?"
The next thing I know, he was kissing my lips and I think I am in for a wild ride.